34

762 32 12
                                    

ARA'S POV

A moment later. Biglang tumawag si Yves sa akin, magmamadaling araw na at kasalukuyan ko pa ring hinahanap kung nasaan si Tj. Wala akong maisip na tawagan, baka kung ano na ang nangyari sa kanya sa daan. Naka ilang ulit na rin kong tumatawag kay tito at same pa rin ang sagot nya.

"Hello Ves, napatawag ka?" Panimula ko

"Thank god gising ka pa" sagot naman nya

"May hinahanap pa kasi ako ehh" hindi ko sinabi sa kanya ang tunay na dahilan. Baka kase ano pang mangyari.

"Si Jaja right?"

"Paano mo nalaman?"

"Nandito sya ngayon sa Condo ni Glen. Tinawagan nya ko kanina, buti umabot pa dito ng matino pa ang utak. Lasing na tapos dito na tuluyang nag breakdown"

"Sorry" yun lang ang tangi kong nasabi. Alam kong alam na nila ang tungkol sa mga naganap sa amin ni Tj.

Kasalanan ko naman ehh at tatanggapin ko naman yon. At handa rin akong tanggapin ang galit ng mga kaibigan nya. Pero sana ay hintayin muna nya akong magpaliwanag man lang kahit papaano.

"Huwag ka sa akin mag sorry ate. Makakapunta ka ba dito ngayon?"

"Is she's awake? Wala dito yung kotse ko ehh pero sige mag ggrab nalang ako para kay Tj"

"Nope, bagsak na. Napagod kakaiyak napunasan na rin namin sya. Now gusto naman namin marinig yung side mo ate. Para maintindihan namin yung nangyayari sa inyo."

"Sige papunta na ko after mag end ng Call nag papabook na ko ng grab"

"No need na ate, Glen gonna pick you up delikado daw kung mag ggrab ka pa ng ganitong oras"

"Salamat sa inyo ahh. Salamat sa pag aalaga kay Tj."

"Friends namin kayo, kaya bago kami gumawa ng way kailangan muna namin mapakinggan both side. Sige na ate naka alis na si Glen dito."

"Sige sige hintayin ko nalang sya sa lobby"

Hindi na ko nag aksaya pa ng oras. Kinuha ko lang ang bag ko at ang susi ng Condo ko tyaka na ko bumaba para hintayin si Glen sa lobby ng Building namin.

Ngayon lang nangyari sa amin to. Kung noon nagkakatampuhan man kame pero sya ang gumagawa ng way para mag kaayos kaming dalawa, sya lagi ang may effort para bumalik kami sa dati.

But now? Na sya naman ang nagtampo at hindi lang basta tampo yon. Alam kong masama na ang loob nya sa akin.

Pagkakita ko kay Glen ay agad na akong sumakay sa sasakyan nya.

Ngumiti ako sa kanya pero hindi tulad ng dati na masigla.

"Are you alright?" Tanong nya habang nasa byahe kame

"Gusto ko mang sabihing oo pero hindi ehh. Nasaktan ko sya"

"Mamaya mo nalang ilabas lahat ng yan. Alam ko namang may dahilan ka. Hindi sa nauna kitang naging kaibigan kaya ko sinasabi to sayo. Pero nakita ko rin kase kung paano mag breakdown si Jan kanina ehh. Ngayon lang namin sya nakitang nagkaganon. Alam kong tunay yung pagmamahal nya para sayo sana lang ay ganon ka rin sa kanya"

Sa sinabing yon ni Glen ay muling bumuhos ang luha sa aking mga mata. Wala akong makapang galit sa kanya pero wala rin akong makitang ngiti sa mga labi nya.

Sa loob ng Condo ni Glen ay nadatnan ko si Tj na nakahiga sa Sofa. Mahimbing na syang natutulog samantalang si Yves ay nasa single sofa at pinagmamasdan ang kaibigan.

Be My LastWhere stories live. Discover now