Chapter 26

187 7 16
                                    

One whole week akong nag review para sa up-coming exam namin this last semester, I need to make my parents proud para naman may tama akong magawa sa paningin nila.

Parang hindi na nga uso sakin ngayon ang tulog, nag mumukha na tuloy akong panda sa laki ng eye bags ko pero no choice kailangan mag aral kundi wala akong pang bayad sa shopee.

Today at 11:54PM

fae_salvacion: What's up? :)

I had to urge to message Gia, agad naman siyang nag reply.

itsgiacatamores: Itaas

fae_salvacion: Che, anyway nag rreview ako ngayon

itsgiacatamores: I see. Review ka lang diyan, I'll test you later once finish ka na mag review.

"Uhuh, tama ka sa formula pero mali yung ibang signs mo which kailangan mong pag aralan. The rest you're good to go for tomorrow hm?" Gia said habang nasa video call kami, nasa study table ako at siya nakahiga lang habang sinusuri ang notes ko sa laptop niya.

"Okay kaya ko to bakit di ko kakayanin? Ako to syempre kayang kaya ko to sino bang hindi diba? Easy lang to sakin!" Pag uusap namin ng aking sarili, makikita sa mukha ko ang kaba habang paakyat ng building, pati ang tuhod ko nanginginig na sa nerbyos.

The whole exam took about 3 or 4 hours. Hindi naman medyo mahirap pero I got some mental block sa ibang questions but that doesn't mean babagsak ako!

"Tapos? Mahirap ba?" Tanong ni Gia habang kumakagat sa corndog niya, palabas na kami ng building dahil hindi naman whole day ngayon.

"Not reallyyy, nag refresh naman ako kaninang umaga so its a slay for me. Ikaw? I think bagsak ka, feeling ko lang ha."

"Grabe ka naman sakin! Nag review din kaya ako tsaka baka nakakalimutan mo na STEM student ako, tsk tsk."

Inirapan ko siya bago mag salita, "Stem student, trauma."

"Shet tagal ko na hindi naka punta rito ah! Na-miss siguro ako ng condo mo." Tumambay muna rito si Gia dahil boring daw doon sa bahay nila.

Sakto dumating na ang mga parcel na mga binili ko kaya nag haul kami.

"Medium nga to so ano ako mag-aadjust ganon?", saad ko habang inaayos ang butones sa sinubukan kong damit. It looks like a polo pero marami nga lang ruffles, tiis ganda ka talaga dito.

"Ano bang pakealam ko diyan, ikaw bumili niyan edi ikaw mag tiis." She then respond while tidying the clothes that has been all over my bed.

Ipinipilit ko pa rin pag kasiyahin dahil sayang ang pera pag hindi ko to magamit, kung hindi mag kasiya pwede naman siguro ayusin to? Ay ewan!

"Lumapit ka nga dine Gia at ayusin mo yung zipper sa likod pati na rin yung butones sa harap, dali ang bagal." I ordered while checking myself out in the full-size mirror.

Tumayo naman siya sa higaan at pinuntahan ako. Habang unti unti niyang tinataas ang zipper sa likod ay nararamdaman kong umiinit ang aking pakiramdam na para bang maya maya ay liliyab na ako.

"Harap."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Sunset Between UsWhere stories live. Discover now