Chapter 8

16 0 0
                                    

Kasabay

The next morning, Mommy left early. Mag isa ko ulit kumain ng almusal. Halos ayaw kong bumangon sa kama ko. I'm not ready to face my normal routine. I can't go on in life just like there's nothing happening. I'm not good at handling this kind of pain.

Nasa loob kami ng van at ako ang nasa likod. Si Angelica ang naka-assigned ngayon sa paghatid at pagsundo saakin.

Our conversation didn't go well last night. I was annoyed because I felt they were all against me. There's no one who can understand me.

I want to see my tatay but I don't know how. Mommy might get mad if I'll break her rule. They don't want me to visit tatay anymore. They will not allow me to visit him again!

Tahimik lang ako habang nasa likod. Nakikita ko ang mata ni Angelica sa rear view mirror,sumusulyap siya saakin pero hindi ko iyon pinapansin.

Nakarating kami sa school at huminto ang van sa parking lot.

"Kaya ko na," sambit ko at kinuha sakanya ang lunch box ko. Usually ay hinahatid pa nila ako hanggang classroom ko.

"Thanks," dagdag ko.

Pinagbuksan ako ng driver ng pintuan. Bumaba ako at hindi na nilingon sila.

May mga kasabayan din akong mga estudyante at kasama ang mga parents or yaya nila.

I spotted Blessie. She's with her Mom and her brother Biyaya.

Nagdadalawang isip pa ako na lumapit sakanila. Hindi pa naman nila ako nakikita dahil nakatalikod sila at kinakausap ng Mommy nila.

"Tammy," Leon's familiar voice registered.

Nilingon ko siya. Kahit siya ay ayaw kong makausap. Suddenly, my excitement goes away. There's no butterflies in my stomach.

Lumingon lingon siya.

"Hindi ka ba sasabay kay Blessie?" Aniya

Ang mata niya ay kung nasaan sila Blessie.

"It's none of your business,Leon."

Balak ko na sana siyang iwanan.

"Bakit ka ba nagagalit?"

Hawak niya ako sa braso.

"Hindi ako galit. Ayaw kitang makausap," sagot ko.

Hindi parin niya ako binibitawan.

He sighed at umiling.

"Tss."

Binitawan niya ako.

"You're weird,Tammy," aniya.

Weird na kung weird. He doesn't understand me. No one will understand me!

Nakatayo kami dalawa magkaharap nang mahagip ng mata ko si Julious. He's with our two male classmates at nagtatawanan sila.

"Excuse me," sambit ko.

Natabig siya ng bag ko nang naglakad ako palayo sakanya.

Julious and our two classmates are laughing. Hindi ko alam kung sinasadya ba nila akong banggain o hindi lang nila ako napansin.

"Oh!" Sambit ni Noel. Tingin ko siya ang nakabangga saakin.

Tinignan ko lang silang tatlo ng masama.

"You're alone, Tammy?" Si Gregory.

Sinulyapan ko kung saan ko iniwan si Leon. He's still standing there. His eyes were dark while staring at us.

Paano ang gabi? (ON-GOING)Where stories live. Discover now