Chapter 3

435 18 2
                                    

Nang matapos ang klase namin ay pinuntahan ko si Gia sa room nila dahil parehas lang naman kami ng dismissal time, paparating na rin kasi ang second sem. Habang naglalakad sa hallway ay rinig ko ang napakalakas niyang boses, malaki talaga ang deperensiya ng pananamit at aura ni Gia sa ugali niya. Complete opposite, black cat pag tinignan mo pero golden retriever once na maging kaclose mo.

Nakarating na ako sa room nila ng may marinig na boses babae.

"Serenity right? Serenity Fae Salvacion from ABM? I'm Valerie nice to meet you! Ang ganda mo omg why are you here sis?"

Nagtaka ako kung paano niya nalaman ang aking pangalan dahil hindi naman ako kilala sa aming school at kung makipagusap sa akin ay parang matagal na kaming magkakilala, pero ganon rin naman ako kaya hindi na nakakapanibago para sa akin.

"Nice to meet you too Valerie, have you seen my friend Gia? Stem student siya under this section eh." pagtatanong ko kay Valerie.

"Ohh, hoy Gia may naghahanap sayo dito kaibigan mo daw!" sigaw ni Valerie na mukhang normal na sa kanilang lahat.

Doon ko nakita si Gia, as usual nakapolo nanaman. Polo lang ata ang meron sa closet niya at walang ibang style na maisip at babagay sa kaniya.

Nasa harapan na niya ako ngunit lutang pa at hindi namalayan na andon na pala siya. Tinapik ako ni Gia na gumising sa aking kaluluwa, she was looking at me from head to toe like she's judging my whole existence.

"What are you looking at?" nagbago agad ang mood ko.

"Wala, tara na maging studdy buddy ulit tayo sa bahay ko." as she puts her arm on my shoulder na kinairita ko ngunit wala rin naman akong magagawa.

Mag gagabi na ng makarating kami sa bahay nila dahil sa sobrang traffic lalo na at gabi, uwian na rin kasi ng mga may trabaho ang ganitong oras.

Nauna na ako sa pinto nila dahil magpapark raw muna siya ng sasakyan, kumatok ako at ang unang bungad sa akin ay ang napakagandang nanay ni Gia na may hawak hawak na sandok, pang hapunan siguro nila.

Nagmano ako at yinakap siya ng mahigpit. Yinakap rin naman niya ako pabalik, matagal na rin kasi simula nung last na punta ko dito.

"Goodevening po tita!" ang sabi ko.

"Aba Serenity ija! Goodevening nako pasensiya na at hindi ko naayos ang bahay ha, wala naman kasing sinabi si Gia sa akin na may kasama pala siyang kaibigan pag uwi." ang sabi sakin ni Tita Lorraine.

Akin namang binitawan ang yakap.

"Ay tita okay lang po, I don't mind tsaka amoy na amoy ang linuluto niyo ah." sambit ko ng maamoy ang pamilyar na pagkain na aking nalalanghap.

"Oo naman ija, paboritong ulam kaya to ni Gia ang beef steak, special recipe ko kasi! Nga pala dito ka na maghapunan masarap talaga tong luto ko sayang naman kung hindi mo makakain." Mas naexcite ako sa sinabi ni tita dahil sino ba naman ang tatanggi kung amoy pa lang ng pagkain ay masarap na.

Sakto dumating na si Gia at nagmano kay tita.

"Ma, dito muna ngayong gabi si Serenity. Magaaral lang dahil sa tambak ng tests at quizzes." pahiwatig ni Gia.

"Hindi ba't magkaiba yang strand niyo? Pero sige bahala kayo diyan, magaral ng mabuti. Bumaba nalang kayo kung nagugutom na kayo may pagkain dito lalo ka na Serenity wag kang mahiya."

"Kaya nga naging studdy buddy eh kasi magtutulungan kami tsaka tama na nga yang wag mahiya ma, kung alam niyo lang kung gaano kakapal ang mukha nito." Gia said na aking ikinagalit ngunit hindi ko masaktan dahil nasa harapan kami ni tita.

Pumunta na kami sa kwarto niya and I expected different never pa kasi akong nakakapasok sa kwarto niya tuwing andito ako since hindi niya naman ako dinadala dito.

Her room has LED lights and has a normal size bed. On the other side there's a gaming set all this time gamer pala siya, as I search her room may nakadisplay na electric guitar naks may hidden talent pala to akala ko pang gagago lang ang alam.

“Marunong ka pala mag electric guitar? Hindi mo minemention sakin to ha.” Sabi ko sabay hampas ng balikat niya.

“Hindi ba halata? Hindi naman yan pang display tsaka tigilan mo ko sa hampas mo baka mainjured ka pag binalibag kita diyan.”

I rolled my eye infront of her at nagsalita nanaman tong bruhang to.

“Isa pang irap mo tutusukin ko talaga yang mga mata mo ah.”

“Whateverr... magaral na nga tayo! It's schoolgirl time!”

Imbis na laman ng lessons ang naririnig ko ay puro reklamo ang lumalabas sa bibig ni Gia kaya hindi tuloy ako makafocus.

“Anak ng tokwa ano ba naman kasi to hindi ko maintindihan kahit ilang beses kong basahin mababaliw na ata ako eh magagamit ko ba to kung magiging janitor ako in the future, ayoko na talaga patayin niyo na ko.”

“I'm trying to focus, Gia. Pero paano ako makakapagfocus ng maayos kung bunganga mo ang naririnig ko. Manahimik ka na at magaral dahil wala namang magagawa ang pagrereklamo mo diyan.” sabi ko kay Gia dahil sumasakit na rin ang ulo ko sa readings na nasa harapan ko.

Binitawan ni Gia ang ballpen na hawak at rinuffle ang buhok na kanina lang ay nakatali ng hair clamp. Totoo nga pala ang sabi nila na maganda at pogi si Gia.

The Sunset Between UsWhere stories live. Discover now