3

970 25 1
                                    

ARA'S POV

Habang hinihintay namin si Star na dumating ay nagkkwentuhan muna kame. Maaga pa naman at wala pa si Coach.

When Star entered the room alone medyo nagtaka ako. Kakwentuhan kase namin ang ibang team kaya baka hindi nya kami nakita. Ang nilapitan niya sina Jia at Cley na magkatabing nagkkwentuhan din habang nagsusulat ng notes si Jia.

Ilang saglit lang ay lumabas sy ulit tapos pumasok kasama ang isa pang babae. Ito na marahil si Shen kaya kinalabit ko sina Jan at Glen para lapitan ang mga ito.

"Uhmm. Guys this is Shen classmate ko mula sa accountancy. Siya yung lagi kong kinukwento na magaling din kumanta. Pero mas forte kase nya ang pagsasayaw kaya yun ang sinalihan nya noon. Pero ngayon ko lang sya napilit na mag join sa club naten. Sana ma welcome din naten sya tulad ng pag welcome nyo sakin noon" sabi ni Star.

"Ok naman welcome lahat dito" sagot ko

"Welcome to the club Shen, what's your full name pala?" Tanong ni Yves

"Shen Morie Catacutan ang full name ko 21 years old. Mmm ano pa ba? Yun lang." Sagot ni Shen sa tanong ni Yves

"Ahhh oo ikaw nga yon. Sabi na ehh" biglang singit ni Jan sa usapan kaya napatingin ako sa kanya

"Kilala mo Jan?" Tanong ni Jia. Naunahan nya ko magtanong

"Hindi ganoon kakilala pero isa sya sa nagrerepresent ng School when it comes to dancing. Ang galing galing nga nya ehh" sagot naman ni Jan

Bakit walng nababanggit tong babaitang to sakin?

"Hala thankyou" gulat na tugon nya kay Jan at yumukod pa ito "nice meeting you all"

"Sabi sayo Shen, ayos tong mga kolokoy na to ehh. So game na ahh wala ng bawian"

"Kilala mo pala sya?" tanong ko naman kay Jan ng makaalis na ang dalawa para ipakilala kay Coach Peralta

"Namumukhaan ko lang. Hindi ka kase sumasama sa akin kapag may program ehh. Nakikita ko sya alam ko sya yung Center nila sa Dance Club. Pero hindi ko alam yung pangalan kaya na ccurious din ako simula ng sabihin ni Star yon. Tapos yon kanina nakita ko na sya doon ko napagtantong sya nga yun" sagot naman nya

"Ahhhh masyado ka kasing explorer ehh" pagbibiro ko

"Oyy ate hindi ahhhh."

"Para kang si Dora"

"Edi kung ako si dora sino ka naman? Eh ikaw lagi ko kasama"

"Si boots" singit ni Yves sa usapan namin

"Hindi si boots lagi kasama ehh" kontra naman ni Glen

"Lagi nga silang magkasama"

"Hindi ahhh. Lagi kayang nakasunod si ate Ara" sabat din ni Jia

"Sino sya si swiper?" Ang sagot na iyon ni Yves ang naging dahilan ng pagtawa ng mga ito.

Minsan talaga hindi ko lubos maisip kung bakit ako napabilang sa kanila? Ako pa panganay sa lagay na yan ahh kung asarin nila ko parang kaedaran lang nila ko.

Actually hindi lang naman ako ang target nilang asarin. Kadalasan nakatuon ang atensyon nila kay Cley. Kung sino pang nananahimik yun ang trip nila lagi. Ang liligalig

"Pasalamat kayo mas bata kayo sakin. Kung hindi kanina ko pa kayo pinag hahampas."

"Salamat" sagot pa ni Glen kaya hindi ko nalang pinansin. Kase kung papatulan ko pa baka ano pa magawa ko.

Nang bumalik si Shen sa room ay mag isa lang sya hindi nito kasama si Star at dumiretcho sya sa magbestfriend na Cley at Jia

After ilang minutes sumunod Naman si Star na abot tenga ang ngiti sa mga labi. Inanunsyo nya sa amin na pasok daw si Shen at sa team pa namin sya kabilang dahil si Star daw ang nagrekomenda sa kanya.

Be My LastWhere stories live. Discover now