24

626 26 1
                                    

JAN'S POV

Sabay kaming pumasok ng university today. Or which I say na simula ng araw na puntahan ko sya ay hindi na kami napaghiwalay pa. Sa condo na rin nya ko natulog.

Ngayon nga ay sabay kaming pumasok dahil rehearsal para da gaganaping graduation kinabukasan.

Habang tinatahak namin ang daan papuntang gymnasium ay natanawan naman namin si Cley. Halata sa mukha nito ang lungkot, medyo malalaki na rin ang eyebags nito at para pang namayat.

Talaga ba? Isang linggo pa lang iniiwasan ni Jia si Cley pero ganito na kalaki ang epekto nito kay Cley

Nang mapagawa ang tingin nya sa amin ay seryoso ito pero nginitian ko lang. Baka kase makahalata ito na may itinatago kami ni Jia, kaya dapat act normal lang.

"Hi Cley, ngayon ka lang?" Tanong ni Ara pagkalapit namin sa kanya

"Oo, at wala nga dapat akong balak na pumasok kung hindi lang ako hinahanap ng Proff namin" sarkastikong sagot naman nya.

"Why?"

"Wala ako sa mood"

halata namang wala sya sa mood pero bakit parang pati si Ara ay damay. The way she talked to ng girlfriend ay iba.

"Halata nga. Napano ka?" Muling tanong ni Ara

"Oo nga Cley bakit ganyang itchura mo para kang zombie" segunda ko kay love para kahit papaano sana ay ma light yung mood nya, pero inirapan nya lang ako na lalo kong ipinagtaka? May alam na ba sya about sa plano ni Jia?

"Bakit hindi mo tanungin sarili mo?"

"Huh?" Naguguluhang tanong ko

"Huwag ka nang magmaang maangan pa Jan, bakit hindi ka magpakatotoo?"

Ano bang sinasabi ng babaeng to? Bakit hindi nalang nya deretyahin? Kinakabahan na ko ahh. Ayokong magsalita baka mabulilyaso yung plano ni Jia para sa kanya.

"Wala akong alam sa sinasabi mo Cley, huwag mo 'kong idamay sa inis mo dahil wala akong ginagawang masama" sabi ko nalang habang pilit na binabale wala lahat ng sinasabi nya

"Talaga lang huh. Bakit hindi mo nalang aminin kung anong meron kayo ni Jia?"

Huh? Kami? ni Jia? May alam ba talaga sya? Pero bakit imbis na matuwa kung alam na nya. Bakit parang inis na inis pa sya? Kaya napakunot noo nalang ako dahil sa mga lumalabas sa bibig nya.

Pagsulyap ko sa tabi ko ay tila naguguluhan din sya sa mga nangyayari, dahil palipat lipat lang ang tingin nya sa aming dalawa ni Cley.

"Ano bang pinagsasasabi mo ha?"

"Wait" awat ni Ara "ano bang nangyayari. Bakit ang init ng dugo mo dito kay TJ, Cley?" Tanong pa nua

"Wala kang alam? Nakita ko lang naman sila nang nililigawan ko na malapit ng mag kiss. Ngayon ipaliwanag mo sa akin yung mga nakita ko!?" Halos pasigaw na saad nya.

Lalong nangunot ang noo ko sa mga narinig ko? Ako hahalikan ko si Jia? Hibang ba sya? Gusto kong matawa dahil sa iniisip ni Cley pero pinigilan ko ang sarili ko. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng napapagawai sa kinaroroonan namin dahil sa galit na boses ni Cley.

Tinignan naman ni Ara na tila naghihintay ng isasagot ko. Ayokong mapahamak si Jia. Pero ayaw ko naman din na kami naman ang mag away ni Ara ng dahil lang dito.

"Explain Jan Tracy Lim!" Seryoso na rin sya. Buo na ang pangalan ko ehh

"Wala akong dapat na iexplain love dahil wala lang yun"

Wala naman talaga yun, sadyang iba lang mag isip tong si Cley at pinangungunahan pa ng galit. Amoy na amoy ko ang alak sa sistema nya.

"Lang!? Wala lang yun!? Kung sayo wala lang yun sa amin meron tang*na mo" hindi mapigilang mura ni Ara "okay, then huwag mo muna akong kakausapin"

Be My LastWhere stories live. Discover now