Chapter 34

1 0 0
                                    

What happened.

"What if they need you?"

"Still no."

Binalik na niya ang mata sa TV.

"Vacation means vacation." Dagdag pa niya.

Damay lang naman siya dito e. Hindi dapat siya naaabala sa trabaho niya. Ako lang dapat to. Kaya ako nakokonsensya dahil inaagaw ko ang oras niya sa trabaho.

Bumalik ako sa pagkakahiga sa binti niya.

Hindi ko na namalayan na nakatulog ako.

Pagkagising ko ay nasa kwarto na ako at wala si Leon sa tabi ko.

Inilibot ko ang mga mata ko sa kwarto bago ito bumagsak sa dalawang cellphone na nasa night table.

Iniwan niya ang cellphone niya.

Umayos ako ng upo.

Saglit kong pinagmasdan iyon.

Umilaw iyon at may nag pop up na mensahe.

I know it's wrong to touch his phone, but my curiosity kills me.

Sinilip ko iyon.

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan sobra ang kaba ko.

Parang hinuhugot ang puso ko pababa at patakas sa dibdib ko.

Hindi agad ako nakagalaw.

Nanginginig ang mga kamay ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig.

May namumuong luha sa mga mata ko.

May naramdaman akong kung ano sa sikmura ko.

Kahit nanghihina ay tumayo ako para magtungo sa banyo.

Bumagsak na ang luha sa mata ko at kasabay no'n ay ang pagduwal ko.

Nakasubsob ang mukha ko sa sink at patuloy na sumusuka.

I heard his footstep kaya nagmadali ako na lumapit sa pintuan bago pa man siya makalapit saakin.

"Hey, are you okay?"

Tinatakpan ko ang bibig ko para pigilan ang paghikbi. Tuloy tuloy ang luha sa mata ko.

Pilit niyang binubuksan ang pinto dahil nakalock iyon.

Bumalik ako sa sink para sumuka.

"Tammy, open the door," paulit-ulit siyang kumakatok sa pinto at kulang nalang ay masira na ang doorknob dahil sa pag pwersa niya doon.

Ang bigat ng dibdib ko at sumasabay ang tiyan ko. Nanghihina ang mga tuhod ko.

I had to sit to the floor dahil hindi ko kaya na ang tumayo.

I sat while trying to stop sobbing.

"I-I'm...okay-" pilit kong sambit. May sumunod na luhang bumagsak.

Para akong sinasaksak.

Tumigil siya sa pagkatok. Ilang minuto lang ay nagbukas ang pinto.

"Hey," he worriedly walked to me. Lumuhod siya sa tabi ko at hinawakan ako sa mukha ko.

"What happened? Are you okay?" Alala niya.

I can't look him into his eyes. Masyadong masakit. Doble 'yung sakit. Ang bilis bawiin.

Niyakap niya ako. Wala akong lakas na gantihan iyon.

Sana panaginip lang lahat ng ito.

I know it's selfish to ask, but please....

Paano ang gabi? (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon