Chapter 9

251 11 0
                                    

“Well... we talked about what you did to me kaninang umaga like you know. Yung pag ruffle mo ng buhok ko pati na rin pagbubuhat ng bag ko, wala lang I just appriciate it thank you.” ang sabi ko bago ikwento ang tungkol kay Daphne.

“Masanay ka na kasi simula ngayon aaraw arawin ko na ang pagdadala ng bag mo, oh so ano nga yung tungkol diyan sa kaibigan mong si Daphne? Ang dami mo namang paligoy ligoy sapakin kita eh.” ang hilig nito mangthreaten nakakabwisit.

“Ito na nga! Kasi as I told you pinagusapan namin kung anong ginawa mo sa akin kanina, then itong si Daphne ang tahimik kaya tinanong namin siya kung anong problema. Tapos ang sabi niya wala daw pero alam naming nagsisinungaling siya.” kwento ko.

“Oh ano naman don?” pagtatanong niya.

“Hindi sumama samin yon mag starbucks then nung nandoon na kami sa mall binigyan nila ako Irish at Cleo ng ikakaoverthink ko. Sabi daw baka gusto ka ni Daphne at baka daw gusto mo ko kaya nagseselos siya sa akin.” pagtutuloy ko sa kwento.

Agad naman akong binigyan ng pandidiring mukha ni Gia.

“Pota, baka gusto ako ni Daphne? Sabihin mo ron may gusto na akong iba at hindi siya yon kahit hindi ko pa alam kung gusto niya ako dahil malabo naman mangyare, wala taken na ako sorry sorry.” depensa niya sa paratang na gusto siya ni Daphne.

Mukhang napaamin to ng wala sa oras ah.

“Ibig sabihin may gusto ka na? Omg Gia ha, paano na yung mga babae mo?! Yung mga chix mo?!” pagbibiro ko.

Nagulat ako sa ginawa ni Gia dahil hinampas niya ako sa noo.

“Ouch! Grabe ka, ginaganon ganon mo na ko?!” habang hinihimas ang aking noo.

“Naneto oo may gusto na ako may tinitipuhan na akong babae, happy happy?” pag amin niya.

Bigla akong nacurious kung sino itong babae na gusto niya dahil bihira lang naman siya magkagusto pero maraming ex-flings.

“Edi ikaw naaa, tsaka ayusin mo aba dapat hindi ka na pumapatol diyan sa mga lumalandi sayo dahil once na malaman ko kung sino yung babaeng yan at nagkatuluyan kayo, isusumbong kita! Isusumbong ko lahat ng katarantaduhan mo!” ang sabi ko.

Sa sobrang daldal ko ay hindi ko na namalayan na andito na pala kami sa harap ng condo.

“Oh kaya mo naman siguro umakyat sa condominium mo no? May elevator naman, kaya mo na yan.” saad ni Gia at linagay sa likod ko ang dala dala niyang bag kanina.

“Malamang hindi na ako bata, sige na shoo! Umuwi ka na baka gabihin ka at ako pa ang maging dahilan kung bakit ka mapapagalitan ni tita.”

“Pumasok ka na ron, mauna ka na. Maghihintay lang muna ako dito hanggang sa makapasok ka baka may mangyare sayo tanga ka pa naman.” ewan ko sa trip ng babaeng to ang dami talagang alam.

Pumasok na nga ako sa condo at kumaway sa kaniya, pagkatapos non ay tuluyan na nga siyang umalis at umuwi.

Nang makarating sa room ay naligo muna ako at nagbihis na ng pajamas, minessae ko na rin si Gia non para itanong kung nakauwi na ba siya.

Today at 6:07PM

Fae_salvacion: nakauwi ka na?

Itsgiacatamores: oms kakarating lang 10minutes ago.

Fae_salvacion: ahh ganon ba, anw ano gawa mo?

Itsgiacatamores: dami mong tanong ah sabik ka bang kausapin ako? Charot, ito kumakain inggit ka nanaman.

Ang kapal naman.

Fae_salvacion: baka kasi wala ng gusto makipag usap sayo kawawa ka naman plus bakit ako maiinggit porket lutong bahay lagi pagkain mo

Itsgiacatamores: bahala ka diyan ienjoy ko muna tong kinakain kong sinegenggeng.

Ibinaba ko ang aking phone at tinignan ang ceiling ng kwarto, kung ano anong pumapasok sa isip ko dahil ang daming nangyare ngayon.

Una ay ang ginawa sa akin ni Gia, pangalawa ang actions ni Daphne, at pangatlo na kung sino ba ang babaeng gusto ni Gia. Honestly bakit dinadamay ko ba iyon sa mga iniisip ko? Pero what if gusto ni Daphne at Gia ang isa't isa?

Kinamot ko ang aking ulo dahil nagbibigay nanaman ako ng what ifs sa aking sarili, lahat kasi ng what ifs at kutob ko ay natutupad at nagkakatotoo kaya iniiwasan ko.

Pero sabi ni Gia hindi naman si Daphne ang gusto niya diba? So kung hindi siya then sino? Nakakacurious naman dapat hindi kami nagtataguan ng gustong tao sa isa't isa!

The Sunset Between UsWhere stories live. Discover now