15

781 33 3
                                    

JAN'S POV

The next day nagising ako dahil sa parang may kumikiliti sa aking leeg. Pagmulat ng aking mga mata ay napansin kong hindi ito ang aking kwarto, akma din sana akong tatayo ngunit hindi natuloy dahil biglang kumirot ang aking ulo, isa pa may nakadagan din sa isang braso ko.

Nang gumawi ang aking paningin sa katabi ko ay agad kong nasilayan ang magandang mukha ng aking nililigawan. Agad na gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. Is this for real? Magkatabi kami matulog magdamag? Sana ganito nalang kami lagi. Ayokong mawalay pa sa kanya.

Inayos ko ang hiblang humaharang sa kanyang mukha para masilayan ko sya ng mas maayos. Hindi na alintana ang sakit ng aking ulo. Maingat ang naging pag kilos ko para hindi ko sya magising.

"You're so perfect love" bulong ko.

"I know love. Madami na nagsasabi sa akin nyan"

Kumabog naman ng napakabilis ang aking dibdib. Tapos ang lalo pang nagpagulantang sa akin ay ang pagtawag nya sa akin ng love.

Love is my endearment sa kanya kase ang pangit naman kung tatawagin ko syang Ara eh mas matanda sya sa akin tapos ang awkward naman din kung tatawagin ko syang ate. Natatawag ko lang syang ate kapag kasama namin yung anim. Pero kapag kaming dalawa hindi ko na alam kung ano itatawag ko sa kanya kaya minsan kinakausap ko nalang sya ng walang pangalan. Ang weird diba?

"O natulala ka na dyan"

"You call me love"

"You called me that first twice pa nga ehh"

Twice? Ehh pagkakaalam ko ngayon ko lang sya tinawag na love sa harap nya ehh. Akala ko pa nga hindi nya maririnig

"Sorry, wala kase akong alam na itawag sayo ehh. Ang awkward masyado kapag tinawag kitang ate or sa pangalan mo. By the way what do you mean twice?"

"Last night you call me that endearment I admit na kinilig ako haha. Goodmorning love"

"Goodmorningg but Hey, don't teasing me like that"

Binati nya kase ako habang sinusundot sundot ang aking tagiliran. Wala naman akong kiliti kaso baka kapag ko ang gumanti ay maglupasay na sya sa sahig

"Bakit anong gagawin mo?" Patuloy nya

"Baka kapag ako ang gumanti ay mabigla ka"

"Hindi na hindi na. 'nu ba naman kase. Bakit kase wala kang kiliti ehh  hirap mo tuloy biruin. Nga pala kamusta na pakiramdam mo?"

Sinalat naman nya ang aking noo at ang aking leeg

"Sinat nalang yan but my head still hurts. Pahinga nalang to mawawala na rin to pamaya maya "

"Wow ahh ano ka kayang pigilan ang lahat haha. But huwag ka ng pumasok ngayon ahh. Sabihan ko nalang si Jia about sa kalagayan mo. Magpahinga ka nalang maghapon dito and nasabihan ko na din si tito Jun. I told him na ako muna ang bahala sayo. He's worried but I told him na wala syang dapat na ika alala dahil maayos ka naman"

"Iiwan mo ko mag isa dito?" Naka pout na saad ko.

" I had a 10 am to 11:30 am Class. Then babalikan nalang kita dito tutal 3pm pa naman next subject ko non and a manor subject kaya pwede akong mag paalam na may aasikasuhin ako"

"No. I'm just kidding. You don't need to skip Class just because of me" gusto ko man syang makasama maghapon ngunit ayaw ko naman na mapabayaan nya yung klase nya ng dahil lang sa akin

"No you're not fully recovered at wala kang kasama dito kaya as your nililigawan ako na ang gagawa nun sayo. Is that okay?"

Feeling ko napaka special ko para sa kanya I know na wala pa naman kaming label but Hindi nya pinaparamdam sa akin na wala akong pag asa sa kanya.

Be My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon