Chapter 6

16 0 0
                                    

Leon


"Hello," bati saamin ni Auntie Georgina. She's indeed the standard of beauty. She's like a goddess.

Noon pa man sumasali na siya ng beauty contest. Kababata siya nila tatay, and eventually, si Uncle Jose ang napangasawa niya.

They are all open about their childhood. Mahilig silang mag kwento kaya marami rin akong alam tungkol sa pagkakaibigan nila. Lahat ng alam ko ay naikwento lang din saakin ni tatay. He's like my best friend.

"How's your foot,Tammy?" She concerned.

Madilim na at kadarating lang namin.

"It's getting well,Auntie." I smiled to her.

"I'm really sorry-" kay tatay siya nakatingin.

Lumapit sa tabi niya si Uncle Jose at hinawakan siya sa baywang.

Tatay is standing behind my wheelchair.

"Wala naman 'yun. Naiintindihan namin ang pinagdadaanan niyo."

Tumingala ako kay tatay.

"Bata pa si Leon at maraming gusto," dagdag niya.

Lumipat ang tingin ko sa mag asawang kaharap namin.

"Anyways,kung ano man ang gusto niya, he has to accept our decision, kami parin ang masusunod."

Habang naririnig ko ang mga sinasabi ng Mommy ni Leon, ako ang nasasaktan para sakanya. He's being forced.

Hindi siya sumabay saamin na umuwi at nauna na. Mukhang ayaw talaga niyang mag aral sa abroad.

But his parents have a point, too. They just want him to have good experiences and opportunities.

"Sa loob na tayo mag kwentuhan," singit ni Uncle Jose.

Sila ang naunang pumasok.

Nag taas ako ng tingin kay tatay, "Kawawa naman si Leon," sambit ko.

Tatay didn't answer.

May kalakihan ang bahay nila Uncle Jose. This is a modernized house. They have extra spaces for a standard house.

Sa dinning kami dumeretso. Maraming pagkain na nakahain at may mga maid na nag dadagdag pa doon.

"Tatawagin ko lang si William." Paalam ni Auntie Georgina.

Si kuya William ang panganay nilang anak. Mas matanda ng sampong taon kay Leon. He's a college student. At ang alam ko, siya ang makakasama ni Leon sa abroad para mag aral. 'Yun ang sinabi ng daddy niya.

Naiwan kaming tatlo sa dinning. Uncle Jose excused himself to change his clothes.

Kami nalang ni tatay ang naiwan. Binuhat niya ako at inupo sa isa sa mga upuan.

Lumingon lingon siya sa paligid. Wala na ang mga maids at kami nalang talaga ang nasa dinning.

"Tammy, kung ano man ang pag uusapan mamaya tungkol kay Leon, gusto ko na hayaan mo lang sila, okay lang ba 'yun?"

Hindi ako sumagot. Paano ko gagawin 'yun? Leon always helps me whenever I'm in trouble in school. He protects me. And now that he needs my help.......? Hahayaan ko lang sila?

"Alam ko na malapit ka kay Leon," tatay pulled a chair at umupo sa tabi ko.

"Pero wala tayo sa pusisyon para kontrahin sila sa gusto nila," nag kunot siya ng noo, kahit siguro siya ay naaawa kay Leon. I know. Nakakaawa nga talaga si Leon. Pinipilit siya ng mga magulang niya sa bagay na hindi siya sang-ayon.

Paano ang gabi? (ON-GOING)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें