10

835 26 3
                                    

JAN'S POV

After nilang ayusin ang mga gamit nila sa may cabinet ko ay bumaba na muna kami para makipagkwentuhan kina mommy.

Dahil bihira lang din ako nauuwi dito kaya yung mga gamit ko halos nasa pinas na. Kaya nagkasya din ang mga gamit nila sa drawer ko.

Pagbaba namin nadatnan namin sina mom at dad na nagkkwentuhan. Babalik na din siya bukas ng Pinas dahil maraming kailangan na asikasuhin pa. Kaya sinusulit na nila na magkasama ngayong gabi.

"Sa may basement na po muna kami ahh" paalam ni ate Ara.

Pansin din siguro nila na need namin makapagbonding bago umalis si Daddy

"Sige, sunod nalang ako mamaya"

"No need na. Makipagbonding ka muna kina tito. Hindi naman siguro kami maiinip sa basement. Pito kami tapos mga hyper pa" sagot naman ni Yves na tinawanan ng iba.

"Sige mga anak may mga gamit naman din doon. May food and snacks din. Papa-play ko nalang kay yaya yung Tv para makapanood kayo". Sagot naman ni mommy

"Ayy bet tita buti nalang. I want horror " saad naman ni Glen

"No!" Mabilis na kontra naman ni Star

"Ay kayo nalang doon nalang ako sa room namin" segunda naman ni Jia na lalong ikinatawa lalong lalo na si Cley "sige Cley tawa lang Lagot ka sakin mamaya sa basement"

"Tito oh" sumbong naman ng isa

"Talaga ba Cley? Natatakot ka dyan kay Jia?" Singit ko naman sa usapan nila habang nakayakap kay mommy. Wala pa sina ate at kuya kaya masosolo ko si mommy. Wala din akong paki kung matanggalan ako ng angas sa mga oras na to dahil miss na miss ko na talaga si mommy.

"Hindi sya pa binatukan ko" sagot naman sa akin ni Cley

"Eh bakit ka nagsusumbong kay tito?" Tanong naman ni Jia na nakapamaywang pa

"Wala. Trip"

Sa sinabing iyon ni Cley na muling napuno ng halakhakan ang buong salas namin. Maski sina Mom at Dad ay nakikitawa na din sa kalokohan nila

Kaya hindi ko sila maipagpalit ehh.

"Sya sige na doon na po muna kami sa baba" paalam ulit ni ate Ara.

"Ang kukulit talaga ng mga kaibigan mo anak"

"Ayy opo mom sinabi mo pa"

" But I like them. Nakikita kong ang solid ng bond ninyong lahat sa isa't isa "

"At saksi ako doon mahal. At alam mo ba na isa sa kaibigan nitong si Bunso ay ang parents ay kaibigan din naten?"

Naguguluhan namang napatingin si Mommy kay daddy

"I wonder na si Jia yan. Tama hinala ko diba?"

"Oo mahal grabe. Naniwala lang ako ng minsang napagawi kami sa bahay nila para ipagpaalam ko sya."

"At alam mo po ba Mom na amazed na amazed sila dahil sa nangyari sa friendship namin ni Jia.?"

"Hindi sila makapaniwala sa mga nakikita nila. Ako din nung una."

"I guess tadhana na ang gumawa ng paraan para mag kita kayong dalawa"

"Sabi nga rin po ni ate Ara"

"Oh kayong dalawa ano ng balita sa inyo?"

"Happy po. Ate Ara is always here beside me. Kapag kailangan ko ng help lagi syang nangungunang lalapit para mag ask. Basta I'm happy na napabilang po ako sa grupo ng mga babaeng to. Lahat po ng magagandang katangian nasa kanila na po lahat kahit na minsan ay mga baliw at malalakas man trip"

Be My LastWhere stories live. Discover now