Chapter 31

5 0 0
                                    

Everything will be okay.

Sinamahan ako ng ilang mga body guards palabas ng venue.

Sa labas ay sinalubong kami ni Marcus. Nawala na siya sa isip ko. Parang sa ilang oras na nasa loob ako ay ang dami ng nangyari.

My cheek still hurts. Binibilisan ko ang lakad ko para walang makapansin. Malamang ay namumula na ito kung wala lang akong make up.

"Let's go," sambit ko kay Marcus.

Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto. Ako na ang nag kusa para sa sarili ko.

Wala na akong ibang gusto kung hindi ang malayo sa lugar na ito.

"What happened, Madame? Are you okay?"

Nahalata niya siguro ang paghawak ko sa pisngi ko. Hindi ko kasi maiwasan na hawakan dahil sa sakit.

"Just drive away from here," sambit ko.

Sinunod niya ang sinabi ko at pinaharurot ang sasakyan.

I checked my phone because of the countless notifications.

Wala akong gana na basahin ang lahat ng iyon. Sigurado naman ako na pareho lang lahat ng iyon, kung hindi congratulations ay panibagong issue.

Napatitig lang ako saglit sa cellphone ko nang lumitaw ang pangalan doon ni Julious.

"I won't tell anything to Leon, so -"

Hindi ko na siya pinatapos.

Sinagot ko ang tawag. Wala naman akong pakialam kung sabihin niya kay Leon o hindi.

"Damn you!"

Magkahalong galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon.

Dahil sa lalaking ito paulit ulit kong naramdaman na wala akong halaga sa sarili kong ina.

"Do you really think I still care if you push through the devoce,yeah?"

Umaagos ang luha sa mata ko na parang gripo.

"Let's talk—"

"I've bare so much for you, bastard! And now, this is how you wanna pay me for everything I did for you?"

"Tammy, I said let's talk—"

"I don't wanna see your fucking face!"

"Listen—"

"No! I'm not gonna listen to any of your bullshits anymore!"

I ended the call and threw my phone at the back of the car.

"Stop the car!"

Nasa gitna kami kalsada at mabibilis ang mga sasakyan. I know we are not allowed to stop, but I can't hold it anymore.

Para akong sasabog. Hindi ako makahinga. Sumisikip ang dibdib ko.

"Madame—"

"Just drop me here," pilit ko.

Wala na akong pakialam, basta ang gusto ko, mailabas ito.

Sinunod niya ang sinabi ko. Iginilid niya ang sasakyan. Mabilis akong bumaba para ibuga ang bigat ng dibdib ko.

"Fuck!"

Wala akong ibang magawa kung hindi ang sumigaw ng sumigaw.

I don't care how my throat hurts.

Hindi ko na mapigilan ang kirot.

Tuloy-tuloy ang daloy ng luha sa mata ko.

"Madame—" nasa likod ko si Marcus.

Paano ang gabi? (ON-GOING)Where stories live. Discover now