Chapter 2

582 17 0
                                    

Linalabanan ang antok habang nakikinig sa klase, ayan ang ginagawa ko ngayon dahil napaka boring magturo ng teacher namin sa Applied Economics halos lahat ng nasa libro ay binabasa niya lang, hindi niya ineexplain samin at ang bagal pa niya magsalita!

Hindi ko na natiis at chinika ko na ang katabi kong si Cleo, isang matalik na kaibigan ko rin pero kung tutok ako sa acads aba mas tutok siya. Sa sobrang tutok sa pagaaral ay wala ng oras para sa sarili niya kaya kung may oras ay inaaya rin namin siya ni Daphne para naman magkaron siya ng me time.

"Sis hindi ka ba naririndi dito sa teacher natin? Kasi ako rinding rindi na, magsesecond sem na at wala pa akong natatatak na lesson sa utak ko." tanong ko.

Napatingin sakin si Cleo at tinigil ang pagttake down notes kahit wala namang nakasulat sa board.

"Ahh minsan, pero nagaadvance study naman ako kaya napapadali ang pagiintindi ko sa lessons pati na rin sa next lessons." napaka kampante niya habang sinagot ang tanong ko, hindi ata to dinadatnan ng stress eh.

Wala naman akong magawa kundi magreklamo nalang sa lahat ng bagay kaya tiniis ko nalang hanggang sa matapos ang subject na ito.

Sakto at wala ang next subject teacher namin dahil may pinuntahan kaya nagphone nalang ako pangpalipas oras.

Nagscroll muna ako saglit sa tiktok ng may makita akong video na rinepost ni Gia, kumunot ang noo ko dahil nakasulat dito ang uri ng isang babae at siguro sakto ito sa type niya kaya rinepost niya.

"When she's maldita pala ha." pakikipagusap ko sa sarili ko.

Habang nagsscroll sa tiktok ay may nagnotif sa akin mula sa ig. Agad agad ko itong chineck at walang iba kundi si Gia dahil doon lang naman kami naguusap ng kung ano ano.

Today at 8:16AM

Itsgiacatamores: wala kayong teacher diyan?

Fae_salvacion: oo umalis daw eh

Itsgiacatamores: tara gala wala rin kami eh HAHAHAHAHA may 1hour pa naman

Nang makaalis kami sa school at naggala muna saglit sa labas ay naisip kong asarin siya sa repost na nakita ko sa tiktok.

"Hindi ka nagsasabi sakin trip mo pala ang mga maldita hmm." pangaasar ko sa kaniya.

"Ay gago nakita mo yon? Syempre trip ko type ko yon eh di ko na idedeny." sagot sa akin habang naghahanap ng food chain.

Habang naghahanap ng food chain ay nakita ko ang miniso na rason kung bakit nauubos ang allowance ko. Tinignan ko si Gia na nakatingin rin sa akin.

"Giaaa punta muna tayo sa miniso saglit gusto ko lang makita kung may stock na sila nung penguin na plushie daliii." pagpapaliwanag ko habang nakatingala sa kaniya na parang asong nagmamakaawa ng dog treats.

"Makakain mo ba yang miniso na yan?" walang kwentang tanong sakin.

"Malamang hindi! Pero dali na saglit lang naman ehh." sa sitwasyon ngayon ay hawak hawak ko na ang kamay niya dahil gusto ko talagang pumunta sa miniso.

"Bilis punta ka na don." ng sinabi niya iyon ay biglang kuminang ang aking mga mata.

"Thank you Gia! Kaya mahal na mahal kita eh!"

Dumiretsyo na agad ako sa isle ng mga plushie at don ko nakita ang tinatawag kong heaven, ang ganda at ang lalambot talaga ng plushie dito at sobrang cute pa.

Habang tumitingin sa mga plushie na nandoon ay nakita ko sa gilid ng aking mga mata si Gia na nakasandal lang sa pader at mukhang pinagmamasdan ang mga galaw ko kaya pinuntahan ko siya.

"Uy, tignan mo tong plushie na to ang cute ito yung tinutukoy ko sayong penguin plushie." tinutok ko sa mukha niya ang plushie na hawak hawak ko.

"Oo nga ang cute tara bilhin na natin yan." sagot niya na ikinagulat ko.

"Gaga ka ba andito lang ako para tignan kung may penguin plushie ano ka decision na bibilhin ko to porket cute?" tanong ko.

Tumayo ng tuwid si Gia at linabas ang wallet niya na mas lalo ko pang ikinagulat.

"Sino nagsabing pera mo ang gagamitin? Pumunta ka na sa cashier at icheck out mo na yan bago pa magbago ang isip ko." sambit niya at nagbigay ng pera sa akin.

"Weh?! First time mo kong linibre ah at sa miniso pa talaga, thank youuu." dahil sa tuwa hindi ko na napigilan na yakapin si Gia pano ba naman siya ang kauna unahang tao na nanglibre sakin ng ganito.

Mukhang nagulat rin si Gia sa biglaang pagyakap ko pero normal lang naman yon sa magkaibigan at siguro dahil hindi ko din siya yinayakap ng bigla biglaan.

After namin magpacheck out ay kumain na rin kami pagkatapos ay bumalik na ulit sa school dahil meron pa kaming next subject.

The Sunset Between UsWhere stories live. Discover now