35 End

1K 32 2
                                    

JAN'S POV

The next day ay gumising ako na masakit ang ulo at wala ako sa kwarto ko. Doon ko lang naalala na nandito nga pala ako sa Condo ni Glen.

When I looked at my phone ay oras na din kaya mabilis akong napa upo. Nakakahiya sa kanila dahil alam kong may mga kailangan din silang gawin.

Pag tapak ko sa sahig ay comforter ang sumalubong sa akin. Don't tell me magdamag nila akong binantayan? Lasing na lasing na ko kagabi at hindi ko na alam kung anong nangyari sa akin after that. Ang alam ko lang ay masama ang loob ko.

Pero hindi ganoon kadali para isuko ko sya. Nasasabi ko lang kagabi na kung masaya sya sa iba ay ibibigay at palalayain ko sya ng kusa, dahil masama ang loob ko. Ngunit ngayon na nahimasmasan na ko tingin nyo gagawin ko yon? No way. Wala ni sino man ang makaka agaw sa akin kay Ara. She's too precious para pakawalan ko pa.

"Yves? Glen?" Tawag ko sa dalawa

Iniligpit ko muna yung nagkalat na gamit sa sala bago ako nagsimulang maghanap sa mga kaibigan ko.

"Shockss my Head" bahagya pa kong napapikit ng muli kong maramdaman ang sakit ng aking ulo. Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Glen ngunit walang sumasagot kaya nagpasya nalang akong pumunta ng kusina. Habang papalapit doon ay may naririnig akong kaluskos ng tubig at mga nagiingay na kasangkapan.

Ang tahimik naman nila? Hindi man lang sila nag uusap? Or baka hindi lang sila nag iingay para hindi ako magising?

"Glen? Yve.." naputol ang pagtawag ko sa kanilang dalawa ng bumungad sa akin ang isang taong hindi ko inaasahan na nandoon. "W-what are you doing here?" Takang tanong ko.

Nandoon pa rin yung tampo but when I see her here? Unti unting lumalambot ang puso ko. Talagang hinanap nya ko and now she's preparing a breakfast and I guess this is for me

"Goodmorningg" masiglang bati naman nya. "You want coffee para dyan sa hangover mo? Wait ipagtitimpla kita. Maupo ka na dyan at ng makakain ka. At para makainom ka na din gamot para sa sakit ng ulo"

Hindi ako sumagot pero sinunod ko yung mga sinabi nya. Naupo ako at hinintay sya. Syempre kailangan galit galit muna tayo para hindi masabi na marupok ako pagdating sa kanya which is totoo naman.

"Where are they?" Malamig na tanong ko

Bigla naman nagbago ng ekspresyon ng mukha nya, kung kanina ay naka ngiti sya napalitan iyon ng lungkot at ng pout. Pero ng sumahot nya ay pilit nya muling pinasigla ang kanyang boses. Putek ang cute nya.

"Ahh sila ba? Maaga silang umalis kase may pupuntahan sila about sa business ni Yves. Binigyan naman nila ko ng permiso para maglagalag dito sa kusina ni Glen." Sagot nya habang papalapit sa akin.

Paglapag ng kape ay agad na akong humigop non. Dahil na rin siguro sa owner si Ara ng isang coffee shop kaya nagiging paborito ko na yung timpla nya. Sakto lang sa panlasa ko.

Nag umpisa na kaming kumain. Ramdam kong balisa sya kase kanina pa sya hindi mapalagay sa kina uupuan nya. Tahimik lang kami hanggang sa sya n rin mismo ang bumasag niyon.

"Ammm, Tj can we talk?"

"You already talking" simpleng sagot ko kaya muli naman syang napasimangot

"Sorry, for what I did. Hindi ko naman sinasadya na makalimutan yung monthsarry naten ehh. Kung inaakal mo na pinagpapalit na kita. no! Hinding hindi mangyayari yon. Alam mo naman na mahal na mahal kita at hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag wala ka "

"Ano pala ang dahilan kung bakit mo nakalimutan?"

"Mikki is inviting me in a seminar. Ginawa nya yon para daw matuto ako kung paano tumingin ng mga magagandang coffee beans. He's just helping me kase na bubudol na ko ng una kong supplier. They always saying na fresh ang kanilang coffee beans pero ng tignan yun ni Mikki ay mga lumang products na ang sinusupply nila sa amin pero same lang ng price"

Be My LastDonde viven las historias. Descúbrelo ahora