Chapter 2

10 0 0
                                    

Don't assume.

"Sinasayang mo lang 'yang paper, Tammy."

Hindi ako nag abala na lingunin si Blessie.

Nasa classroom kaming dalawa. May mga ilang classmate na kasama pero malayo sila. Like usual.

Sinusulat ko ang pangalan ni Leon at pangalan ko sa papel. Nalaman ko kasi na mag mamatch kami kung tama 'yung number na papasok sa FLAMES na laro. Nakakailang ulit na ako pero laging negative ang lumalabas.

"Why I can't get it right? What's wrong with this game?!"

I crumpled the paper and threw it to the floor.

"Oh my gosh, Tammy," sa pagkakataong iyon ay pareho kaming napatingin ni Blessie sa lalaking pimasok at dinampot ang crumpled na papel.

Nakakunot ang noo niya habang binabasa angvmga nakasulat sa papel.

"Alejandro Leon Escollante......" he murmured.

I bit my lower lip.

"Akina 'yan," tumayo ako at akmang kukunin sakanya ang papel.

"Julious!" Iritado kong tawag sakanya dahil itinaas niya ang kamay niya para hindi ko makuha ang papel.

"Is he your crush?" Ngumisi siya.

Parang insulto iyon sa pandinig ko.

"Ibigay mo nalang Julious," protesta din ni Blessie.

Tumayo siya at tinulungan akong abutin ang papel, but he is really tall. Kahit dalawa na kami ni Blessie ay hindi parin namin makuha.

"Aminin mo muna kung may gusto ka sakanya."

"Ano bang pakialam mo?" Inis kong sagot sakanya.

Tumigil ako sa pag abot ng papel sa kamay niya.

Tinignan ko siya ng masama at inirapan.

"You will give it to me, or else I'll kick your penis!" Banta ko.

"You're only ten years old, matanda na 'yung gusto mo, tss!"

Hindi ko siya sinagot at hinablot sa kamay niya ang papel. Hinayaan niya akong gawin 'yun. Buti nalang dahil kung hindi, sisipain ko talaga siya.

At isa pa, ano bang pakialam niya? Mas matanda lang si Leon saakin ng tatlong taon!

"Siguro ikaw 'yung nagpapadala ng sulat kay Tammy, ano?" Si Blessie.

Agad na nag iwas ng tingin si Julious at pinamulahan ng mukha.

Hindi siya kumibo at iniwan kami ni Blessie.

"Malakas kutob ko na siya 'yun," Blessie whispered to me.

"Kung siya man 'yun, pwes ngayon palang alam na niya, wala siyang pag asa!" Inis kong sambit.

Simula palang noong pasukan namin bilang mga grade three, may nagpaparamdam na. Continuous letters from an anonymous person.

His words were flowery and sweet.

"Pero sana hindi siya," bawi ko kay Blessie.

The only reason why I keep on accepting the letters is because I like to imagine that it was from Leon. I know it's wrong, but I can't help being imaginative.

"Bakit naka simangot ka nanaman?"

It's our breaktime, at gaya ng nakasanayan na, sabay kaming mag lunch ni Leon.

Sa loob ng dalawang taon na ganito, hindi ako nakaramdam ng sawa. Tingin ko nga mas lalo akong naeexcite. Maliban lang tuwing naiisip ko na kailangan na niyang ymalis ng school.

Paano ang gabi? (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon