Chapter 14

6 0 0
                                    

Relaxed.

Pagkarating ko sa office, gaya nang sinabi ni Kate, may inihanda nga ang Engineering department na surpresa.

Sinubukan kong ngumiti.

"Hindi po ba makakarating si Sir Julious,Miss?" Ang isa sa mga engineers.

Nakita ko ang kaparehong tanong sa mga mukha ng bawat taong nakapalibot saakin.

Sa harap ko ay may malaking nakasulat doon.

Isang pagbati para sa anniversary namin ni Julious. May mahabang lamesa at ilang handa na nakapatong doon. May ilang lobo at paper cut hearts.

Bago pa ako makasagot ay may umagaw na ng atensyon naming lahat.

"I'm late," malawak ang ngiti niya sa lahat.

Gaya ng saakin, binabati siya ng mga tao.

May dala siyang bulaklak. Maayos ang itsura niya at bagong gupit. Malinis ang pananamit at prisintable. Malayo sa itsura niya kahapon.

Naglakad siya palapit saakin at binibigyan siya ng daan ng mga empleyado.

Buo ang kabog sa dibdib ko nang makalapit siya saakin nang tuluyan.

Iniabot niya ang bouquet saakin at hinalikan ako sa pisngi. My body got stiff. Halos hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko.

Dumapo ang kamay niya sa baywang ko.

"Uhm....thank you for this.... effort for us....Thomasina and I really appreciate it," he spoke.

"To be honest, hindi kami masyadong nakapag celebrate kahapon...."

Kahit nakashade ako ay kita ko ang pagpapanggap sa mga mata niya. Malinaw pa saakin ang lahat. Ang pagwawala niya.....ang paninisi niya saakin.....ang pananakit niya....ang pagmamakaawa niya....lahat 'yun, malinaw pa.

Tipid akong ngumiti sa lahat ng empleyado.

"Bakit Sir, nagkatampuhan kayo ni Miss?" Tanong pa ng isang engineer.

Nasa bulaklak lang ang mga mata at hinahayaan si Julious na mag salita....mag sinungaling.

Maliit na tawa lang ang ginawa niya, as if it was an absurd question. Well, hindi naman namin nararanasan ang ganoong bagay, ang mag tampuhan like a real couple.....noon siguro.

Nagkibit ng balikat si Julious, "Kasalanan ko naman," makahulugan iyon.

"Dapat bumawi ka Sir," suhestiyon ng isa ring engineer. Babae naman iyon.

Hinapit niya ako sa tabi niya at nagtaas ng tingin saakin. Mas hamak na may taas siya saakin, napapantayan ko lang siya dahil sa suot kong stilettos.

"I surely will," malawak ang ngiti niya.

Parang may anghel na dumaan dahil sa katahimikan na bumalot saamin.

"Anyways, shall we proceed to the meeting?" Paglilihis niya.

Tumango ang mga empleyado. I signaled Kate to guide them in the conference room.

Tinanggal ko ang kamay ni Julious sa baywang ko. Pinagpagan ko pa ng bahagya kung saan siya humawak saakin.

Manilis na nagbago ang timpla ng mukha niya. Bumagsak iyon at tensyunado.

"Hindi mo kailangan na sumama sa meeting, hindi ka kailangan doon."

Hawak ko parin ang bulaklak. May basurahan akong nakita pero hindi ko pwedeng itapon doon. Everyone will see it.

Naghilamos siya ng mukha.

Paano ang gabi? (ON-GOING)Where stories live. Discover now