Chapter 8

255 12 0
                                    

“Is there something wrong Daphne? If there is wag ka mahiyang sabihin samin alam mo yan.” agad kong tanong sa kaniya.

She's the sunshine of our friend group, hindi niya pinapakita sa amin na nasasaktan o nauuncomfy siya kaya kami ang nagaadjust and it's fine. After keeping us happy everyday, its never enough compare sa mga ginawa niya sa aming tatlo.

Daphne looked at me with a blank stare before answering my question.

“Wala to ano ba kayo! Napakadramatic niyo naman porket naspace out yung tao duhh!” ang sagot niya. Alam kong nagsisinungaling siya ngunit ayoko lang na magalit sa akin pag tinanong ko pa kung anong totoo.

Pagkatapos ng klase namin sa umaga ay inaya namin si Daphne para sumama sa aming tatlo pumunta sa SM pero himala at tumanggi siya, for the first time.

Habang nagtitingin ng pwedeng mabili ay naisip ko si Daphne.

“Hoy napansin niyo ba si Daphne? Parang nagiba yung mood niya ah hindi naman ganon yon.” tanong ko sa dalawa.

“Girl kaya nga eh, there's something off talaga sa kaniya kanina super halata kahit itry niyang itago from us!” ang sagot ni Irish sa tanong ko.

Naglakad lakad muna kami hanggang makarating sa Starbucks at don namin tinuloy ang paguusap.

“Ako lang ba or feeling ko may gusto si Daphne kay Gia? Considering the fact na hindi naman niya sinasabi sa atin kung part siya ng lgbtq+ or straight siya.” ang sabi ni Cleo at doon ko narealize ang gustong niyang sabihin.

Sinundan din ito ni Irish. “Omg! Cleo you're right! Baka nagseselos nga si Daphne kay Serenity dahil gusto niya si Gia!”

But Daphne wouldn't do that? Bakit naman siya magseselos sa akin? Kapatid na ang turing ko kay Gia, nothing more.

Nagsalita naman ako sa accusations ni Irish kay Daphne.

“Si Daphne? Magseselos sa akin? Dapat nga kampante siya dahil straight ako at hindi ko papatulan si Gia. Daphne's free to flirt with her anytime she want dahil single at wala namang gusto si Gia as of now.”

“Hindi mo sure mhie, malay mo ginagawa yan ni Gia sayo kasi ikaw ang gusto niya! Hindi lang niya magawa landiin ka noong grade10 tayo dahil online class noon.” hirit ni Cleo.

“Nagseselos at kinakabahan ata sayo si Daphne dahil anytime ay baka badingin ka ni Gia and maybe it'll be too late for her.” ang saad naman ni Irish.

Overthinking ideas ba ito? Kasi nagooverthink nanaman ako. I don't wanna hurt Daphne.

“Kung tama man yang mga sinasabi niyo then lalayo nalang ako kay Gia, ayokong masaktan si Daphne dahil lang sa akin.”

Nang matapos na ang araw ay sinabihan ako ni Gia na sabay na kaming umuwi dahil walking distance lang naman ang condo ko pero ang bahay niya ay mas malayo.

Linagay ko na ang mga libro sa bag ko habang nagkkwentuhan kaming apat, nauna na kasi ang subject teacher namin lumabas at iniwan na kami. Di ako nainform nangiiwan na din pala ang mga teachers, kimmy.

Biglang pumasok sa room namin si Gia at nagsitinginan kaming apat sa direksyon niya.

“Akin na ulit yung bag mo ako na magdadala.” offer nanaman ni Gia na hindi ko matanggihan dahil mabigat talaga ang bag ko.

Nagwwork out kasi si Gia kaya hindi na ako nagiisip kung nabibigatan ba siya sa bag ko. Kaya niya na yon malaki na siya.

Me and Daphne made a quick glance.

“Mukhang sinusundo ka na bhie ah pano naman kami.” pagbibiro bigla ni Daphne.

Tumawa naman kami at nagsalita itong si Gia.

“Ano G? Tara na.”

Nginitian ko silang tatlo at yinakap bago kami umalis.

“Una na kami guys, kita kits nalang ulit bukas mwaaa” pagpapaalam ko.

Habang naglalakad kami ni Gia ay napagisipan kong sabihin sa kaniya ang usapan namin ng mga kaibigan ko kanina.

“Alam mo ba may pinagusapan kami ng mga kaibigan ko kanina, about sayo pero don't worry hindi naman shit talk yon.” ang sabi ko.

Tumingin naman sa akin si Gia at sumagot.

“I trust you, oh so ano ba yon?” saad niya.

The Sunset Between UsWhere stories live. Discover now