Chapter 4

374 13 0
                                    

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa alarm clock kong napakalakas. Umuwi na rin pala ako kagabi dahil wala naman akong dalang spare clothes at nakakahiya na rin sa kanila Gia.

Ewan ko ba at lagi ako nagigising ng maaga tuwing weekends eh dapat sinusulit ko ang tulog ko nito. Tapos nag alarm pa ako.

Friday, in the weekdays I always look forward on friday dahil sa araw na iyon feeling ko everything would be good to me.

I started my day by cleaning the condo even though hindi naman ako mahilig maglinis, feeling ko tuloy ay wifey material na ako forgetting the fact na hindi ako marunong magluto.

I wanna learn things and be an independent women, gusto kong matuto na ako lang magisa pero my parents are the reason why kahit magluto ay hindi ko pa alam. They've been always so careful when it comes to me and my brother sa sobrang careful ay pati na ang kailangan naming matutunan ay pinagkakait nila lalo na si Mommy dahil baka in the end ay palpak daw ang gawa ko.

Okay lang para sa kanila kung hindi ko maabot ang highest average pagdating sa academics ko pero pagusapang pamumuhay na ay sobrang taas ng expectations nila, they would risk and give up anything para lang masunod ang buhay na gusto nila para sakin.

Sometimes sumasagi sa isipan ko, paano kaya kung may sarili akong desisyon? Would I be an independent women at this age? Mas magiging matured ba ako?

Thinking of it I was planning this week to visit them sa Quezon City, 1hour drive lang naman papunta doon kaya less hassle.

After kong maglinis ay nagprepare at kumain na ako ng lunch para hindi na ako gutumin sa byahe, nagimpake na rin ako ng pang 2 nights na damit dahil doon ako magpapahinga ngayong weekend.

Once I was done bumaba na ako sa parking lot, linagay ko ang mga gamit sa backseat at chineck ang lahat kung may nakakalimutan ba ako dahil makakalimutan akong tao.

I finally start the engine and made my way driving off to Quezon.

2:00PM na ng nakarating ako, hindi ko na minessage ang kapatid ko or si Mom dahil gusto ko ito maging surpresa.

I pressed the doorbell at naghintay na buksan nila ang gate, sumalubong sa akin si Mom ngunit hindi niya agad ako nakilala dahil busy siya sa phone niya.

“Ma yung anak mo andito oh.” sinyales ko habang tinuturo ang aking sarili.

Nang marinig niya iyon ay agad niya akong tinignan at doon niya na ako niyakap ng mahigpit at agad naman akong hinalikan sa pisngi.

Imbes na lambingin ako ay mukhang sinermonan pa ata ako pagpasok ng bahay.

“Wala kang sinabi sa akin o sa kapatid mong bibisita ka dito! Sa susunod magsabi ka para naman makapaghanda kami, nakatutok ka na diyan sa pagaaral mo tapos bibisita ka pa dito wala manlang kaming inihanda.” sabi ni Mom at kinurot ako sa tagiliran.

“Surprise nga eh syempre hindi niyo dapat malaman yon ma. Tsaka dito nga pala ako magsstay for the weekend para naman makakita kayo ng maganda once in a while.” pagbibiro ko pero totoo naman.

Habang kami ay naguusap sa kusina biglang bumaba ang kapatid ko na mas matanda sa akin pero nakita naman niya ako at lumapit.

“Si idol pala to eh! Bakit ka andito? Namiss mo ko no.” iyon ang narinig ko sa aking kapatid.

“Wag ka nga balita ko puro katarantaduhan mga ginagawa mo sa school ah.” pangaasar ko sa kaniya dahil sa paglalaro ng online games lang naman siya nakafocus.

“May naririnig ba kayo?” depensa ng aking kapatid sa kaniyang sarili.

“Tama na yan magaaway nanaman kayong dalawa dapat nga ay naglalambingan kayo. Lalo ka na Hazien lambingin mo tong kapatid mo dahil matagal nanaman kayong magkikita niyan.” sabi bigla ni Mom.

“HINDI NGA KAMI NAGAAWAY!” sabay namin itong sinabi ng kapatid ko dahil lagi nalang ay inaakala niyang nagaaway kami ni Hazien pero ang totoo ay nagaasaran lang kami, duh typical siblings fight.

Umupo si kuya sa living room at pinagpatuloy namin ni Mom ang paguusap.

“Ano na ang update sa pagaaral mo? Nageexcel ka ba? May improvement?” maraming tanong ang ibinigay sa akin.

Ngumiti ako at nagsalita “So far so good naman ma naka adjust na rin sa araw araw na ganap tsaka opo nageexcel naman po ako sa acads kahit papano at may mga improvement na rin po dahil nasa tamang circle of friends na ako.” bakit parang nanuyo ang aking lalamunan ng matapos akong sumagot? Kaba lang siguro to dahil maraming tanong na kailangan kong sagutin.

The Sunset Between UsWhere stories live. Discover now