19

713 25 0
                                    

Time skip...

JAN'S POV

Sa sobrang daming nangyayari nitong mga nakaraang araw about kay Cley at Jia ay sa aminan din pala sila mauuwi. Kasalukuyan kami ngayong nasa restaurant kung saan madalas na tumutugtog.

Nagulat pa ko ng bahagya ng pagdating namin dito ay naka set up ang stage. Tapos bale wala lang iyon kay Cley. Nauna kaming lima dito dahil si Yves ay tinulungan muna si Jia na umuwi. Ngayon nalang halos kami mabubuo muli dito sa restaurant kaya hindi pumayag si Yves na hindi ulit namin makakasama si Jia.

At dahil wala pa sila ako muna ng pumalit kay Jia bilang Pianist at si Cley ang kumakanta. Kaming tatlo lang din kasama si Glen na syang drummer.

But when the two girls entering the restaurant ay nagsimula na rin si Cley. She sang More than Before. Bawat lirikong lumalabas sa bibig nya ay lumilinaw sa akin lahat ng nangyayari. Cley is inlove with my bestfriend

The sincerity talagang makikita mo sa mukha nya. And when she finally confess? Doon ko lang nalaman lahat lahat. Maski si Shen ay kasama sa usapan.

Paanong hindi namin nalaman ang mga bagay na to? Ganoon na ba kami ka manhid para hindi man lang mapansin na may kakaiba na palang nangyayari sa kanilang tatlo? I think we need an explanation later after this. Hindi ako papayag na hindi namin malalaman lahat pati ang pagdamay sa pangalan ni Yves.

Sabagay sino ba namang hindi mahuhulog sa bestfriend hindi ba? Ganoon din naman ako kay Ara ehh. Sinulyapan ko naman si Ara sa pwesto nila. Mataman din syang nakikinig sa pagtatapat ng dalawa para sa isa't isa.

I proudly say na Cley can do all of this just because of her love once. Ganito kalaki ang pagmamahal nya para sa kaibigan ko. Handa syang humarap sa maraming tao at ilabas ang lahat ng nararamdaman nya para kay Jia.

ARA'S POV

We are all shock when Jia and Cley confess to each other. Kaya pala ilap si Jia nitong mga nakaraan dahil umamin si Shen kay Cley at ayaw ni Jia na magselos si Shen sa closeness nilang dalawa.

Alam kong mahirap para kay Jia ito pero tiniis nya lahat. Mabuti nalang at merong Yves na gumabay at umantabay sa kanya ng mga panahong down na down sya.

We're here currently in my Condo dahil ito ang pinakamalaking place at malapit. Nalaman namin lahat ang tungkol sa kung anong buong naganap sa kanila nitong mga nakaraan.

At humanga ako sa ipinakitang katatagan ni Shen para palayain si Cley. Kilala ko si Cley, pinaka ayaw nya is rejection kaya alam naging mahirap din para sa kanya ang tanggihan si Shen noon at ngayon ay heto sya facing her fear to hurt, not totally hurting someone but to say na kahit anong gawin nya si Jia talaga ang tinitibok ng puso nya.

"Kamusta ka naman ngayon Shen?" I asked her. Gusto kong malaman kung anong nararamdaman nya ngayon. Besides sya pa rin ang pinaka bunso sa amin.

"Goods ako ate Ara kasama ang sakit kapag nagmahal ka. And deserve nila pareho ang maging masaya parang ako pa nga ang naging way para magkaaminan sila sa Isa't isa eh. Siguro ngayon ibabaling ko nalang atensyon ko sa pagsasayaw." Hanga ako sa tatag ng batang ito. Siguro kase minsan na syang nawalan ng mahal sa buhay kaya ganito sya ngayon, patuloy na nagpapakatatag

"Aalis ka sa Club?" Tanong naman ni Glen

"No bebe, napaka bitter ko naman kung gagawin ko yon. Haha. Hindi rin ako iiwas sa inyo kung yun man ang iniisip nyo." Pinagmamasdan ko lang sya habang nag kkwento. Nandoon pa rin yung lungkot sa mga mata nya at pilit na iwinawaksi iyon para hindi maapektuhan ang iba.

"Ay talagang hindi ka namin papayagan kapag yan ang ginawa mo." Sabat ni Jia na nasa tabi ni Cley.

Bilang nakakatanda sa kanilang lahat masasabi ko na napaka solid ng samahan naming walo. Look at them. May nangyari mang hindi maganda sa pagitan nina Shen at Jia pero makikita mo parin sa kanila na nangingibabaw pa rin ang friendship na meron sila kaysa sa love na pinroblema nila pareho.

Be My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon