31

608 19 6
                                    

ARA'S POV

Mabilis lumipas ang mga araw. Parang kailan lang ng nagkita kita kaming muli ng girls. Ang saya lang sa pakiramdam dahil kung ano kami noon ay ganoon pa rin kami hanggang ngayon.

Lahat pa rin umiiral ang pagiging makulit kapag magkakasama. And I'm also happy na nagkausap na rin sina Cley at Tj. Alam kase ng lahat na may ilangan pa rin sa pagitan nila. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin pero noon kase ay casual lang silang dalawa.

Pero simula ng samahan ni Cley si Tj sa pagkuha ng order namin sa labas ng bahay nina Tj ay nakangiti na silang pareho na bumalik sa amin.

Ang saya lang sa feeling na balik na sila sa dati. I'm also happy to see them happy.

I'm on my office when someone knock the door. Akala ko si Tj na yung kumakatok pero hindi pala. Ang bago ko palang supplier ng coffee beans

"Hey there beautiful" napangiti naman ako ng marinig ko ang sinabi nya.

"Hay nako Mikki pasok na. Lakas mambola ehhh. Gaya ng ginawa mo para lang makuha kita bilang bagong supplier ko"

"Oyy hindi kita binobola ahh that's what we called Marketing Strategy and also a sales talk"

"Oo na, oo na. Have a seat What brought you here?" Muling tanong ko

"Wala naman I just want to deliver my product by myself "

"Oh nice, nandyan na?"

"Yup, your manager assist my Staff"

"You want Coffee? Wait papahatid ako dito" agad naman syang ngumiti at prenteng naupo sa sofa.

Kamakailan lang ng magkita kame pero agad din kaming nag click sa isa't isa. Gaya ko ay isa din syang model noong college days nya. Sumasali din sa mga pageant at masasabi ko agad na isa syang pasyonista, base sa mga outfit na isinusuot nya. Para nga syang swag prince kung tawagin ng iba.

Madali kaming nagkasundo at nagkapalagayan ng loob. Kaya naging madali nalang din sa amin ang pag usapan ang about sa business.

Michael Claver Jr. Ang full name nya. Business Administration din ang kurso nya gaya ko pero sa ibang university sya nanggaling. 1 year ahead ako sa kanya. Matangkad na medyo payat na bumagay din naman sa kanya. At medyo may kahabaan ang buhok.

Unang tingin aakalain mong isa syang tambay sa kanto eh dahil sa buhok nya. Pero iba ang ipinapakita ng pananamit nya. Clean and proper.

May ari na sya ngayon ng isang farm na puro kape ang tanim. Kwento pa nya ehh adik din talaga sya sa kape noon palang kaya napagdesisyunan nya na bakit hindi nalang nya gawing business ang kinaaadikan nya.

First time nyang makapunta dito sa shop ko dahil ngayon araw palang din namin sisimulan ang napagkasunduan namin.

Pagdating ng pinasadya kong miryenda ay agad nya itong nilantakan

"Hmm, ang sarap ng Cake ahh."

"Thanks friend ko yung supplier ko ng cakes"

"Ahh. So hindi kayo ang gumagawa?"

"At first we try, I hired a pastry Chef but It didn't work. Hindi pumatok sa masa then I remember my Friend who graduated as Hotel and Restaurant Management but good in the kitchen stuffs. So I contacted her sabi nya try lang daw baka daw kase hindi rin pumatok. Then after a week lang nag bloom sya kaya mahirap man para sa kanya eh sya na ang nagsuply ng cake sa shop ko. Kinukuha ko na nga din sya dito para pati labor nya mabayaran ko kaso ayaw naman nya. Mas okay na daw na nasa bahay sya, busy din kase sya sa pinapatyong nyang Restaurant ehh" kwento ko.

Be My LastWhere stories live. Discover now