Chapter 23

176 5 0
                                    

"Ay! Naka restock na pala sila ng ice cream na favorite ko, last time naubusan sila eh." Lahat kami ay nagtinginan ng magsalita si Irish na nasa harap ng mga ice cream dito sa 7/11.

Naguumpisa na kasi kami maghanap ng mga gamit para sa booth namin tsaka hindi naman kami kuripot kaya isa isa nalang kaming nagoffer ng pera sa mga bibilhin.

Chocolates ang unang hinahanap namin ngayon pero mukhang ice cream ang dadalhin palabas ni Irish dito mamaya, "Ito ba pwede to?" Pinakita ni Daphne ang hawak hawak niyang chocolate.

"Yeah pwede na yan, Irish pwede bang asikasuhin mo muna tong gagawin kasi may ibang panahon pa para diyan." Saad ko.

“What do you mean?! What if bukas out of stock na pala to?! No way!”

"How about these? May estimated total na ako ng laman nitong basket natin, 725 in total kasali na yung hawak hawak ni Daphne." Pinuntahan namin kung saan naroon si Cleo at tinignan ang mga chocolates na pinili niya, sapat na siguro to para sa fair, para kung hindi naman patok which will never happen, eh hindi masasayang dahil pwede pa naman namin ibenta.

Pumunta na kami sa counter, si Daphne itong nag mabuting loob at nagbayad ng chocolates. Pagkatapos non ay pumunta na kami sa bahay ni Cleo, maliban sa nagiisa lang siya doon ngayon dahil nasa trabaho ang mga magulang niya ay pwede rin kaming magingay, only child lang kasi yan. Ano kaya ang feeling ng pagiging only child.

Nang makarating kami ay meron na raw pala silang mga extrang gamit na pwede namin gamitin sa operation best booth stand. Pero ang uunahin muna namin ngayon ay ang paghahanap ng flower shop.

Habang nasa jeep kami kanina, may nahagip ako na flower shop dito malapit sa subdivision nila, pwede namang malakad yon kaya nag pasama nalang ako kay Daphne, sabi ng dalawa ay sisimulan na raw nila ang pag gawa ng booth stand hanggang sa makakaya nila.

"Paano at kailan mo ko nagustuhan ha?" Bigla akong napatanong habang naglalakad kami sa daan dahil nakafocus lang sa dinadaanan si Daphne at ang boring ng ganon, mas lalo akong napapagod kakalakad.

Mukha atang nagulat siya sa tanong ko at napatingin sakin bago sagutin ang tanong ko, "Hmm hindi ko rin alam kung pano kita nagustuhan eh, ang alam ko lang non kinikilig na ako sa tuwing umuupo ka sa tabi ko tapos magddrawing ka sa kamay ko HAHAHAHA."

"And kailan naman?" Tanong ko.

"7 months if hindi ako nagkakamali, I tried giving you signs pero masyado kang manhid non at hindi mo napansin."

Matagal tagal na pala niyang tinatago sakin ang nararamdaman niya, hindi ko alam kung bakit ako nakokonsensiya sa ginawa ko pero ang tanging alam ko lang ay sinunod ko ang gusto ng puso ko at iyon ay piliin si Gia.
Nakakapanghinayang lang at ngayon lang siya umamin kung kailan hindi na pwede.

Napatigil ako sa pagiisip ng bigla akong hinawakan ni Daphne sa braso at hinila papalapit sa kaniya, "Hoy tanga ka ba?!"

"Sa susunod kasi tignan mo yang dinadaanan mo. Tignan mo muntikan ka ng masagasaan diyan hindi ko pa naman alam kung anong gagawin ko kung mangyare yon Serenity! Ikaw talagang babae ka hindi ka nagiingat! Sige nga anong sasabihin ko kay tita pag nangyare yon ha?" Sermon niya sakin at itinabi ako sa gilid para maiwasan na ulit ang pangyayari.

"Ingay mo sis."

Ang dami ko nang naiisip at hindi ko na alam na muntikan na akong mamatay, pinagtitinginan tuloy kami ng mga taong dumadaan dito kaya hinila ko nalang siya papalayo para makarating na sa pupuntahan namin.

Pag pasok pa lang sa flower shop ay maaamoy mo na ang mga bulaklak, merong isang tangkay at meron din namang bundle. Meron pa sa labas pero nasa paso naman at yung iba parang pang patay pa, is this a sign? Char.

Ate do you accept reservation here? For school purposes sana, we'll pick it up naman po by friday early in the morning mga 6am.”

Itinigil niya ang pag sasalin ng newspaper at tumingin sa amin, “Ahh ganon ba? Hindi kasi ako tumatanggap ng reservation lalo na sa umaga pero sige pag bibigyan ko kayo, sigudaduhin niyo lang. Tsaka niyo na ko bayaran sa araw na iyon.”

Nag hahanap na kami ng mga bulaklak, nag bigay pa ng suggestions ang may ari kung ano raw ang mas maganda tignan. Naka seperate naman ang binili naming mga bulaklak dito kaya ready to pick up na lang.

Pag balik namin sa bahay ni Cleo halos tapos na ang booth stand, decoration na lang at kung ano pang anek-anek ang gusto nilang idagdag.

“Charannn! Maganda ba? Pinaghirapan naming dalawa yan!” Sabi ni Irish samin na nakaupo sa sahig at kumagat sa tinapay na kinakain niya.

Napatango na lang kaming dalawa ni Daphne habang itong si Cleo todo linis sa kalat nila. “Nalagyan din ba ng glue yang pwet mo at hindi ka na makaalis sa sahig na yan, naglilinis ako gusto mo pati ikaw linisin ko na rin?”

Tinarayan ni Irish si Cleo bago tumayo at umupo sa couch, “Pwe! Bahala ka sa buhay mo!”

The Sunset Between UsWhere stories live. Discover now