Chapter 23

2 0 0
                                    

Jail.

Kinabukasan ay marami akong tinapos na mga papel.

Mas malaki ang oras na naubos ko kay Sanchez kaysa sa kumpanya.

"Wala siyang balak na umamin," dismayado at may halo ng inis sa boses ni Radan.

One of my trusted investigators. Dalawa silang humahawak sa kaso ni Sanchez, siya at si Cruzelda, his new partner.

Nakaupo siya sa harap ko at hawak ang lahat ng record ni Sanchez. Mas pinili king sa loob ng opisa ko pag usapan ang tungkol sa kaso ni Sanchez.

Si Radan lang ang nakarating dahil may tinatapos pa ang kasama niya.

Radan has a good reputation when it comes to his job.

Palagi lang siyang napapalitan ng kasama, hindi ko lang alam kung bakit.

Kung titignan ay hindi mapagkakaila kung gaano kaganda ang pangangatawan niya, at ganoon na din sa itsura.

"Where is he now?"

Hanggang ngayon, ang alam ng lahat ay wala siya dahil sa bakasyon. Hangga't hindi niya inaamin saakin ang totoo, I will not hold anything against him.

I gave every condition that he might need from me, pero matigas siya. I'm not forcing him, kahit na 'yun ang gustong mangyari ni Radan. He advised me to void my promises to Sanchez, at sila na ang bahala.

Pero hindi ako ganoon kasamang tao, may mga anak si Sanchez, how can I torture him para lang sa impormasyon na gusto ko?

Paano kung hindi pala talaga siya konektado kay Uncle Robert?

How about his family?

"We put him into a safe house, baka doon may makuha kami sakanya."

Umiling ako.

"Free him. Kung wala siyang gustong aminin, wala na tayong magagawa."

"Let's give this to the authorities."

Kita ko ang mas malaking dismaya sa mukha ni Radan.

Tumayo siya at inilapag sa lamesa ko ang folder na dala niya, " This is ridiculous,  parang nagsasayang lang tayo ng pagod kung papakawalan mo siya," aniya.

"Then what are you suggesting? Torture him? For what?"

"If that's what it takes!"

Gigil at inis ang lumulutang sakanya.

Umiling ako, he took this case very close.

O baka dahil hindi siya sanay na walang napapatunayan? This is all about his ego.

"Kung palaging ganito, 'wag kanang magulat kung bumagsak ang kumpanya dahil sa mga taong kagaya niya!"

"Ahas 'yung pinapakawalan mo, kahit sino kayang tuklawin no'n!"

"Are you lecturing me?" Mahinahon kong sabi.

Hindi agad siya nakasagot. Mabilis ang pag taas baba ng dibdib niya.

"I know where you are coming, Radan. But, you are suggesting a wrong idea, may pamilya 'yung tao-"

"Sa tingin mo kung iniisip niya ang pamilya niya, gagawin niyang sirain ka? He is the fucking CEO! Kanang kamay mo na siya kung tutuusin!"

Sinadya kong hindi mag salita. Sumasabog na siya at naiintindihan ko kung bakit gano'n nalang siya mag react.

"You're too soft for this," dagdag niya bago ako iwan.

Habang naglalakad siya palabas ng opisina ko, I remember the first time Mommy introduced him to me.

Mas marami silang nauna saakin na nag trabaho kay Mommy. At isa siya sa mga napatunayan ang katapatan nila.

Paano ang gabi? (ON-GOING)Where stories live. Discover now