Chapter 16

255 10 0
                                    

Nauna akong nagising at pumunta na sa kusina para makapaghanda ng almusal namin, sakto at nakita ko si Gia na nagluluto ng eggs and fried rice. I guess siya pala ang unang magising samin at hindi ako.

"Goodmorning, the earth says hello! Anyways do you need help sa ginagawa mo?" I approached her and asked if she needs help while leaning on the counter top.

She answered while flipping the sunny side up like a master chef.

"Ahh pakiabot yung butter sa ref then pakitoast na rin yung bread. Nakalimutan ko ibaba kaya kunin mo nalang, kaya mo yan malaki ka na."

Doing what she asked me to do I already got the butter and was ready to get the bread on the top cabinet pero it was too high for me to reach making me struggle.

Being a smart person I grabbed a stool for me to reach the cabinet. I saw Gia looking worried as she sees the view of me standing in a unstable stool na parang buhay ko lang, unstable.

I kept on trying to reach for the bread dahil onti nalang ay maaabot ko na ito pero habang palapit ko nang maabot eh panay naman ang galaw ng stool that made me quite nervous.

Well this is embarrassing.

Nakuha ko na ang pinapakuha niya after ilang tries, habang pababa na ng stool ay nagulat ako nang bigla itong tumabingi that caused me to fall out of balance.

My life flashed for a second closing my eyes dahil mahuhulog na ako sa sahig not until Gia fastly catched me by the waist.

Still in her arms I took my hand out of my face at doon ko nakita ang isang kabadong Gia.

The scene felt awkward kaya agad akong umalis sa position namin at itinayo ang stool, inabot ko na rin ang pinapaabot niya acting like nothing happened.

I head to the bathroom and just washed my face trying to forget it, umupo na ako sa living room naghahanap ng pwedeng mapanood sa TV nang nagising naman Irish at Cleo.

"Walang good sa morning ko putangina, ang likot mo matulog Serenity yung paa mo nasa mukha ko na." Saad ni Irish gosh ang aga aga nagmumura na agad. Can't relate, goodgirl ako eh.

Nanood na rin sila sa pinapanood ko hanggang sa tinawag na kami ni Gia upang kumain ng umagahan kaya pumunta na kami sa kusina.

Habang kumakain ay ang awkward pa rin, Gia and I avoided making an eye contact and just continued eating dahil hindi nila alam ang nangyare samin ngayong umaga habang tulog sila.

"Mag SM kaya tayo ngayon? Wala namang pasok eh tsaka first time lang natin gumala na kasama si Gia, kung kelan andito si Gia ay wala naman si Daphne... anyways okay lang ba sa inyo?" Cleo broke the silence at nagaya bigla.

Nag agree naman kaming tatlo nang naisip ko kung anong susuotin nila dahil pangtulog lang naman ang dala nila kagabi.

"Wait, anong susuotin niyo? Diba pangtulog lang yung dala niyo?" Patatanong ko.

Irish playfully rolled her eyes at me tsaka sumagot.

"Biglaan lang namin tong plinano nung tulog ka tapos nagchat na rin ako kay Cleo para updated, ang tanga naman kung magdadala kami ng pangtulog pero hindi pangalis? Duh."

Natapos na kaming kumain at ako na ang naghugas ng plato, pagkatapos non ay naghanda na kami.

Kahit gabihin na kami ay okay lang kasi sasakyan na ni Irish ang gagamitin tsaka para mahatid din si Cleo mamayang gabi dahil siya lang ang nagccommute saming apat ni Daphne.

Naglalakad kami sa SM at nagiisip kung anong unang papasyalan dahil hindi naman ganoon karami ang floors dito ngunit napakalawak naman kaya mahihirapan ka talagang maghanap ng uunahin sa rami.

"Guys ilang minuto pa lang tayo dito sa loob pero ang sakit na ng paa ko kakalakad! Sino ba kasing nagaya na mag SM hm?! Sasampalin ko utak non." Pagrereklamo ni Irish.

Tumingin naman kaming tatlo sa direksyon ni Irish na ang katabi ay si Cleo, hinuhusgahan ang kakayanan niya.

Natamaan naman si Cleo dahil halata naman na pinaparinggan siya ng isa.

"At sinong nag-agree?"

That's when they both started bickering at nagpaparinigan sa isa't isa.

Narindi na ako kaya I asked Gia for help.

"Mag hiwalay nalang kayong dalawa, Irish dito ka sa dulo ni Serenity at ikaw naman sa dulo ko Cleo." Pagpapaliwanag ni Gia para tumigil na ang dalawa.

"Dumadamoves ka na Gia ha! Porket nahulog sayo tong kaibigan namin-" Nagulat ako at agad na tinakpan ang bunganga ni Irish pagkatapos kong marinig iyon.

My hands were still on Irish's mouth not until I heard Gia giggled and spoke.

"Naman, ako pa ba?”

The audacity?! Feelingera.

"Hahaha! Magcinema nalang kaya tayo, right Cleo?" Awkwardly laughing it off but signaling her for help.

"Mhm, sige tara."

Medyo naligaw kami ng onti, onti lang naman mga 20minutes na paikot ikot hanggang sa makarating sa Cinema.

"Sagot ko na to tutal ako naman ang nagaya." saad ni Cleo habang nakapila kami.

Maraming movies ang pwedeng panoorin dito pero horror movie ang gusto namin ni Irish while si Gia, well she hates horror movies pero wala siyang magagawa today dahil decision kami.

After kumuha ng ticket ay bumili kami ng pagkain para may makain habang nanonood, since treat na ni Cleo ang ticket ay ako naman ang nagsagot sa foods at drinks namin. Naawa naman ako kay Cleo dahil hindi nga afford bumili ng isaw yon, charot.

Nang matapos bumili ng mga pagkain ay dumiretso na kami sa loob. Nasa gitna kaming apat para maganda raw ang view, dahil may seating plan ay gusto nila Irish at Cleo na magkatabi kaya no choice at katabi ko si Gia.

Mga 5 minutes muna kaming naghintay hanggang sa nagumpisa na ang movie, nasa kalagitnaan na ng movie at imbes na background music ang marinig ko ay puro tilian ng mga nanonood ang pumupuno sa loob ng cinema.

While watching the movie I suddenly felt something on my right thigh and immediately saw Gia's hand rubbing and rubbing it.

Rinig ang boses ni Gia na naghahalo sa mga taong nagsisigawan sa takot.

"Putangina hindi pa yan aalis! Oh gago tanga!"

I then squeezed my legs to signal Gia that her hand was in between my thigh and she noticed it quickly removing her hand.

"Hala sorry sorry yung movie kasi eh.. halata naman sigurong natatakot ako no?" Nanghingi siya ng tawad sa unconcious action niya pero honestly I don't mind naman eh.

The Sunset Between UsWhere stories live. Discover now