21

686 24 0
                                    

ARA'S POV

I'm waiting for my girlfriend here at the library. May kailangan din kase akong hanaping libro kaya dito ko nalang sya pinadideretcho. Tinext ko naman sya kung saan ako naka pwesto kaya iniwan ko nalang muna pansamantala ang mga gamit ko sa isang mesa bago hanapin ang librong kailangan ko.

Mas madali kaseng maghanap dito sa library ng mga books kumpara sa mag reresearch ka through internet. Sa books sure pa ang mga sagot na makikita mo.

After a couple of minutes ay nakita ko na ang librong sinasabi ng proff namin kaya ngingiti ngiti akong bumalik sa pwesto ko. Wala pa si Tj, baka hindi pa tapos ang klase nila ni Jia.

Tj is so understanding person, kahit noon pa naman but mas dumoble pa ngayon na magkasintahan na kami. Walang nagbago sa kanya mula ng maging kami. Iisa lang. Ang pagiging maharot nito minsan. Bigla bigla nalang sya minsan manghahalik o di kaya naman ay manyayakap kahit na nasa public places kami.

Wala naman akong kontra doon kaso nakakahiya sa mga nakakakita sa amin. Baka isipin napakalandi namin.

"Hi love kanina ka pa? Sorry ng over time si sir panot ehh" bungad ni tj sa akin sabay halik sa pisngi ko. Buti nalang at hindi matao sa pwesto namin.

Napatingin naman ko sa kanya na may pagtatanong dahil sa tinawag nito sa isang proff

"What?" Natatawang tanong pa nya

"What's sir panot?"

"Yung isang proff sa major subject namin ni Jia. Nakaka stress sya ehh. Late papasok tapos mag oover time naman. Dinahilan nya pa na late syang pumasok. "

"That's why you call him panot?"

"Shhhh hahaha bak may makarinig sayo. Kami lang ni Jia ang tumatawag sa kanya non. Yung ibang classmate kase namin mga plastic ehh"

"Sira ulo talaga kayo ni Jia kahit kailan. Bagay nga kayong maging mag best friend na dalawa dinamay nyo pa mga kaklase nyo, nakakaloka kayo." Umiiling na saad ko

"Deserve nila yon no. Kung alam mo lang kung paano maasar yung ibang Classmate namin kay Jia dahil running for cum laude diba? At hindi lang basta basta cum laude. Pati nga sa akin din ehh. Kaso tinatawanan lang namin kaya lalong nag iinit ang mga bwiset. Kung anu ano sinasabi sa proff kapag naman nag on the spot quiz walang maisagot " kwento pa nya. Ramdam ko yung pagka bwiset nya

"Bwisit na bwisit ka ahhh. Look at your eyebrows nagsasalubong na. Ang ganda ganda pa naman ng kilay mo ohh." Awat ko sa kanya habang hinihimas pahiwalay sa isa't isa ang mga kilay nya. Pagkatapos non ay mabilis ko syang hinalikan sa kanyang mga labi. Smack lang yun baka kase may makakita sa amin lalo na library ito.

"Nakaka inis lang kaseng isipin na umabot kami sa ganitong taon halos apat na taon na kaming magkakasama lahat pero hindi pa rin nila tanggap na kami ang nangunguna sa kanila. Hindi naman sa pagmamayabang diba? Inis na inis sila kay Jia kase hindi nila tanggap na mas bata sa kanila ng makakakuha ng higher rank." Dugtong pa nya.

Oo nga pala. Kaya halos kasabayan lang namin silang gumraduate dahil maagang inenroll ni tira Jhoan si Jia noon grade one siya. Naikwento na ni tita sa amin ang tungkol dito. Even Tj din kase ang kaibahan lang ay hindi nakapag pa enroll si Tj ng Kindergarten kaya nag try silang mag enroll sa grade one agad.

Pero lalo akong napabilib sa husay sa pag aaral si Jia. Halatang tutok na tutok ito sa pag aaral nula pagkabata. Dahil kung dadalaw ka lang sa kanila? dinaig pa ng tatlong estudyante na may maraming award ang nakasabit sa dingding ng bahay nila. Kahit sinong parents ay magiging proud sa achievements na naaabot ng kanilang anak.

Sari sari din ang trophy ni Jia about sa mga quiz bee at journalism competition. Kaya hindi nga rin talaga deserve ni Jia ang ma bully ng ibang estudyante dahil paniguradong lumaban si Jia ng patas sa mga kaklase nya.

Be My LastWhere stories live. Discover now