30

684 24 6
                                    

JAN'S POV

Pagpasok palang sa pinto nina Shen at Star ay nagtatakbo na silang dalawa na parang mga batang muling nakita ng mga mahal na buhay.

Hindi nila alintana na naka heels silang dalawa

"Hayoooo!!," Bungad ni Shen at naunang yumakap kay Yves na nasa malapit sa kanila.

"Na miss ko kayo" sunod naman ni Star kay Shen, ganon din ang ginawa nya isa isa sa amin "last meet up ata naten nung pang board exam result ehh"

"Paano naman kaya kami nina Mare at Jiji. Halos magkatabi lang kumpanya namen pero hindi kami makapag hangout. Ni hindi rin kami nagkikitang tatlo ehh"

"Oo nga, kundi busy talaga ay nako araw araw kaming tambay sa company nila. Kaso magkalaban din kase kumpanya namin ehh."

"Oo at mainit ang mata sa akin ng mga ka trabaho ko. Tyak na hahanapan nila ko ng butas para siraan."

"Bakit hindi ka nalang lumipat ng kumpanya?"

"Malapit na mare haha"

"Saan mo naman balak lumipat? Doon nalang sa amin" tanong at suggest naman ni Jia

"Doon talaga hahahah. Kinausap na ko ng isa sa mga head doon. Nag ooffer ng mas mataas na sahod. Noong una ayaw ko pa. Goods naman na ko sa sahod ko. Pero yung mga ka trabaho ko nakaka stress na hahaha kaya kinausap ko na yung head namin. Noong una ayaw pa pumayag pero kalaunan napapayag ko na din sya. And guess what? Siya pa nagsabi na sa company nalang nina Cley ako mag trabaho. Parang ABS CBN lang at GMA"

"Bakit naman pati dalawang sikat na network nadamay?" Tanong ko

"Kase kung titignan ng maayos. Wala namang problema sa dalawang network na yan. Off cam close yung mga artist. May collaboration pa ngang nagaganap ehh. Ang toxic lang talaga yung mga fans."

"Sabagay may point ka naman doon. Healthy competition lang naman ang nagaganap sa company namin. Sadyang bini- big deal lang talaga ng mga trabahador." Dugtong naman ni Cley sa kwento ni Glen.

"Hanggang dito ba naman business pa rin ang pinag uusapan? Nagsasawa na ko sa totoo man." Sabat ni Shen na ikinatawa naming lahat.

"So anong balak ngayong magdamag? Bahala na si batman bukas kung puyat sa trabaho hahaha minsan na lang tayo ma kumpleto" segunda naman ni Star.

"What if overnight nalang sa bahay tulad ng dati?" Suggest ko

"Ay bet! Namiss ko din gawin yon. Yung tambay sa iba't ibang bahay?" Sang ayon ni Jia sa akin

"Bakit kase hindi nalang natin I set na kahit once a month lang eh magkasama sama tayo?" Tanong naman ni Glen

"Pwede pero depende" kontra naman ni love

"Bakit naman?" -Glen

"Kase hindi naman sabay sabay ang day off nyong lahat. Kung ako lang free ako anytime kase ako naman may ari nitong Shop. Eh kayo? May iba't ibang office hours kayong sinusunod. At paniguradong busy kayong lahat. Isa pa yung araw na yon ipahinga nyo nalang sa inyo"

Iba din talaga mag isip si Ara. Mas iisipin nya pang mag pahinga nalang kaysa sa igala pa namin. Oo nga naman maraming araw at buwan pa ang pagsasamahan namin sa mga susunod na taon. Kapag may kanya kanya na kaming pamilya. Pero ngayon na hindi pa namin hawak ang mga oras namin mahirap isingit ang gala sa trabaho.

Kumbaga wala pa kami sa pinaka tuktok. Nagsisimula palang kaming matuto sa mga hamon ng buhay. Kung noon na ang hinihintay lang namin ay ang araw ng graduation tapos ay tapos na. Ngayon hindi na, ibang iba na sa kinagisnan naming buhay. Mas naraming dumagdag na responsibilidad sa bawat isa sa amin.

Be My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon