Chapter 7

275 13 0
                                    

Natapos na ang klase namin sa hapon at nagpaalam muna ako sa kanila Daphne dahil hindi muna ako makakasama sa gala naming apat.

Nang makarating sa condo ay bumungad sa akin ang messages na galing kay Gia, ganon ba talaga niya sineryoso ang nangyare kanina?

Today at 5:47PM

Itsgiacatamores: Goodafternoon fae, about don sa nangyare kanina I just wanna say sorry kung nauncomfy o naoffend ka sa ginawa ko pati na rin don sa pangaasar ko sayo ng indirect kiss. Honestly hindi ko talaga alam na ganon pala ang magiging reaction mo eh.

Itsgiacatamores: I hope you forgive me.

Itsgiacatamores: Sorry, i swear from now on titignan ko na ang mga actions ko.

I left her on seen, I admit na naoffend talaga ako kanina ng slight pero hindi naman sobra sobra na gagawa pa siya ng apology letter for me.

Normal naman sa magkaibigan ang magshare ng baon and normal rin ang pag gamit ng utensils nila, pero she's lesbian. What the fuck? Naubusan na ba siya ng babae at ako naman ngayon ang pinagtripan niya?! Or maybe assumera lang ako.

Ginawa ko na ang nightly routine ko at natulog na dahil ayokong antukin nanaman bukas kahit first sub pa lang.

Pagkapasok ko pa lang ay sinalubong na agad ako ni Gia.

“Akin na yang bag mo.” saad niya at kinuha ang bag sa likuran ko dahil may mga hawak pa akong libro.

“Why are you doing this all of a sudden? Hindi mo naman to usually ginagawa.” tanong ko habang naglalakad kaming dalawa papunta sa room namin.

“Peace offering lang sa ginawa at sinabi ko sayo kahapon, sorry ulit ah.” ang sabi niya at tumingin sa akin.

Little things matter the most for me talaga and I treasure the things Gia has done to me and she herself, I treasure her.

Nang makarating sa room ko ay binigay na niya ang bag sa akin.

Papasok na sana ako sa room ng may sinabi si Gia.

“Sorry ha, hindi ko na talaga uulitin yon para hindi ka na maoffend. Sige na pasok ka na sa room niyo.” pagkatapos niya magsalita ay bigla niyang tinapik ang buhok ko.

“Ahh sige thank you sa pagdala ng bag ko.” hinintay niya muna na ako'y makaupo sa upuan at tuluyan na siyang pumunta sa room nila.

Maraming pumasok sa aking isipan tungkol sa ginawa ni Gia.

Bakit ako nakaramdam ng kilig noong tinapik niya ang aking buhok? Why did it send an electricity on my whole body? Am I slowly falling for her?

Tinigil ko ang pagooverthink dahil sa huling naisip ko, it cant be. Straight ako and I already said that I'm not gonna fall inlove with the same gender as mine, not my bestfriend, Gia.

Hindi ako makafocus sa klase dahil hindi ko talaga maalis sa utak ko ang nangyare at pumasok sa isip ko kanina, overthinker problems.

“Seryosong advice kasi guys mga ewan naman to!” ang sabi ko sa aking mga kaibigan dahil hindi ako mapakali sa action ni Gia sa akin.

“Alam mo, maybe now you're realizing your true sexuality. Wag mong ideny dahil mas lalo kang mahihirapan niyan Serenity.” ang advice ni Cleo.

Tinignan ko naman si Irish na mukhang hihirit din.

“Tsaka hindi man namin kaclose si Gia pero napansin ko na sayo lang nagiging makulit yan. Ang tanging advice na mabibigay ko lang sayo ay don't assume unless stated dahil dakilang assumera ka naman.” advice na nga lang ang hinihingi ko dito kay Irish bakit may kasama pang real talk.

“Pakigalaw ang baso Daphne, dito sating apat ikaw lang ang magaling magadvice lalo na sa pagibig.” sinundan pa ito ni Irish nang mapansin na kanina pa nakatulala si Daphne.

Nagulat sa biglaang pagmention ng pangalan niya si Daphne ngunit nagsalita naman.

“Uhh ako? Well... wala akong maisip na advice para dito sa gagang to bahala siya magassume diyan!” parang nagiba ang mood ni Daphne dahil sa tono ng kaniyang boses.

The Sunset Between UsWhere stories live. Discover now