5

853 29 0
                                    

JAN'S POV

"Ang kalat mo talagang kumain kahit kailan" sabi ni ate Ara. Bago pa ko tuluyang maka iwas ay lumapat na ang daliri nya sa gilid ng labi ko.

Ang puso ko nagwaldas waldas nanaman. Grabeng nararamdaman ko dahil sa ginagawa ni Ate Ara sa akin.

Hindi pwede to. Hindi pwede magkagusto ako sa kanya. Shocksss naman heart bakit sa kanya ka pa tumibok.

Ganitong ganito yung naramdaman ko noon kay Jazz. Hindi alam ng mga kaibigan ko kung anong tunay na ako. Matagal ko ng alam sa sarili ko na I'm not into guys kahit noon pa.

Unang umagaw sa atensyon ko ay si Jazz na naging kaibigan ko sa US noon. Silang dalawa ni Jao ang lagi kong kasa kasama. Magkapatid sina Jazz at Jao. Sa tuwing kasama ko si Jazz ay napakasaya ko. Wala akong iniisip na kahit ano. Umamin ako sa kanya then she accepted but hindi ako gumawa ng move para manligaw

Hanggang sa isang araw si Jao naman ang umamin sa akin. Gulong gulo ang isip ko that time. I love Jazz pero ayaw ko naman na masaktan si Jao kaya mahirap man para sa akin ay ako na lang ang lumayo sa kanilang dalawa. Isa pa yung dating closeness nila sa isa't isa unti unti na ring nawawala. Lagi na silang nagbabangayan at ayaw ko naman na tuluyan silang maging hindi okay ng dahil lang sa akin. Kaya ako nalang ang umiwas.

Ganoon ang nararamdaman ko para kay ate Ara ngayon. Ayaw ko syang mawala sa tabi ko. Napakasaya ng puso ko sa tuwing sa akin sya mag aasked ng help sa tuwing ako ang lalapitan nya para magpasama kahit na nandyan naman sina Glen at Cley.

This time I don't want to lose her. Tama nang nawala ng tuluyan si Jazz even Jao sa buhay ko. After years kase nabalitaan ko na nagkaayos naman silang magkapatid kaso ang worst na nangyari sa kanila ehh nag crashed yung eroplanong sinasakyan nila pabalik sana dito sa Pilipinas.

Kaya ngayon natatakot ako. Natatakot akong umamin kay ate Ara. Baka kase itaboy nya lang ako kapag nalaman nya. Natatakot akong marinig mula sa kanya na itinuturing nya lang ako bilang nakababatang kapatid. Tulad ng inaaka ko lang noon na nararamdaman ko sa kanya.

Pero sa paglipas ng mga araw. Nag iiba ang pananaw ko para sa kanya. Yung dating akala ko na love ko sa kanya bilang ate nagiging literal na pagmamahal.

Isang pitik sa harap ko ang nagpabalik sa akin sa huwestyon

"Huy, natulala ka na dyan"

"Sorry may naalala lang ako"

"Ano nanamang kalokohan yan ah Jan Tracy Lim"

Ang hilig nya talagang binubuo pangalan ko. Nakakatanggal ng angas ehh

"Hindi naman kalokohan yon."

Ayoko naman sabihin sa kanya ang tungkol kina Jazz. Hanggat maaari ay ayaw ko na malaman pa nya iyon dahil baka hindi ko kayanin.

"Siguraduhin mo lang ahh"

"Oo naman no. Ikaw nga dyan kanina mo pa ko inaasar" naka pout pang sabi ko

Simula kase pag alis namin ng restaurant kanina ay hindi na nya ko tinantanan sa pang aasar nya. Ulit ulit sya sa balut.

Nandidiri talaga ako kahit na binabanggit lang ang salitang Balut. Ewan ko ba. Lalo na kay Star na talagang inaagaw pa ang sisiw na kinakain ni Jia dahil hindi rin kumakain si Jia ng sisiw. Tanging yung ibang part lang ang kinakain nya. Pero si Star jusmaryosep hindi ko ma explain.

Tapos ulit ulit pa itong si ate Ara kaya lalo akong nandidiri. Iisipin siguro ng iba na ng arte arte ko. Pero ikaw ba naman. Kakainin mo yung alam mong itlog lang tapos makikita mo sa loob medyo nagfform na sya into sisiw. Eww talaga

Be My LastWhere stories live. Discover now