Chapter 3

10 0 0
                                    

Injured

"Sige na, makakabalik kana sa classroom mo, Leon." Si nurse Jack.

Leon carefully put me down on the bed. Inayos niya pa ang unan ko. I saw Blessie's eyes na pinanlalakihan ako. Nakita ko din ang pag ngisi ni nurse Jack .

"I can stay here," sambit ni Leon. Mas lalong uminit ang pakiramdam ko.

Kunwaring umubo si Blessie. Sakanya kami napatingin lahat.

Ngumiwi siya at nag kibit balikat.

"May mag susundo naman sakanya, Leon. At isa pa, baka ikaw ang masisi kapag nakita ka na kasama namin. Alam mo naman ang lola niya 'diba?"

"She's right. You don't have to stay. Nurse Jack is here,he knows what to do," suporta ko sa sinabi ni Blessie.

Leon's eyes were confused and worried.

"Okay," tangi niyang sambit.

Gusto ko pa sanang mag pasalamat at mag sorry sakanya, pero umalis na siya. Maybe I can do it tomorrow? Kung makakapasok ako.

"Naku, talaga si Leon. Kapag tumanda pa 'yun mas maraming babae ang mahuhumaling sakanya kung palagi siyang magiging mabait," sambit ni nurse Jack.

Nag kunot ako ng noo.

"What do you mean, nurse?"

Umiling siya.

"Last time, siya din ang nag hatid dito sa isa nilang kaklase na babae, nahihilo daw kaya niya sinamahan."

Nagkatinginan kami ni Blessie.

"Kaya kayo kung magkakagusto kayo sa lalaki, dapat siguraduhin niyong kayo lang ang gusto."

I want to defend him from that notion because there's pain in my heart. What if mabait lang talaga siya saakin at ganoon din siya sa iba? What makes me different from the others?

And if I confess my feelings, what will happen?

I'm scared I might push him away.

Nurse Jack just did a cold compress and explained what really happened to my feet. Luckily, it's just a mild strain. There is nothing I should worry about, except that I need to stay at our house for a fast recovery to my muscles.

Habang nasa sasakyan palang kami ng maid na na naka-assigned sa pag sundo saakin. She's seating in front katabi ng driver at ako naman ay nasa likod.

I can sense the tension around us.

"Don't worry, this is my fault. I’ll explain to her," sambit ko.

They both looked at me on the rear view mirror. Anxious.

Nagkatinginan silang dalawa at hindi kumibo.

Simula noong kinuha ako ni Mommy sa bahay namin, hindi na niya ako binalik. Naging bahay ko na ang mansyon niya. Naging dahilan din 'yun para mas magalit saakin ang mga pinsan ko, lalo na si tito Robert.

Pagkarating namin sa mansyon ay may naka-ready na wheelchair.

"What happened?"

Biglang may nabuhay na kaba si dibdib ko.

Nag taas ako ng tingin kay Mommy,nasa bukana siya ng bahay. I didn't expect her to be home this early. Ang alam ko ay busy siya.

Halata naman iyon dahil nakasuot pa siya ng mahahalin niyang kasuotan. A flowy embroidered red blouse at pants.

Inilipat ako ng driver sa wheelchair na kanina ay pati rin siya natigilan.

Mommy walked closer to us.

Paano ang gabi? (ON-GOING)Where stories live. Discover now