Chapter 17

233 6 0
                                    

Sayang ang binayad naming ticket, hindi naman namin naintindihan.

Ngayon naglalakad kami paalis ng cinema at nagsisitawanan dahil ngayon lang namin makita si Gia na ganito.

"Shucks, hindi ko kinaya si Gia kanina!" pangaasar ni Cleo at kaming dalawa naman ni Irish ay patuloy ang tawa na parang wala ng bukas.

"Sabi ko kasi sa inyo dapat iba nalang eh tapos pagtatawanan niyo ako ngayon? Grabe ang sasama, first and last ko ng gala to kasama niyo, hindi niyo kilala binabangga niyo baka si Gia Catamores to tapos ginaganito niyo lang? Grabe talaga ang sakit niyo." saad ni Gia habang nakasimangot.

Well duh gusto namin yon eh wala talaga siyang magagawa, libre na nga lang yung ticket tapos magrereklamo pa siya? Gosh.

Pagkatapos ng movie ay kumain kami para hindi na magluto paguwi dahil bandang 4:00 na at traffic pag ganong oras.

Pagabi na and we're finding stuffs to buy and a thing caught my attention, it was a Victoria's Secret perfume and I suddenly remember Daphne saying that she always wanted to have that dahil ubos na raw ang sa kaniya.

So I got it for her, medyo pricey pero kung para kay Daphne lang naman then it's worth buying for.

Habang papunta kami sa parking lot, dala dala ang paper bag na perfume ni Daphne ay biglang nagtanong si Irish.

"Wow hindi ka naman gumagastos ng ganyan kamahal para sa perfume anyare?" sakto at andon na kami sa harap ng sasakyan kaya pumasok na muna kami bago ko sagutin ang tanong niya, I

"Para kay Daphne to naalala ko kasi na sinabi niya sakin na gusto niya ng perfume galing Victoria's Secret kaya ayon. Speaking of this, nahihiya kasi akong ibigay to sa kaniya so tulungan niyo ko." sagot ko.

They all looked at me confused but I can see that they were also amazed.

Irish suddenly gazed at Gia smirking after hearing what I said.

"Oh edi ikaw na magbigay Gia, tignan natin kung ano magiging reaction ni Daphne, dito natin malalaman kung gusto ka ba o hindi." Irish said.

"Nyeta ako? Balak niyo bang sirain pagkakaibigan niyo? Sorry pass ako diyan." pagtanggi ni Gia sa offer.

Kumunot bigla ang noo ni Cleo at nagsalita, "Hindi naman sa ganon, titignan lang naman natin kung gusto ka ba ni Daphne o hindi sa paraan na yan. Tsaka ang dali dali lang eh ibibigay mo lang!" pilit na pagkukumbinsi niya.

"Madali pala edi kayo gumawa."

Nagddrive na si Irish at hindi pa rin tumitigil si Cleo sa pagpilit kay Gia kaya wala siyang magawa kundi sundin ito.

"Bukas mo na ibigay since thursday naman ngayon! Sa time ng recess para makita rin namin yung reaction niya!" plano ni Cleo.

Inuna muna naming ihatid si Cleo sa bahay nila dahil hinahanap na siguro siya ng mga magulang niya at baka sabihing bad influence pa kami.

After dropping her off ay sumunod naman si Gia, actually kanina pa niya sinasabi na sasama nalang daw siya sa akin sa condo pero dahil nasa sasakyan naman ang mga damit nila kanina ay wala siyang nagawa.

It was about 9:00PM nang makarating kami sa condo, hindi na siya bumaba sa kotse kaya umakyat na ako.

Nagshower muna ako bago humiga sa napakalambot kong kama dahil sa pagod buong araw, ikutin mo ba naman buong mall sinong hindi mapapagod don.

Staring at the plain white ceiling, a notification was heard coming from my phone. Tinignan ko naman kung ano iyon at message na galing kay Gia ang bumungad sa akin.

Today 9:35 PM

itsgiacatamores: boi sigurado ba kayo dito sa plano niyo para kay Daphne?

Nagdalawang isip muna ako bago sagutin ang tanong niya. Maybe it's a bad idea para gawin yon, baka isipin ni Daphne na gusto talaga siya ni Gia.

fae_salvacion: uhm I mean you don't really have to, it's fine. You can give the perfume back to me nalang tom.

I pressed the send button before closing my eyes dahil kanina pa ako inaantok and I can't barely open it anymore.

Hearing the loud noises coming outside our room sinirado ko na ang book na nasa harapan ko at nagpaalam sa aming teacher na nauna nang umalis.

Gia didn't gave me the perfume kaninang waiting time pagpasok sa school na inaalala ko, what if ituloy niya ang plano at may mangyareng gulo?

Recess time na pero imbes na kumakain kaming tatlo ngayon ay hinahanap namin si Gia upang pigilan siya sa dapat niya gawin.

“Ayoko na sis pagod na ako.” Rinig ko kay Irish.

Fun run ba to at tumatagaktak na ang pawis sa katawan namin para lang mahanap si Gia.

“Tanga baka andon na yon sa room shuta!” Sigaw ni Cleo at hinampas ang braso naming dalawa ni Irish.

Dali dali kaming umakyat sa hagdan kahit nadapa na si Irish para lang makita kung andon na ba si Gia at kung nabigay na ba ang perfume.

Masyado ata napabilis ang takbo namin at hindi namalayan na nalampasan na namin ang classroom.

Agad akong tumingin sa bintana para icheck at nakita ko na nga si Gia na nasa harap ni Daphne dala dala ang kulay pink na paper bag.

Hindi ko na nagawang pumasok pa dahil pag nalaman ni Daphne na ako ang nagbigay ay baka may mangyare pang masama.

She took the pink paper bag and her expression suddenly changed giving Gia a dirty look.

Binuksan niya ang hawak hawak at sinuri muna ito bago magsalita, “And what's this? Hindi naman tayo lubos na magkakilala pero may regalo ka sakin? Wow birthday ko na pala!”

“Ano yan.. ahh kasi ano... pinapabigay ng secret admirer mo, nahihiya kasi siya eh.” Sagot niya at tinignan ang bintana kung saan ako nakasilip.

Daphne gave an even more confusing look towards Gia, sino bang hindi ganon ang magiging reaksyon kung ganon ang aliby, “A secret admirer? Don't tell me ikaw lang yon at nahihiya sabihin sakin directly...?”

“No, no, nagkakamali ka.”

She gave her an amused look after that denial, “Oh reallyy? Alright if you say so.”

“Aray bwisit!” Bigla akong napaupo sa sahig dahil kinurot ako ni Irish na kanina pa pala pahid ng pahid sa tuhod niyang may pasa, duh kasalanan ko bang lampa siya at nadapa? Hindi no.

The Sunset Between UsWhere stories live. Discover now