Chapter 13

3 0 0
                                    

Tired.

Habang nag dadrive ay pilit kong winawala sa isip ko ang lahat ng nangyari sa nakalipas na labing pitong taon.

Leon never contacted me, nangako siya pero hindi niya tinupad. Kung siguro siya ang nakilala ni Mommy....

Umiling ako.

Nag red ang traffic lights kaya huminto ako.

There are so many things that I wish I had learned to manage before it  took plenty of me.

I was being controlled by my emotions and other people's opinions, especially Mommy's opinion.

She was in her critical condition, and I was unstable because I was mentally exhausted. Si Mommy lang ang kinakatakutan kong mawala noong mga araw na 'yun.

Parang huminto ang buhay ko, gusto ko siyang mapasaya, gusto kong madugtungan 'yung buhay niya, but....I can't.

Buong buhay ko binigay niya saakin lahat, kahit hindi ko hingiin, but during her sufferings....pag iyak lang ang nagagawa ko.

Kasama niya ako pero wala akong kwenta sa mga panahon na 'yun.

I've seen her cry and shout in pain. I wanted to touch her, but I couldn't.

Napaliyad ako dahil sa malalakas na busina sa likod ko.

Pinaharurot ko ang sasakyan para mabilis na makaalis.

Huminto ako sa isang kapihan. Alas diez palang ng umaga, mahaba pa ang oras ko.

Mas napapagod ako kay Vito kaysa sa mga papel na tinatapos ko araw-araw.

Naging madali saakin intindihin ang lahat nang mawala si Mommy. Bata palang ako hinanda na niya ako sa bagay na 'yun, kaya dapat na manatiling nakatayo ang kumpanya, walang pinagkaiba saamin.Lahat ng kailangan kong malaman itinuro niya.

I sat on the corner nang makuha ang kape ko. I took a picture of it at sinend kay Blessie.

She's in Macau, nahiligan niyang mag travel mag isa, at hanapin ang sarili niya, 'yun ang sabi niya.

She instantly replied to it.

Blessie:

Nice, you should have your own coffee shop.

I know she's teasing me.

Nakangiti ako habang nag tatype ng message ko sakanya.

Me:

Sure, if you wanna invest.

I sipped to my coffee.

This is just a small coffee. Madalas akong dumadaan para mag order ng kape ko. It's not because I can't make myself a coffee, but because of the ambiance of the place.

"Excuse me, Ma'am, may nagpapabigay po."

Isang lalaking crew ang nag abot ng maliit na papel.

Panandalian kong tinignan iyon. Sa mga normal na araw, hindi ko iyon tatanggapin, but something is pushing me to accept it.

Inilibot ko ang paningin ko para hanapin kung sino ang posibleng nagbigay, pero wala akong nahanap.

Tumayo ako at dinala ang coffee ko.

Sa loob ng sasakyan ko binuksan ang nakatuping papel.

You look prettier now.

Nilukot ko ang papel at itinapon sa labas.

"Meeting adjourned," I declared.

Nagpaalam silang lahat bago umalis.

Kaming dalawa lang ni Kate ang naiwan.

Paano ang gabi? (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon