Chapter 12

256 10 0
                                    

“Now tell me, bakit ka humahagulgol kaninang umaga?” tanong niya.

I paused for a bit taking my time to answer.

“The reason why is because I confronted Daphne about the issue with you tapos habang naguusap kami ay sinabi niyang wag daw ako magassume sa mga sinasabi o ginagawa ng mgo tao sakin. Gia alam ko namang assumera ako pero bakit ganon? Dapat bang hindi ako masaktan sa sinabi niya?” pagtatanong ko dahil mababa lamang ang aking luha kaya naiiyak ako sa maliliit na bagay.

Gia scooted over more until we felt each other's warm while staying in the exact position.

“Siguro nasabi niya lang yon dahil stress siya at hindi niya naman siguro sinasadiya magbitaw ng ganong salita. Your feelings are valid Serenity it has always been, you have the rights to be hurt dahil nakakaramdam ka. If you're thinking na sensitive ka lang baka matanggal ko utak mo dahil fuck no you're not sensitive.” iyon lang ang sabi sa akin ni Gia.

I was focus on mesmerizing the sunset ng may binulong sa akin si Gia.

“Ang ganda ng sunset no? Dapat tularan mo yan.” saad niya.

Sobrang slow ko ata at hindi ko nagets ang kaniyang sinabi. “Tularan ko yung sunset? Tangina lulubog din ba ako katulad ng araw.”

Pagkatapos ko iyong sabihin ay bigla akong pinitik ni Gia sa noo, nakakailan na to ah.

“Bobo mo amputa, hindi ba't ang araw ay lumulubog din? Ang araw ay napaka importante sa atin ngunit nagpapahinga rin ito pagsapit ng gabi. Ganon ang gawin mo, magpahinga ka. Hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong isakripisyo ang sarili mo para sa kaligayahan ng iba, katulad ng araw sa buwan.” pagpapaliwanag ni Gia.

“Ay ganon ba yon sorry ngayon ko lang nalaman.” sagot ko

Gabi na nga nang makarating kami sa condo, hinatid niya na rin pala ako hanggang sa aking condo unit. Siniksik niya ang sarili sa pintuan nang mabukasan ko na ito, mas nauna pang pumasok sa akin.

“Dito muna ako sa condo mo pre.” saad niya habang nakahiga sa kama at ako naman ay naglalagay ng pinaghugasan sa cabinet.

Nagreact naman ako kaagad at tinigil ang aking ginagawa dahil biglaan lang niya itong sinabi.

“Ha? Desisyon ka ba? Siguraduhin mong may dala ka munang damit at nakapagpaalam ka na kay tito at tita.”

Umupo naman agad si Gia sa kama na parang bata.

“Duh syempre alam na nila yon, pinagkakatiwalaan ka nila eh! Andon sa sasakyan yung damit ko kunin ko lang, girls scout kaya ako laging handa.”

Hinayaan ko nalang siya sa gusto niya dahil kawawa naman kung uuwi pa siya ng hindi kumakain at mukhang pinaghandaan niya naman ito.

Nang makabalik na siya sa condo unit ay naligo na siya upang makapagbihis at sumunod na ako.

Busy sa paghahanap ng kitchen appliances si Gia sa kitchen dahil mostly tambay lang siya at hindi pa naman nakakaluto dito.

“Asan mga kawali mo dito? Ako na magluluto busog na busog ka nanaman sa food panda eh, tamo malapit nalang isusumbong na kita kay tita.”

Sinagot ko ito habang nagbblower ng aking buhok. “Nasa baba ng counter sa pinakagilid.”

Mga ilang minuto na rin na nagluluto si Gia at nang matapos ay inilagay na sa kitchen table ang pagkain para kami'y makakain.

While eating I couldn't stop myself fom doing a little dance by how good the food was, habit ko na kasi yon everytime masarap ang kinakain ko.

Pagkatapos kumain ay nagtoothbrush na ako at humiga sa kama, dahil malaki ang kama dito sa condo ay hindi na ako naglatag ng higaan para kay Gia dahil kasiya naman kami.

Nakahiga ako at nanonood sa laptop nang magsalita si Gia.

“Saan ako matutulog tangina papatulugin mo ba ko sa sahig ng wala manlang latag?”

“Ang laki talaga ng kama kasiya nga tayo dito bobo ka ba.” sagot ko.

Kumunot ang mukha niya sa sagot ko dahil hindi niya siguro inaasahan na hahayaan ko siyang matulog sa kama, sa tabi ko.

Muli akong nagsalita dahil nakatulala lang tong si Gia.

“Oh bakit ka pa nakatayo diyan? Humiga ka na dito sa tabi ko tsaka sakto may pinapanood ako, tara netflix and chill.”

Humiga naman siya sa tabi ko at nanood kami ng movie hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog sa balikat ko. Sinirado ko na ang laptop at linagay sa desk na katabi ng kama ko.

Pagkatapos ay humiga na rin ako at inayos ang posisyon niya upang makatulog ng maayos, I then tucked our blanket and finally doze off to sleep.

The Sunset Between UsWhere stories live. Discover now