Chapter 11

246 13 0
                                    

Hindi ko namalayan na namumuo na pala ang aking mga luha habang nakikinig sa klase, naramdaman ko itong bumagsak sa aking pisngi at pinunasan ko naman ito agad.

Am I being too sensitive? Kaya ba nasaktan ako sa sinabi niya dahil totoo ang mga iyon? Na binibigyan ko ng kahulugan ang lahat ng sinasabi at ginagawa sa akin ng mga tao? Iyon lang ako umiikot sa isip ko buong umaga.

Hindi na muna ako sumabay sa kanila Cleo kaninang lunch time dahil alam kong naroon si Daphne at siguro ay ayaw niya muna akong makita kaya kumain nalang ako ng magisa, hindi ko naman maaya si Gia dahil kasama niya ang mga tropa niya.

Afternoon classes na namin ngunit isa sa mga lessons ay wala akong naintindihan, gusto ko nalang matapos ang araw na ito at makapagpahinga.

Dismissal time na namin at katulad nga ng sinabi ni Gia pumunta na ako sa room nila, naabutan ko siya na nakikipagusap sa kaniyang mga tropa habang nakaupo sa desk ng upuan.

Nagtinginan naman silang lahat sa akin at nilamon ako ng kahihiyan dahil nakatayo ako sa pintuan ng classroom nila at hindi ko naman sila kilala.

Ilang segundo akong tinignan ni Gia pagkatapos non ay nagpaalam na sa kaniyang mga tropa habang bitbit ang mga gamit niya.

“Uwi na kami mga tol may ihahatid pa ko.” sambit ni Gia sa mga tropa niya, kinuha niya na rin ang bag ko at umalis na kami.

“Ihahatid? Hindi ba sabi mo sakin may pupuntahan pa tayo?” tanong ko habang naglalakad kami patungo sa parking lot.

Sinagot naman ni Gia ang tanong ko. “Oo nga, may pupuntahan pa tayo. Aliby ko lang yon dahil baka asarin nila ako alam mo naman mahirap na.”

Tuwing tinatamad kasi siyang maglakad ay minsan ginagamit niya ang sasakyan niya at ako naman ay naglalakad dahil malapit lang naman ang condo sa school.

Sumakay na ako sa shotgun seat at pagkapasok ko pa lang ay amoy ko na ang air freshener na ginagamit niya, may car sick ako eh. Hindi ako nakapagprepare ng plastic o white flower dahil unexpected naman ang mga nangyare.

“May bonamine at plastic diyan sa harap mo. Inumin mo na yung gamot para di ka mahilo, hindi ko na rin pala tinutok sayo yung aircon para mabawasan nararamdaman mo.” sabi ni Gia, siguro napansin niya na nahihilo ako dahil sa amoy.

Pero hindi ko naman akalain na may nakaprepare na pa lang gamot at plastic sa sasakyan niya o baka may relative lang siyang may car sick din tulad sa akin. Agad ko namang bawi sa mga iniisip ko dahil naalala ko bigla ang sinabi ni Daphne.

“Put your seatbelts on, baka maaksidente tayo. Hindi ko naman sinasabing bobo ako magdrive ah nakita mo naman driving skills ko pang proffesional pero syempre safety first you know.” pagremind niya sa akin at stinart na ang sasakyan.

Mga 10minutes rin ang byahe at bumaba kami sa isang palayan, pinagmasdan ko ang paligid at hindi naman masyadong marami ang mga tao dito.

Nakahanap ng bench si Gia na may magandang view sa harap ng mga palayan, saktong sakto at palubog na rin ang araw kaya maganda talaga ang tanawin. It was like all my problems were gone.

The silence was so loud not until Gia broke it.

“Do you wanna know why I brought you here? Para kahit ilang saglit ay magkaron ka ng peace of mind, yung walang iniisip na problema kahit saglit lang. Dinala din kita dito para naman makatulong ako diyan sa pinagdadaanan mo”

“Thank you talaga Gia ha, thank you dahil andiyan ka palagi para sa akin kahit anong mangyari. You never know how much I treasure those little things na ginagawa mo para sakin.” Pagpapasalamat ko sa kaniya habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.

Ilinagay niya ang braso sa aking balikat at ang kabilang kamay ay ginamit niya upang makasandal ang aking ulo sa kaniya. Normal pa ba to?

“Corny mo puta, pero andito lang ako sis tandaan mong one call away lang ako. Kahit man gago sayong paningin, atleast may inaambag pa rin.”

The Sunset Between UsWhere stories live. Discover now