Chapter 13

249 14 0
                                    

I woke up dahil mas nauna pang magising si Gia kesa sa alarm clock, kailangan ba talagang gisingin niya ako once na magising siya? Nang magising ay umupo muna ako at tumulala ng limang minuto para mahimasmasan ngayong araw.

"Girl bumangon ka na diyan 6:10 na mallate tayo nito sige bagalan mo pa!" pagmamadali sa akin ni Gia ngunit naka pajamas pa rin naman.

Nauna na akong maligo at sumunod na siya, pagkatapos non ay kumain na kami ng breakfast na kaniyang iniluto. Siya na nga rin pala ang nagluto ng mga baon namin.

Nagsuot lang ako ng tube top with a dirty white na cardigan at wide jeans pangbaba habang si Gia naman ay naka plain white oversize tshirt with a match of black trouser.

We used her car heading to school dahil hindi naman pwedeng iwan yon dito.

"Alam kong hindi ka pa rin okay sa nangyare kahapon ng umaga, wait may sense ba? Ewan ko basta yon. Just try your best and stay focus sa class mo. Wag mo siyang isipin at ang nangyare sa inyong dalawa." advice ni Gia habang papunta kami sa room upang ihatid ako.

"Oo na, susubukan ko pero kung hindi ko kaya baka makita mo nanaman ako na humahagulgol sa cr." pagbibiro ko at kinuha ang bag sa kaniya dahil nasa harapan na kami ng room.

"See you nalang mamaya sa recess tsaka dumiretso ka na rin sa room niyo para hindi ka na malate, anong oras na oh." Pagpapaalala ko sa kaniya.

"Sabi mo eh syempre susundin ko yan, kimmy. Alis na ako bye!" pagkatapos niyang umalis ay pumunta na ako sa aking upuan at linapag ang aking mga gamit.

Hindi nga pala kami nagpapansinan ni Daphne simula pa kahapon, kahit chat manlang ay wala.

Ngayong free time ay nakita ko si Irish na kinakausap si Daphne ngunit hindi ko alam kung anong pinaguusapan nila dahil malayo naman ako sa upuan niya, magkarow lang sila ni Irish ngunit dalawang upuan ang pagitan habang kami ni Cleo magkatabi kasunod na row nila Irish.

Ako naman ay biglang kinausap ni Cleo, gumagawa ba sila ng paraan upang magbati kaming dalawa?

Hinawakan ni Cleo ang aking kamay at nagsimulang magsalita.

"Pinagaayos namin kayong dalawa dahil ayaw namin na apat na nga lang tayo ay may nagaaway pa, dahil sa ano? Sa babae? Sa ating apat kayo ni Daphne ang sobrang close. Alam kong hindi niyo matitiis na hindi kausapin ang isa't isa kaya please, bago pa lumaki to ayusin niyo na. Wag kayong magaway dahil lang sa iisang tao."

Pagkatapos magsalita ay yinakap ko si Cleo dahil sa mga sinabi niya at tumingin naman sa kanila Irish at Daphne na naguusap ng masinsinan.

"Mamayang break time magusap kayong dalawa para maayos na agad to, hindi pwedeng hindi dahil ito lang ang paraan para magkabati kayo. Babaan niyo ang pride niyo kahit ngayon lang." dagdag ni Cleo at pinagsabihan ako.

Honestly wala naman akong nararamdaman na galit sa sinabi ni Daphne sa akin, alam ko naman na I always assume things sa lahat ng bagay lalo na pag binibigyan ako ng attention at pinaparamdam sa akin na mahal ako.

Hindi naman ako magiging assumera at hindi linalagyan ng meaning ang lahat ng ginagawa o sinasabi sa akin kung hindi dahil sa parents ko, one of my love language is Physical Touch and I heard na kung anong love language ang meron ka ay yun ang lack of love language na nakuha mo nung bata ka pa kaya siguro ganito ako ngayon.

I love Physical Touch, lalo na paggaling sa mga kaibigan ko. Hindi nila alam na sa simpleng pagyakap nila sakin araw araw pagpasok sa school ay binabawasan nila ang stress at lungkot na pinagdadaanan ko.

Sometimes I feel very guilty for not hugging my parents whenever they show affection towards me but I do it to my friends.

Even I am confuse on why am I cringing whenever my relatives hug me or say something sweet to me, maybe because hindi nila nagawa yon nung bata pa ako kaya bumabawi sila ngayon. Well it's too late, hindi na nila makikita ang clingy side ko sa kanila now that I'm a teenager.

“Ms. Salvacion, can you please answer the problem written on the board and kindly explain it?” Tawag sa akin ni Ma'am Jhanilyn na subject teacher ko sa Gen Math dahil nakatulala ako at may sariling mundo.

Bigla akong nataranta dahil hindi naman ako nakikinig sa klase at hindi ko pa gets ang topic, kahit notes nga sa discussion ngayon ay wala.

“Ha? Maam? Ako po?” Itinanong ko dahil baka guniguni ko lang yon.

“Of course ikaw nak, sino pa ba ang may apelyidong Salvacion dito kundi ikaw lang? Now go ahead and solve it.”

Nagdasal nalang ako habang papunta sa harap dahil hindi ko talaga alam kung paano iyon issolve at kung anong formula ang gagamitin.

Tinignan ko muna kung paano isinulat ang problem tsaka ako nagisip ng formula na unang pumasok sa isip ko.

Nang matapos ay inexplain ko na kung paano ko nakuha ang sagot sa problem at sinulyapan si Ma'am na siya namang tumungo. Omg don't tell me effective yung pagdadasal ko?

“Very good! Tama ang sagot mo and you delivered your explanation well, ganyan dapat tuwing tinatawag para sumagot class. Well done Ms. Salvacion.” saad niya.

Ngumiti naman ako at umupo na sa aking upuan habang nanginginig ang kamay dahil sa kaba na baka mali ang sagot ko pero sa awa ng diyos ay tama naman.

The Sunset Between UsWhere stories live. Discover now