25

725 27 15
                                    

ARA'S POV

On their graduation ay sumabay ako kina Star at Shen na pumunta ng University. Ni tawagan ay hindi man lang ako tinawagan na Tj para mag explain.

Pero kase hindi ako natatakot sa ano mang mangyari sa relasyon namin ehh. Ewan ko ba. Hindi ko maipaliwanag. Oo naiinis ako. Kasi ba naman hindi nya ko kinausap. Hindi nya nilinaw sa akin kung ano bang nangyayari sa kanila. Or kung si Jia na ba talaga. Hindi rin naman sya nakipag break.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng girls. Na kwento ko naman sa kanila about sa nangyari. At maski sila ay hindi naniniwala na si Tj at Jia ay may something. Saksi pa nga daw kami sa pagtatapat ng Cley at Jia sa Isa't isa. Tapos bukod kay Jazz ako pa lang naman ang niligawan at ineffortan ni Tj ng ganito.

Naupo kami katabi ng mga parents ng apat na ggraduate. Nakita ko si Tj at ramdam ko yung lungkot sa mukha nya.

Lahat ay muling nagpalakpakan ng matapos na ang Speech ni Jia. Ang nasa program list ay mauuna dapat si Jia na magbibigay ng last speech pero kanina lang iniannounce na mauuna pala si Cley. Alam ba nya? Siguro kase prepared sya ehh.

Buong akala ko ay tapos na sya pero nagulat kaming lahat ng muli syang magsalita at pinapaakyat si Cley sa stage. Si Cley ay gulat din dahil sa pagtawag ni Jia dito.

Doon ko lang din nalaman ang lahat lahat. Kung bakit nawala silang dalawa ng halos isang linggo. Kung bakit pati si Tj ay nasangkot sa kalokohan ni Jia. Kung bakit hindi nilinaw ni Tj ang sinasabing paghalik 'daw' ni tj kay Jia. Lahat pala ng yon ay gawa gawa lang. Lahat pala yon ay plano ni Jia at para hindi sila mabuking ay kinuntyaba nya si Tj para mapapaniwala kaming lahat na busy sila.

Na guilty ako dahil sa ginawa ko din kay Tj. Hindi ko sya hinintay na magpaliwanag. Sira ulo kaseng Cley ehh. Bakit nga ba ako nagpadalos dalos.

Muling hinanap ng mata ko si Tj na ngayon ay abala sa pagpapalipad ng drone. May nakakabit din sa tenga nito na earpods. Sa tuwing babanggitin din ni Jia ang pangalan ni Tj ay napapagawi din ang tingin ko sa kanya. I saw kung gaano ka supportive si Tj sa kaibigan nya.

Nagpalakpakan ang mga tao ng magsimulang magsilaglagan ang mga petals at small balloons na nagmumula sa bubong ng gymnasium. Ito marahil ang hinudyat ni Tj nang may kapain sya sa tenga nya at bumulong.

"I'm sorry love" naibulong ko nalang.

Pagkatapos naman ng graduation ay nagkagulo na ang lahat. Lalapitan ko sana si Tj pero hindi na sya mahagilap ng mga mata ko.

"Aalis ka na?" Tanong ni Yves

"Puntahan ko lang si Tj"

"Oo nga kailangan nyong mag usap para magkaintindihan. Sige na ako na bahala magsabi sa kanila."

"Salamat" yun lang at pagkatapos kong bumeso sa kanya ay iniwan ko na sya.

Sa may exit nakita ko naman si Tito. Abala ito sa kanyang Cellphone

"Ahmm tito excuse po"

"Oh hija what is it?"

"Si Tj po?"

"Hindi ba kayo nagkausap?"

"Hindi pa nga po ehh kaya nga po hinahanap ko sya ngayon para magkausap po kaming dalawa."

"Heto nga ka tetext nya lang sa akin. Mauna na daw ako umuwi dahil may pupuntahan pa sya. Ang sabi nya pa. Idadaan nya lang daw saglit sa office yung toga then aalis na sya"

"Wait po tito ahh? Baka po maabutan ko pa po sya"

"A-ahh sige Hija mag iingat ka ahh?"

"Yes po tito thankyou po." Gaya kay Yves ganoon kabilis ko ding iniwan si Tito. Baka kase maabutan ko man lang sya. Pero bigo pa rin ako. Hindi ko pa rin sya naabutan.

Be My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon