Chapter 15

241 10 0
                                    

"I know that this was so sudden, like literally so sudden but I guess expect the unexpected...?" Agad ko naman itong sinundan.

Napahinto siya sa mga sinabi ko, she stopped what she was doing and stared at me giving me a disconcerted look before speaking.

"I'm happy for you Serenity, isa ka ng ganap na bading, welcome to the family! Thanks lord iingatan ko talaga tong biyaya na pinagkaloob mo sakin." Napakadami talagang alam ng babaeng to.

"Ang dami mong alam itigil mo na to tsaka anong iingatan ka diyan? Pinadala ba ako ni lord dito kasi may mission ako."

"Ayan ka nanaman sa kabobohan mo Serenity, kung ikaw kaya ang tumigil?" Pangpipilosopo niya sa akin at napikon naman ako.

"Wow ha! Binalik mo pa talaga sa akin ang sinabi ko, how dare you." Dakilang mapangasar si Gia kaya hindi ko napipigilan at nasasaktan ko na siya minsan.

Lumayo siya sa higaan nang kurutin ko siya sa balikat.

"Gago bakit nananakit?! Parang wala lang nangyare kanina eh no hahaha! Naknampota lakas mo naman my idol Serenity, pano yung lakas?" Siya lang ang natutuwa sa pamimikon niya sakin.

Inirapan ko nalang at binalik niya na rin ang dating position ng upuan sa tabi ko. Sakto at pumasok si Irish sa kwarto na may dala dalang pagkain na nasa bedtray, tinulungan na rin ako ni Gia na makaupo sa higaan.

"Nahihilo ka ba? Masakit ba ulo mo? Nasusuka?" Irish asked as if she was a proffesional doctor while scooping a spoonfull of porridge for me to eat.

Sasagot na sana ako nang susubuan na ako ni Irish.

"Say ahhh."

Sinunod ko naman ang utos niya.

"Ahhh."

Nang ibalik ni Irish ang kutsara sa bowl ay tsaka na ako nagsalita.

"Bqkit prqang brqby whg tjrqto ndpw sa akgn" Nahihirapang pagsasalita ko habang ngumunguya ng pagkain.

"Gago ano daw?! Di ka namin maintindihan sis mahina signal." Saad ni Irish.

Gia glared at me.

"Don't talk when your mouth's full, ubusin mo muna ang nasa bibig mo bago ka magsalita."

Sinunod ko naman ang utos niya.

Once I finished the food that was on my mouth I began speaking.

"Sabi ko bakit parang baby ang trato niyo sakin."

"Kasi baby ka naman talaga, baby kita." Sagot ni Gia.

Nang marinig namin iyon ay biglang akong nabilaukan at kinuha ang baso ng tubig tsaka ito ininom, hinampas naman ni Irish si Gia dahil sa kalandian nito.

"Sa harap ko pa talaga ha! Sa harap ng pagkain!" Sabi ni Irish habang tinuturo ang daliri samin.

"Edi pasensiya." Iyon lang ang nasabi ni Gia.

Habang pinapakain nila ako ay may narinig kaming kumatok sa pintuan at pumunta na si Gia upang pagbuksan ito.

Pagbalik ay nakita ko si Cleo na may bitbit na isang box ng chocolates. Nagulat ako dahil hindi ko naman inaasahan ang pagpunta niya rito, ang akala ko lang ay si Irish at Gia.

"Cleo!" Ang parehas na sinabi namin ni Irish at pumunta naman siya papalapit sa amin upang bigyan ng yakap.

A smile was put on my face but remember Daphne, siya lang ang wala dito but I decided to shrugged it off. Maybe hindi niya lang alam or what.

Linagay muna ni Cleo ang mga pagkain sa fridge na dala niya para sakin, kahit hating gabi na ay bumisita pa siya dito at bumili ng chocolates, talagang alam na alam na chocolates lang ang magpapagaan sa akin tuwing may pinagdadaanan ako.

Humiga si Cleo sa tabi ko at don na nila tinanong kung ano ba talaga ang nangyare, I looked at Gia who was already staring at me and saw her nod signaling for me to say it.

"The reason why tinawagan ko si Irish is because..." I paused for a second and couldn't help to gulp the nervousness I'm feeling at the moment and continued what I was saying.

"I've realized my true sexuality guys, tama yung hinala niyo na baka hindi ko pa narrealize yung totoong sexuality ko but now I did. To make it straight kahit hindi na ako straight, I'm bisexual."

Once I finished my sentence, tears were building up again in my eyes.

Irish and Cleo gave me a reassuring smile to make sure that it was fine and came to hug me really tight to the point that I couldn't even breathe.

While the three of us were hugging I took a glance at Gia who has her arms crossed and was admiring what her seeing, a small smile was formed into her face.

Inaya ko siyang sumali sa group hug ngunit ayaw niya kaya hinayaan ko nalang, the hug lasted for about 2minutes. I was fighting for my life there, parang mas natakot pa akong mawalan ng buhay don kesa sa pagkatumba ko kanina.

"Wait naiiyak ako." Irish said fanning her eyes using her hands joking na parang pinipigilan tumulo ang mga luha niya.

Cleo did the same kaya napatingin ako sa kaniya.

"Parang naiiyak rin ako, I'm getting emotional! stop this na nga!" Also trying to act like Irish but failed that made her laugh at her own actions, tanga lang?

The four of us then talked about lots of things, natulog na rin silang tatlo dito not worrying about their clothes dahil nakapagdala na raw sila, mukhang alam na talaga ang mangyayare ngayong gabi.

Irish and Cleo slept beside me while Gia prepared a mattress for her to sleep in dahil she offered to sleep daw sa baba, we both argued na kasiya naman kaming apat sa bed pero yon ang gusto niya eh.

We finished getting ready and said goodnight to each other. I really need to take a rest lalo na ngayon dahil sa mga nangyayare sa akin.

To rate this day, it's a 8/10.

The Sunset Between UsWhere stories live. Discover now