2

1.2K 34 0
                                    

JAN'S POV

"Sinasabi ko nga sa inyo. Ayaw nya lang papilit. Busy kase sa dance Club pero once na narinig nyo rin sya kumanta grabe" pilit ni Star

Out of nowhere kase bigla nalang nyang sinasabi na may kaklase daw sya na magaling din kumanta. Tinatanong naman namin kung sino. Shen daw ang pangalan nya galing dance club

May isang linggo na rin nyang sinasabi yung babaeng yun pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nya ito napipilit sumama sa club namen.

Biro nga ng iba na baka scam lang daw si Star ehh. May part sa akin na naniniwala. Pero meron din na hindi haha. Knowing Star na maloko din gaya nina Yves at Jia.

"Isang linggo mo nang sinasabi sa amin yan Star pero hanggang ngayon wala pa ring Shen na lumilitaw" kontra ni Glen sa kanya

"Promise bukas. Nasabi na rin nya sa amin na bukas talaga pwede na sya."

"Siguraduhin mo lang Starcey Sevilleja kundi gagawin na talaga kitang shooting star." Pang aasar pa ni Yves sa kanya na tinawanan lang namin. Every vacant naming lahat ganito kami. Kwentuhan na may kasamang asaran. Nagiging solid ang Bonding namin kapag ganito.

"Oo nga, to naman! Kahit love ko ang moon at ang star. Ayaw ko namang maging shooting star no grabi to"

"Mga kolokoy talaga kayo kahit kailan" sabat ni Cley

"Kabilang ka sa grupong to Cley Laiden kaya kolokoy ka den" pang aasar ni Jia sa kanya

"Mas malala ka nga lang" prenteng sagot naman nito kay Jia

"Trip mo talaga ko laging asarin no?"

"Iingay nyo" sabat ko kaya silang lahat at napatingin sa gawi ko

"Maingay ka din Huwag kang pa victim dyan" kontra ni Yves sa akin.

"Hindi lang yan makapag ingay ngayon dahil nasa tabi sya ni Ate Ara" sabi naman ni Glen kaya sinamaan ko sya ng tingin

"Why? What's the matter? Bakit pati ako nadamay dyan"

"Kase kapag nag ingay yan sa tabi mo ate Ara siguradong mababatukan mo sya hahahahah" sagot naman ni Star

Totoo naman kase. Once na ako na nag ingay lagi ako napapagalitan ni ate Ara.

"Hirap ba maging baby sitter ate Ara? Pwede mo naman syang gawing baby mo ehh" pang aasar pa lalo ni Glen.

Onti nalang talaga masisipa ko na si Glen dahil sa bunganga nya. Kung anu ano kumalabas

"Mga buang kayo. Pero oo ang hirap nga mag alaga ng makukulit na bata tapos anim pa"

"Hindi na ko bata" sagot ni Cley

"Isip bata lang no mare?"

Naiiling nalang ako dahil sa pagiging hyper ni Glen ngayon

"Ves, ilang Chocolate ba ang pinakain mo sa posteng to? Bakit napaka hyper" tanong ko kay Yves na nangunguna sa pagtawa ng malakas.

"Ewan ko ba dyan. Nilantakan cake ni tita Arvy kanina ehh"

Tita arvy is Star's mom

"Kaya naman pala. Lagot ka kay mommy"

"Ayy sorry alam nya. Sya pa nga nag alok ehh. Syempre hindi ko na tatanggihan kase grasya na yun ehhh. Naparami nga lang kain ko. Sarap kase talaga ehh"

"Tirador ka talaga ng dessert glenny" sabi naman ni ate Ara

"Mabuti nalang pala Glen hindi mo natikman yung Cookies na binake ni Yves kundi tiklop yang katakawan mo" sabi ni Star

Be My LastWhere stories live. Discover now