Chapter 9

5 0 0
                                    

Sorry

"Who are you?" Si Felise.

Nakatayo silangvpareho ng ate niya sa tapat ng gate at may kinakausap.

Mataray ang pakikipag usap ni Felise sa taong nasablabas. Nasa likod nila ako at hindi ko makita kung sino iyon.

Kasama ko si Angelica na siyang nag tawag saakin dahil may naghahanap daw saakin.

"Si Tammy sana ang gusto kong makausap," ang pamilyar na boses ni Leon.

Ganoon nalang ang panlalaki ngvmata ko. Paano niya nalaman ang bahay namin?

Sumilip silip si Leon sa likuran ng dalawa kong pinsan. Nagtama ang mga mata namin.

"Tammy," tawag niya saakin.

Parehong lumingon ang dalawa saakin. Masama ang mga tingin nila at parang may mga binabalak nanaman.

I didn't move a muscle. Umakto ako na walang narinig.

"See, hindi ka niya kilala, kaya go away -" Felise took a step and pushed Leon.

Nakukusot ang uniform ni Leon dahil sa ginagawa ni Felise, but Leon doesn't seem to have a care. Nilalabanan niya ang pagtulak sakanya ni Felise.

Nakatayo lang si Annalise at pinapanood ang ginagawa ng kapatid niya.

"Wala ka bang gagawin? Kawawa naman siya," si Angelica.

Pumikit ako ng mariin.

Ano ba kasing ginagawa niya rito? At paano siya nakarating dito? Paano siya nakapasok? Bakit hindi siya hinarang ng mga security guard ng Subdivision?

Nag lakad ako palapit sakanila. Hinawakan ni Annalise ang kamay ko pero malakas ko iyon binawi.

"Wag mo siyang itulak!" Inis ko ng sabi kay Felize.

Halos magkakadikit nalang kaming tatlo at kulang nalang ay mag palitan kami ng mga mukha.

Sinubukan kong pigilan si Felise sa ginagawa niya pero tinulak ako ni Annalise.

Si Leon ang nag salo saakin dahilan para pareho kaming matumba.

"Ouch!" Daing ko.

Nasa ilalim ko si Leon.

"Hoy!" Si Angelica.

Dali-dali siyang lumapit saakin at kinuha ako. Pinaupo niya ako.

"A-Aww..."

May gasgas nanaman sa tuhod ko at may dugo.

"Ang salbahe niyo namang dalawa!" Hinarap ni Angelica sila Felise.

Parang walang nangyari na tumalikod lang ang dalawa saamin.

"Buti nga iyan sainyo," dinig kong sabi ni Annalise.

They both rolled their eyes to us.

Lumapit si Leon saakin at hinawakan ang tuhod ko.

I saw worry in his eyes.

"Ano ba kasing ginagawa mo rito? Sino bang nag sabi sayo na pumunta ka rito!?" Hindi ko na mapigilan ang mainis.

Halo-halo na ang nararamdaman ko.

Kung hindi siya pumunta dito, edi hindi siya ginanon ni Felise.

Mas lalong nabubuhay ang inis sa dibdib ko.

Leon did not answer.

"Wag mo naman siyang awayin, siya na nga 'tong pinagtutulak ng pinsan mong kapatid ni Annabelle," aniya.

Paano ang gabi? (ON-GOING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant