12

761 32 4
                                    

ARA'S POV

Napakalambot ng labi ni Tj. Hindi ko inaasahan na hahalikan nya ko agad agad. Sa sobrang pagkabigla ko ay hindi ko agad natugunan. Gusto ko mang mag protesta at pigilan ay hindi ko magawa. Dahil nahihipnotismo ako sa bawat galaw nya

Hindi ko itatanggi na nagugustuhan ko ang bawat halik na ibinibigay nya kaya ginantihan ko na ito ng same fire.

It was my First kiss. My first was taken by my first love

Marami namang nagtangkang manligaw sa akin. Lalo na sa mga kalalakihan pero ewan ko ba. Hindi ko mahanap sa kanila yung pagiging partner material na hinahanap ko.

And then this girl who kissing me right now came to my life 3 years ago. Napalapit ako ng husto sa kanya. At aaminin kong naging masaya ako kasama sya.

I thought nung first ay simpleng pagiging magkaibigan lang ang nararamdaman kong saya kapag kasama ko sya. Pero may iba ehh. Hindi ko maipaliwanag kung ano yon.

Nahahawa ako sa smile nya. Kinikilig ako kapag nagiging clingy na sya sa akin ganon. Basta kay Tj ko nahanap lahat ng hindi ko nahanap sa isang guy.

After that kiss ay nagtitigan pa kami ng matagal na para bang hindi maalis sa akin ang mga mata nya.

"I love you" ani nya

"Thank you" sagot ko naman. Ayaw ko naman na sabihin ang katagang yon agad agad. "Masasabi ko rin yang word na yan soon. Just wait okay?"

"Of course at araw araw kong ipapadama sayo kung gaano kita kamahal"

I smiled at her. Ngayon palang ay greatful na ko dahil meron akong sya.

"Anong balak natin ngayon? Sasabihin ba natin sa kanila?"

"Hindi po"

"Ehhh? Itatago naten?"

"Hindi rin"

"Anong gagawin mo?"

"Hahayaan lang natin na mapansin nila. Ganun pa rin naman tayo in front of them ehh. But sa harap nila tatawagin pa rin kitang ate para hindi nila agad malaman, kapag tayong dalawa nalang I call you baby"

Ramdam kong nag iinit ang aking mukha dahil sa sinabi nya.

"Kalokohan mo talaga ano?"

"Why?? Ayaw mo?"

"Wala akong sinabe. Tara na nga baka hinahanap na tayo sa taas. Alam mo naman yung mga yon ang lakas ng trip sa buhay." Pag iiba ko nalang ng usapan

Ngumiti naman sya at inakay na ko pa akyat.


Time skip

Weeks after

JAN'S POV

Ilang linggo na rin ang nakalipas mula ng magka aminan kami ni Ara sa isa't isa. Wow name based na. Ganoon pa rin naman kaming dalawa kasama man namin ang barkada or hindi. Wala silang napapansin sa amin dahil casual lang din kame ni Ara sa isa't isa sa harap nila.

Hindi Naman din namin tinatago yung sa amin. Sadyang umiiwas lang ako sa tukso ng mga kaibigan namen.

Gusto ko rin gumawa ng way ng ako lang. Spending more time with her and treat her like my queen.

Kasalukuyan ko syang hinihintay ngayon sa parking lot. May naiwan kase syang gamit sa locker sasamahan ko sana sya kaso tumanggi sya dahil hindi naman daw sya magtatagal sa loob.

Nauna nang umuwi ang iba at kami nalang talaga ang naiwan. Nakasandal ako sa labas ng kotse ko habang hinihintay ko sya.

Nang matanawan ko na sya ay agad gumuhit ang ngiti sa aking labi. Ang ganda nya talaga. Para syang isang anghel na bumaba mula sa langit. And I don't want to waste every moment that we have, kaya pasimple kong iniangat ang phone ko sa gawi nya at kinuhanan sya ng ilang litrato. Maski phone ko ay nahiya dahil bawat anggulo na nakuha ko ay nagmistula lang syang isang modelo na nag ppost ng kung anu ano.

Be My LastUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum