Simula

11 0 0
                                    

Bugok

"Mommy!" I ran fast when my eyes spotted grandma Victorina. I came from school, and Mama didn't tell me that grandma would visit us. It's been a week now since the last time I saw her.

She opened her arms widely to welcome me. I was 7 years old, and some were telling me that I was very skinny for my age. But, I don't care, I like it because grandma can still carry me. And I enjoy it. I showered her with my kisses.

Grandma giggles as I continue what I'm doing, " My Favorite, Apo." Aniya.

Tumatalon sa tuwa ang puso ko sa tuwing naririnig iyon, kahit na ayaw saakin ng mga pinsan ko dahil ako ang gusto niya, wala akong pakialam!

"I missed you, Mommy," hindi ko siya napigilan na yakapin ng mahigpit. We visit to her house once every one month, but in my case, I frequently went to her house twice every week. Kaya ganoon nalang ang pagkamiss ko sakanya dahil hindi ko siya napuntahan.

Wala kasing sasama saakin dahil busy sila Mama at papa.

"I miss you too, Apo," pinanggigilan niya ang magkabilaan kong pisngi.

Maraming nagsasabi na masama siyang tao. At sa tuwing naririnig ko iyon, nasasaktan ako para sakanya, gusto ko siyang ipagtanggol pero siya itong nagsasabi saakin na hindi ko kailangan ibaba ang sarili ko para sakanila.

Na kapag pumatol ako sa isang baliw, ibig sabihin noon ay baliw rin ako.

"Why are you here?" si Mama.Grandma look mad nang harapin niya si Mama. I saw her eyes rolled up.

"Pumunta ako rito para bisitahin ang Apo ko. Ano ba ang pinagkakaabalahan ninyong mag asawa, at hindi niyo masamahan si Tammy na puntahan ako?" nag iwas ako ng tingin kay Mama.

"May inaayos kami sa tagaytay, 'diba may project kami doon?"

"At isa pa, palagi na siyang nandoon ," mas lalong umasim ang awra sa mukha ni grandma. I know she doesn't believe what my mother is saying.

Kaya siguro maraming tao ang nagsasabi na masama siya, it's because, mahirap siyang dayain. They can not fool her with simple words.

"Saakin muna siya, kung ganoon na busy kayong mag asawa," grandma look at me and smiled. Ginantihan ko ang ngiting iyon.

Kung sakanya ako, mas magugustuhan ko. Marami kasi siyang itinuturo saakin. When I grew up, I wanted to be like her. I want to help her make our Empire massive. I want to see myself working with her. I want to learn from her.

"Hindi niyo rin siya mababantayan, Ma." Mama protested. Grandma put me down.

"Bakit mo pinangungunahan ang kakayahan ko?"

"She'll stay with me, hanggang hindi na kayo busy na mag asawa."

"Besides, mas nag eenjoy ako na kasama si Tammy kesa sa mga anak ni Robert, mana sa nanay nila, mga sutil, ang babata pa ang dami ng gusto!"

Grandma is talking about my two cousins. They are Uncle Robert's daughters, Annalise and Felise. They are both a head of me. Annalise is 10 years old, and Felise is 9 years old.

"Let's go, Apo. I'll help you pack your things. After this, we will buy a new doll," aniya.

Tumingin ako kay Mama, tanging pag iling nalang ang nagawa niya. Grandma held my hand . We went to my room and packed my stuff.

"Mommy, I am so much happy because I will spend more time with you, kaso. I am worried, kasi, you have to focus on the Empire."

"I can't wait to get old enough to help you, just like what I promised?"

Paano ang gabi? (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon