Chapter 5

340 14 0
                                    

Nasa kwarto na ako at naghalungkat ng mga gamit para naman ay may maiuwi ako pagbalik sa Calamba, lalo na ang mga damit sa closet ko dito dahil sayang naman kung hindi ko pa gagamitin.

Habang naghahalungkat ay may nakita akong polaroid picture noong bata pa ako, na may kasamang lalaki?

Agad akong bumaba upang itanong kay Mom kung sino ang lalaki na nasa picture dahil hindi naman pamilyar ang mukha ng lalaki para sakin.

"Ma, kilala mo ba tong lalaking to? Nakita ko lang don sa closet ng kwarto ko eh." tanong ko.

Inabot ko kay Mom ang polaroid picture at ito naman ay kaniyang sinuri.

"Ahh itong lalaking to, kababata mo to noong nasa Batanes pa tayo. Sa pag kakaalala ko ay birthday niya ito dahil kaibigan ko ang nanay niya, naglalaro kayo non kaya kinuhaan kayo ng picture. Wala na nga tayong contact doon sayang naman." ang sagot niya.

Wow may kababata pala ako matagal tagal na rin since last na punta namin sa Batanes kaya siguro hindi ko na iyon maalala. Pero I would like to meet him ha, tama nga si Mom na sayang dahil wala na kaming contact doon kasi i would like to be great friends with him.

Kinagabihan ay wala akong magawa kaya I decided to annoy Gia.

Today at 7:29PM

Fae_salvacion: hoy

Fae_salvacion: sumagot ka aba dapat hindi pinaghihintay ang mga magaganda like me

Sent 2hours ago.

Ginawa ko na ang lahat ng chores dito pero hanggang ngayon ay wala pa ring reply si Gia. Bigla akong nakarinig ng notification umaasa na siya iyon, at siya nga.

Itsgiacatamores: sorry late reply sis may umaya kasi magdate kimmy BWUSDISHSJJAAJKA

Fae_salvacion: after mo ko idelivered ng 2hours ganito lang matatanggap ko? Kapal mo ha

Itsgiacatamores: kimmy lang sis may pinuntahan lang kami ni mama, nga pala andiyan ka sa Quezon?

Paano nalaman ng babaeng to na andito ako ngayon? Well obviously kaibigan ko siya pero wala naman akong binanggit na uuwi ako dito ngayong weekend.

Fae_salvacion: oo pano mo nalaman na andito ako ngayon? Omg don't tell me stalker ka

Itsgiacatamores: tanga hindi tsaka lagi ka namang pumupunta diyan ng dalawang beses every month since starting ng senior high. Wag mo na tanungin kung pano ko nalaman, kilala na kita.

Fae_salvacion: sige sabi mo eh, sa monday nalang tayo magusap gusto kong ienjoy tong weekend ko dito.

Pagkatapos ko itong isend ay natulog na ako dahil magsisimba kami bukas, doon kasi sa Laguna ay hindi ako nakakapagsimba dahil during those times ay tambak na tambak ako sa school activities kaya pati sundays ay ginugugol ko ang oras sa pagaaral.

Pag gising ko ay napaka payapa ng paligid dahil nasa private neighborhood ang bahay. Mamayang hapon ay babalik na rin ako sa Laguna para makaprepare sa school kinabukasan.

Naligo na nga ako at nagsuot lang ng floral dress dahil magsisimba lang naman kami at kakain sa labas. Nang matapos ang simba ay pumunta kami sa malapit na samgyupsal at sabi din nila patok daw ang mga pagkain nila dito.

I took a photo of our food at linagay iyon sa story ko, umuwi na rin kami after kumain dahil wala naman kaming bibilhin na groceries.

Itsgiacatamores replied to you story.

Itsgiacatamores: libre mo nga ko dali

Iyon ang nakita ko sa phone nang makauwi na kami at hindi ko na ito rineplyan dahil pagod ako at sino ba siya, sino ba siyang nangbbasher sa akin.

Bakit parang ang bilis lang ng oras at bukas ay monday na ulit. Isang pikit ko lang ata ang weekend, isang pikit ko lang ay nasa sitwasyon na ulit ako na nagccramp sa acads plus hindi pa ako ready sa quizzes namin.

Nagising ako 3:00 ng hapon dahil natulog muna ako para naman hindi antukin sa byahe, wala namang maghahatid sundo sa akin kundi ang sarili ko at hindi naman available si kuya porket laging may busy days dahil college student sa ADMU.

Nagayos na ako at ibinaba ang mga gamit na dadalhin paguwi sa Laguna, marami din pa lang pinadala si mama na prutas at iba pang pagkain para naman may stock ako sa condo.

Since hindi nga ako marunong magluto ay insant noodles nalang ang kinakain ko o di kaya nagoorder nalang sa food panda, sila lang naman ang bumubuhay sakin tuwing nasa condo ako.

Tinulungan ako ni kuya maglagay ng gamit sa sasakyan at pagkatapos non ay nagpaalam na ako sa kanila para umalis.

Oras na ng hapunan ng makarating ako sa condo dahil sa traffic, bumili na rin pala ako ng dinner dahil ayoko na pagudin ang sarili sa pagluluto.

Nang matapos ay nagbihis na ako ng pangtulog. Makikita ko nanaman ang bruha kong mga kaibigan, natulog na nga ako dahil maaga pa ang pasok bukas at may mga kailangan pa akong ireview.

The Sunset Between UsWhere stories live. Discover now