Chapter 12

6 0 0
                                    

Vito.

"Happy anniversary," he kissed me on my cheek at inabot niya saakin ang bouquet na hawak niya.

Katatapos lang ng meeting ko with new investors, at kanina pa saakin sinasabi ng secretary ko ang tungkol sa pagdating niya.

"You're not answering my calls," aniya.

Kaming dalawa nalang ang naiwan sa loob ng conference room. Tatlong butones ang nakatanggal sa damit polo na suot niya. Magulo ang buhok at mukhang kagagaling sa inuman.

"Hindi ba nila sinabi na nasa meeting ako?" Duda akong hindi iyon sinabi ng secretary ko.

Siya lang 'tong nagtatanga-tangahan.

Ibinagsak niya ang katawan niya sa isa sa mga swiveling chairs.

"It's our fucking wedding anniversary, Tammy," he shouted.

Kahit mag wala pa siya ay wala akong pakialam.

"Alam ko," tipid kong sagot.

Inihahis ko sa lamesa ang bulaklak. Sumabog iyon doon pero wala akong pakilaam.

Balak ko ng umalis dahil ayaw kong mag aksaya ng oras para sa walang kwentang pag uusap.

Naramdaman ko ang malamig niyang kamay sa braso ko.

"Alam mo.....pero mas pinili mong—"

Binawi ko ang braso ko sakanya, "What!? Mag trabaho?" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

I pushed him, "Sa papel lang tayo mag asawa,Julious."

I don't think I have to remind him of that.

It's been seventeen years.Maraming nag bago.Malayo sa kung ano noon.

Iniwan ko siya mag isa doon. Sinalubong ako ng secretary ko.

"Anong next schedule ko?"

Habang naglalakad kami sa hallway. Everyone was greeting me but I'm too pissed to acknowledge it.

"Last napo ngayong araw," aniya.

Napahinto ako sa paglakad.

"Chineck mo bang mabuti?"

Imposibleng wala akong gawin ngayong araw. I finished my papers last night dahil ang alam ko....may gagawin ako.

"Wala po talaga," she confirmed. Hawak niya ang tablet at nakatingin doon.

"How about tomorrow?"

I want to confirm it. Imposibleng ngayong araw ako mawawalan ng gagawin. Hindi espesyal ang araw na'to.

"Two meetings.....one with the marketing department and one with engineering team....and an invitation from your father—ah, with Mr. Manuel," paglilinaw niya.

Nagpatuloy ako sa paglakad. We stopped in front of the elevator.

"Move the meeting today with marketing department," sambit ko.

Nasa loob na kami ng elevator.

"Noted po. I will send an early notice....what time do you want to have the meeting, Miss?"

Tumingin ako sa wrists watch ko. Alas otso palang ng umaga.

"One o'clock."

"Copy, Miss."

Mag isa kong nagtungo sa office ko. Halos ibagsak ko ang katawan ko. Maaga pa pero pagod na ang katawan ko....or maybe my mind?

Sa loob ng labing pitong taon, it's been tiring for me. Wala akong pahinga, sa pag aaral, at pagkatapos no'n sa pagtatrabaho.

Paano ang gabi? (ON-GOING)Where stories live. Discover now