Special Chapter 36 - Proposal Ver. 2.0

880 29 7
                                    

JAN'S POV

Week after na magkaayos kami ni Ara ay ako naman ang nagplano para mag propose din sa kanya.

Hindi pwedeng sya lang dapat ako din. Halos isang Buwan ko ring pinlano ito sa tulong naman ni Yves at Glen na silang unang naka alam ang tungkol sa amin ni Ara.

Hindi kase kami umalis ng Condo ni Glen that day. Hinintay namin silang maka uwi at ibinalita ang tungkol sa naganap na proposal.

Masaya silang pareho dahil nagkaayos kami at hindi napunta sa hiwalayan ang relasyon naming dalawa. Laking pasasalamat ko din sa kanila dahil kahit papaano ay nahimasmasan kaming lahat.

I'm so grateful na may kaibigan kami na gaya nila. Na handang makinig sa side ng bawat isa. Walang kampihang nagaganap at pilit na pinag aayos kung may mangyari mang hindi maganda.

And I hope na silang dalawa din ay endgame na. Alam ko naman na Hindi din nila pababayaang mawalay sa isa't isa. Lalo na na napaka haba din ng pasensya ni Glen para kay Yves.

Muli kaming makukumpletong walo dahil sa gagawin ko. Gusto ko kase na saksi kaming lahat sa achievements namin. Talagang nag leave pa ang iba para suportahan din ako sa gagawin ko. At gagawin ko iyon dito sa bahay with our parents also.

Nandito rin ang parents ko. Sina mommy, ate at kuya ay umuwi din ng Pinas. Even ang parents din ng ibang kaibigan namin ay nandito like sina tita Arvy, Tita Jhoan at Tito Christian, parents ni Yves at sina Amma at Ampa.

Ang alam kase ni Ara ay Celebration ito ng Birthday ni Dad. Kaya may salo salo dito sa bahay. Which is totoo naman. Pero ang hindi nya alam ay katapos ng kasiyahan ay doon ko naman sya tatanungin ulit.

Umaga palang ay nagtulong tulong na kaming pito para sa lettering ng "Will  you merry me too?" Itatakip namin iyon sa unang design ng Stage which is the "Happy birthday Daddy" tapos ay malalaglag yun kapag nagsalita nako about sa confession ko.

Wala akong alam sa ganito. Hindi ako nagplano nito kundi si Jia. Sya nag suggest na para hindi daw halata na may surprise para kay Ara ay patungan nalang ng isa pang design. Kase kung sa ibang parte daw ng bahay ay baka makita ito ni Ara.

Baka daw maisipan nito na mamasyal palibot ng bahay namin. Hindi rin ppwede sa kwarto ko dahil minsan ay pumapasok sya doon para mag ayos ng sarili. Kaya ito nalang ang naisip nya.

Alam nya ay hindi ako pumasok sa trabaho dahil tutulong ako dito sa bahay. Pero ang hindi nya alam ay sya lang ang wala dito. Ang alam nya ay mamayang gabi pa kami magkikita kitang walo.

"Still nervous?" Tanong ni Cley habang nag peprepare kami ng Breakfast para sa lahat.

"A little."

"Fiance mo naman na sya kaya alam mo na din ang isasagot nya."

"Oo nga pero hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan."

"Kaya mo yan ikaw pa ba? Nag effort ka na ng maraming beses ka kaibigan ko kaya alam kong this time ay maning mani na lang ito sayo."

"Ikaw kailan mo balak mag propose?" Tanong ko

"Darating din tayo dyan, pero pinaghahandaan ko na." Sagot naman nya na nagpangiti sa akin.

"Goods, wag mo nang pakawalan kaibigan ko"

"Sino namang nagsabing pakakawalan ko pa sya?"

"Sabi ko nga."

"Ang tagal nyo naman mahal" agaw naman ni Jia sa atensyon namin ni Cley

"Patapos na madam, masyado mo namang pinapahalata na miss mo na ko agad"

Be My LastWhere stories live. Discover now