Chapter 17

11 0 0
                                    

Pissed.

Lumabas ako ng kwarto at iniwan si Leon doon.

Puno ng inis ang dibdib ko. Wala akong kasalanan pero bakit ako pinaparusahan?

"Sorry, Miss.Si Mr. Escollante po ang may hawak ng key room."

Even the key room? Fuck!

"Hindi mo ba pwedeng hingiin sakanya 'yung susi?"

Nagdadalawang isip siyang sumagot.

Inaantok na ako at hindi ko kayang matulog na kasama si Leon.

We're not kids anymore. At kasal pa ako!

Imposibleng hindi lalabas sa media ang bagay na'to. I'm not a big personality, but....I still have a reputation to uphold.

At hindi lang ako basta basta sumama kahit kanino!

Kahit siya pa ang pinaka mayamang lalaki sa buong mundo!

"Tulog napo ata si Mr. Escollante, Miss." Aniya.

"Kayo po ba?"

Tumingin siya sa relo niya.

"Anong oras na po, hindi pa po ba kayo matutulog?"

Paano ako matutulog kung sa laki ng barkong ito, isang kwarto lang ang pwede kong tulugan?

Bigo akong bumalik sa kwarto kung nasaan si Leon.

Kung paano ko siya iniwan ay ganoon parin ang posisyon niya.

Sanay na siguro siyang may katabing babae.

Hindi ko na siguro mabibilang kung ilang babae ang tinabihan niya.

Umupo ako sa kabilang dulo ng kama.

This will keep me awake.

Simula nang ikasal ako kay Julious, wala akong nakatabing lalaki sa higaan ko,kahit mismo siyang asawa ko!

Pero itong lalaking ito.

Nagsisitayuan ang balahibo ko sa katawan.

Hindi ko pa nasasagot ang tanong sa isip ko kung may nangyari ba saamin.

Nilingon ko si Leon. Nasa gawi ko ang mukha niya. Peacefully sleeping.

I bit my lower lip.

Siguro naman ay hindi niya ako pinagsamantalahan. After all, my father won't trust him if he would do something against my will.

Except for kidnapping me.

Hindi ko lang alam kung anong pumasok sa utak niya para sundin ang sinabi ng tatay ko

Very pissed and annoyed. I laid down my back. Tumagilid ako paharap sakanya, kinuha ko ang unan sa ilalim ng kamay niya.

Sana lang ay hindi siya magising. He extended his arms to get back the pillow.

"Hmm...." pilit niyang binabawi saakin ang unan.

Buong lakas kong hinihila iyon pabalik.

Isa lang ang unan ko at hindi ako sanay na walang kayakap na unan!

"Shit!"

I heard my shirt torn.

I almost fell out on the bed. If he didn't catch me that fast!

Nakahawak ako sa kamay niya para kumuha ng suporta.

"Get off of me!" sigaw ko dahil magkalapit na kami. Ramdam ko na ang hininga niya at dinig ko narin ang pagtibok ng puso niya. Even his eyes were focused and irritating to my system.

Paano ang gabi? (ON-GOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora