Chapter 10

262 10 0
                                    

Kumakain ako ngayon ng lunch at nagrready para sa school, wala kasing pasok kaninang umaga dahil nagmeeting ang mga teachers.

Balak ko nga pala ngayong kausapin si Daphne to clear things out para hindi na lumala ang misunderstanding namin.

Hinatid na ako ni Gia sa room namin at si Cleo pa lang ang nandoon maliban sa iba pa naming mga kaklase. Nagusap muna kami saglit nang pumasok na sa pintuan si Daphne.

"Saglit lang Cleo ah, kakausapin ko muna si Daphne." ang sabi ko at pumunta sa katabing upuan ni Daphne dahil wala pa namang nakaupo doon.

Inumpisahan ko na ang convo dahil ramdam kong ayaw niya akong makausap or even magtanong kung bakit ba ako nasa tabi niya.

"Ano ba talaga ang meron? Kahapon ay hindi ka sumama sa amin, g na g ka palagi ah what happened? Tungkol ba sa topic natin kay Gia? Daphne-" hindi ko na naituloy ang gusto kong sabihin nang putulin niya ito.

"Wala ngang problema Serenity, kung bakit hindi ako sumama ay bakit bawal ba? Bawal bang tumanggi kahit minsan lang?" ito ang narinig ko mula sa kaniya, it hurted me for some point.

"Hindi naman sa ganon, ang gusto ko lang sabihin bakit noong si Gia at actions niya sa akin ang topic biglang nagbago ang mood mo?" sagot ko sa tanong niya at sinundan pa ito ng tanong.

"Dahil hindi ko trip pagusapan ang ganyang bagay at that time, wag mong bigyan ng meaning lahat ng ginagawa o sinasabi sayo Serenity!" nang sabihin niya iyon ay parang tinusok ako ng maraming karayom.

Hindi ako makapaniwala na masasabi yon ni Daphne sa akin, ganon ba siya nasaktan? Ang sakit ng binitawan niyang salita na parang gusto ko nalang isigaw ang sakit ngunit hindi ko magawa.

Biglang namuo ang mga luha ko na agad ko namang pinunasan at pumunta sa restroom.

Nang makarating doon ay iniyak ko lahat ng nararamdaman ko, agad kong tinawagan si Gia dahil kailangan ko talaga ng karamay ngayon, someone who can hug me while I'm breaking down.

Matapos ang ilang segundo ay may narinig akong kumatok sa cubicle na naroon ako. Doon ko narinig ang boses niya, ang boses ni Gia.

"Serenity? Si Gia to pagbuksan mo ko ng pinto." dali dali kong binuksan ang pinto ng cubicle at doon ko na yinakap si Gia, hindi ko na napigilan at humagulgol na ako sa balikat niya.

"iiyak mo lang yan, andito lang ako you're safe with me okay?" as she caressed my hair and I never felt more safer than her presence do.

Pinunasan niya ang aking mga mata gamit ang kaniyang kamay at yinakap ulit ako. Hindi na ako makapagsalita dahil wala namang lumalabas sa boses ko kahit pilitin ko pa.

"Wipe your tears na, it'll be okay trust me. Magsisimula na ang klase, mamayang uwian pumunta ka sa room namin may pupuntahan tayo tapos doon mo sabihin sa akin kung bakit ka umiyak."

Inihanda ko muna ang aking sarili bago lumabas ng restroom.

Habang naglalakad kami papunta sa room ay ilinagay niya ang kaniyang kanang kamay sa aking bewang at agad naman kaming nag eye contact ngunit agad ko naman binitawan pero ang kamay niya ay nananatili sa posisyon.

Hinayaan ko nalang ito hanggang sa makarating kami sa room.

"Magfocus ka sa klase mo, babalik na ako sa room." Gia said as she ruffles my hair before she goes.

“Thank you.” iyon lang ang nasabi ko.

Pagkapasok ko pa lang ay nakita ko na si Daphne na nakatingin sa akin, sigurado at nakita niya ang ginawa ni Gia sakin.

Umupo nalang ako sa aking upuan at pinagmasdan siyang nakikipagtawanan sa iba pa naming kaklase na parang wala lang nangyare, parang hindi lang siya nagbitaw ng masasakit na salita sa akin.

The Sunset Between UsWhere stories live. Discover now