28

726 31 3
                                    

JAN'S POV

Our whole day was so nice. After we take a bath. We decided to eat the sandwich. Pagkatapos naman ay natulog kaming muli ng magkatabi.

Talagang nagbawi kami ng tulog. Minsan lang din mangyari ito kaya kailangan sulitin ang bawat oras.

Tanghali na ng magising ako dahil sa katok ni yaya sa pinto. Mahaba haba din ang itinulog namin. Bago ko pa tuluyang gisingin si Ara ay pinagsawa ko muna ang aking sarili sa maganda nyang mukha.

Sa loob ng tatlong taon, wala pa ring nagbago sa kanya. Nadagdagan man ng edad pero nananatili paring maganda.

Hinintuan na rin nya ang pagsali nya sa mga pageant kase ayaw nya daw na nagseselos ako at laging nakabusangot sa tuwing aakyat nya ng stage. Sino ba namang hindi diba? Lagi kong saksi kung paano pagnasaan ng mga kalalakihan ang girlfriend ko. Maski ng nga babae ay nababading sa ganda nya ehh.

"Love?" Tawag ko "gising na po. Tanghali na kain na po tayo"

Umungol lang ito ngunit hindi nagdilat ng mata

"Love? Gising na po. Or gusto mong halikan kita dyan?" Isang kapilyahan nanaman ang pumasok sa utak ko. Hindi pa rin sya sumagot kay naman dali ko syang hinalikan sa kanyang mga labi.

Wala akong nakuhang response sa kanya kaya mas lalo kong diniinan ang paghalik ko sa kanya. Kinagat ko pa ng bahagya ang ibabang labi nya at doon ko palang sya narinig na umungol.

Nang maramdaman ko na syang gumaganti sa mga halik ko ay napangiti naman ako.

"Bakit kaba nnghahalik basta basta?" Reklamo nya pagkatapos naming pagsaluhan ang halik na iyon.

"Ayaw mo magising love ehh. Labi ko lang pala makakapagpagising sayo"

"Kinagat mo kaya labi ko kaya ako nagising" tila batang sumbong pa nya

"Atleast you responded" biro ko pa habang tumataas baba ang dalawa kong kilay

"Heh! Tyansing ka talaga kahit kailan "

"Titigan lang kita love okay na ko. Mas mukha ka pa ngang pagod sa akin ehh. Ang lalim ng tulog mo. Ayaw naman sana kitang gisingin  pero nakaluto na sina yaya ng tanghalian ehh. Masama pinaghihintay ang pagkain"

"Sus!" Ani nya tyaka nya pinisil ang ilong ko

"Aray ko naman love" reklamo ko dahil medyo napadiin ang pagpisil nya sa ilong ko pero tinawanan nya lang ako

"Ka echosan mo kase umaandar nanaman ehh. Alam ko namang gutom ka lang kaya mo sinasabi yan. Tinapay lang yung kinain natin kanina"

Medyo tama naman sya sa part na yon haha. Paggising ko kase bigla naman akong tinraydor ng tyan ko. Actually pagsabi palang ni Yaya na ready na yun food ay kumalam na agad ang sikmura ko haha

"Haha kaya nga po tara na. Baka magalit na ng tuluyan ang mga bulate ko sa tyan"

"Hahaha, bwisit ka. Tara na nga" sabi nya tyaka na tumayo sa higaan.


AFTER lunch ay napagkakasunduan naming dalawa na maglilibot nalang sana sa Mall. Buying new stuffs ganon. Pero biglang may tumawag kay Ara. Staff nya sa shop.

Sabi darating daw si Yves para magdeliver ng cakes. Sakto kahit papaano ay makakamusta ko sya. Matagal na rin ng last kaming magkita ehh.

3:30pm pa naman ang sabi ng secretary ni Ara, but we decided to go there earlier para ma check kung anong kulang sa shop. Kung anong pwede nang alisin ganon.

Si Ara kase mismo ang gumagawa ng bagay na yon. Gusto nya laging malinis at maaliwalas ang loob ng shop nya. Lahat ng gamit naka tingkop sa storage room, lahat ng kasangkapan dapat malinis at maayos sa paningin ng mga customer.

Be My LastHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin