LSC 38 - Best Time

1K 24 3
                                    

2 years later...

JAN'S POV

Opo dalawang taon pa bago kami tuluyang ikasal ni Ara. Pabor naman kaming dalawa sa nangyari. We are just enjoying life together as a couple.

Gusto ko kase kapag ikinasal kame ay ayos na lahat. Sabay naming pinag ipunan ang pagpapatayo ng sariling tahanan. Doble kayod ko din para mabigyan ko rin sya ng isang magarbong kasal kahit na ang gusto nya ay isang simple lang.

Gaya din ng ginawa nila Cley at Jia noong kasal nila ay sa ibang bansa ko rin sya dinala. Ang kaibahan lang eh sa lugar namin sa State ko sya dinala dahil naririto ang ibang kakilala ko na magiging saksi din sa pag iisang dibdib namin ni Ara.

Kaya ngayon I'm here standing in front of the Church waiting for my love to come in. Grabeng kaba ang nararamdaman ko ngayong araw. Habang hinihintay ko sya ay hindi ako mapakali.

Si kuya Darius ang Best Man at si Ate Bea naman ang Made of honor.

Nang masilayan ko na si Ara sa dulo ng simbahan ay nagsimula na rin sina Cley at Jia sa pagkanta. Simula kase ng ikasal silang dalawa ay nagsimula na din silang magcover ng mga kanta at ini- uupload nila yon sa kanilang youtube Channel. Ang unang kinanta nila ay yung We and Us ni Moira at nag boom agad yun sa mga tao kaya naman nagtuloy tuloy iyon hanggang sa nakapagpatayo na rin sila ng sarili nilang recoding studio.

Ngayon ay kinakanta nila ang bagong kanta ng Sun Kissed lola na Pasilyo. Bawat pagbigkas nilang dalawa sa liriko ng kanta ay tagos na tagos talaga. At kung paano pa kantahin ng dalawa ang kanta ay ramdam mo talaga na inaawit nila iyon ng buong puso at pagmamahal kaya lalong naging dama ang kanta.

Bumalik sa ala ala ko ang lahat kaya hindi ko maiwasang hindi maluha. Pilit ko mang pigilan pero kusa iyong malalaglag mula sa mga mata ko.

Sinalubong ko silang dalawa ni tito para kunin sya dito at sabay na humarap sa altar.

Nagsimula ang seremonya na magkahawak ang mga kamay namin. Hindi ko yon binitawan hanggang sa palitan na namin ng Vows.

Humarap ako sa kanya at nagsimula na syang mag salita. Sya kase ang mauuna bago ako

"Hmmm love? Marami na tayong napagdaanan na dalawa. Nagsimula tayo bilang magkaibigan, mag ate pa nga ang turingan naten noon ehh haha. Pero hindi ko lubos maisip na mahuhulog ako sayo ng sobra. Naging masaya ako sa tuwing kasama kita kahit na wala pang kasiguraduhan kung ganoon din ba ang nararamdaman mo para sa akin. And when you finally confessed you're feelings to me? Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya non. Na same lang din pala tayo nang nararamdaman para sa isa't isa. Kaya nung nanligaw ka ay pinayagan kita agad. Sa paglipas din ng taon medyo marami na rin akong kasalanan sayo pero ilang beses mo rin akong inintindi. Remember? Nung nagalit ako sayo kase ang sabi ni Cley ay may something daw sa inyo ni Jia? Naturingan akong matalino pero hindi ko man lang naisip na Imposible palang mangyari yon kase saksi tayong lahat kung gaano kamahal ni Jia si Cley at ganoon ka rin sa akin. Tapos yung last ay nung kay Mikki boy na pinagselosan mo kase akala ko pinagpapalit naman kita sa isang lalaki. Sorry kase ako naging dahilan non. But now, sisiguraduhin ko sayo na babawi ako. Mamahalin kita sa buong buhay ko at sisikapin kong maging mabuting asawa para sayo. Pagsisilbihan kita sa abot ng aking makakaya. Just accepting my love to you"

Habang binabanggit nya iyon ay muli ding bumabalik sa alaala ko ang mga sinabi nya. Napapangiti ako but at the same time ay tumutulo ang luha sa aking mga pisngi. Ganoon ko sya kamahal. Handa akong gawin lahat para sa kanya. Para hindi kami maghiwalay

Ako naman ang nagbitaw ng mga pangako sa kanya.

"Ganoon kita kamahal, handa kong gawin lahat para hindi tayo masira. Thankyou. Thankyou for loving me, salamat kase binigyan mo ko ng pagkakataon para patunayan ko sayo ang sarili ko. Hindi man ikaw ang nauna dito sa puso ko. Pangako naman na ikaw at ikaw lang ang huling babaeng magpapatibok nito ng sobra. Ilang beses ko na ring nasabi sayo ang mga katagang Mahal kita pero wala ehh, nahulog din ako ng sobra sayo. Sa harap ng mga mahal natin sa buhay, sa mga kaibigan naten, sa mga panauhin, sa harap ng pari at sa harap ng Diyos. Nangangako ako na mamahalin din kita hanggang sa wakas ng aking buhay. Titiyakin kong mas hahabaan ko pa ang pasensya ko. Kung noon ako ang lagi mong sinasaway dahil nakikisali ako sa kalokohan nina Yves ngayon ay ako naman ang gagawa niyon sayo. I love you love."

Be My LastWhere stories live. Discover now