18

721 29 0
                                    

ARA'S POV

Ang kaninang seryosong mukha ni Tj ay napalitan ng galak at tuwa dahil sa sagot ko. Na shock sya nung una na tila ba hindi makapaniwala sa mga nalaman nya.

Mabilis pa sa mabilis ay niyakap nya ko agad and whisper to my ear

"Thankyou, thankyou for accepting me I love you so so much. I know it is hard but I promise you that you'll be my last. No other girls except you. Hindi mo alam kung paano mo ko napasaya ngayon araw. Kanina kase hindi ko alam kung magugustuhan mo ba tong inihanda ko."

"Ang cute nga ehh. And I appreciate your effort to do all this. Specially the infinity box. May time ka pa talagang gumawa ng ganito ahh, knowing na halos late na kung maghiwalay tayo gabi gabi."

"I'm working on BDO that's why i always find ways."

Natampal ko naman sya sa kanyang balikat dahil sa sagot nya na tinawanan lang din nya.

"But you know what? Ikaw nalang din naman ang hinihintay ko ehh. Ayaw ko naman na mag assume. Alam ko naman na hindi mo ako minamadali but ewan basta hindi ko maipaliwanag"

"Atleast ngayon masasabi ko ng akin ka na. Sa loob ng tatlong buwan it's finally official. You make me the happiest person in the universe "

"Grabe ka naman"

"Yes Because I love you "

"And I love you too. Thankyou for waiting "

"It's all worth it. You are worth to wait love."

My heart beats so fast when I heard what's Tj said.  She's my first love. Ang unang taong pinagkatiwalaan ko pagdating sa pag ibig. Madaming nagbalak na ligawan ako pero walang tumutuloy lalo na kapag tinignan na sila ni Cley.

Cley is so protective to us. Ayaw nyang mapunta kami sa taong sasaktan lang kami kaya agad agad nyang kinokontra once na may nagbalak. Masyado kase syang observer at talagang kikilatisin nya talaga ang mga taong dumaraan sa buhay namin. Pati nga ang mga umaaligid kay Glen ay ganoon din si Cley ehh ang kinaibahan lang ay agad ding sinosopla ni Glen ang mga ito kaya napapadali ang trabaho ni Cley.

"Sasabihin na ba natin sa kanila na tayo na?" Tanong ko pagkahiwalay namin sa isa't isa

" I think huwag muna?"

"Why?" Takang tanong ko? Ayaw ba nya na malaman ng girls ang tungkol sa relationship namin?

"Feeling ko kase may something kay Jia na hindi ko maipaliwanag ehh. Tapos lagi pa silang nagbabangayan ni Cley this past few days.  Gustuhin ko man na sabihin sa kanila pero parang hindi tayo totally na magiging happy kase may dalawang tao na may samaan ng loob." Paliwanag nya

Hindi ko rin mawari bakit nagkaganon yung dalawang yun. Yung bangayan kase nila nitong mga nakaraang araw ay parang iba na hindi tulad noon? Tapos laging ilap si Jia ngayon. Madalang na rin syang sumama sa gala namin, ganoon din sa gig nila sa Restaurant every Friday. Kaya laging kasa kasama nalang ngayon ni Cley ay si Shen

Nanghihinayang ako sa friendship nila if ever kase si Jia lang kase ang taong nakapagpakibo kay Cley ng ganito ehh.

"Thinking something?" Agaw ni Tj sa atensyon ko

"Ow! Sorry sorry may iniisip lang ako. And sorry because I thought itatago mo yung relasyon naten"

Napakunot noo naman sya dahil sa sinabi ko.

"What are you talking about? Ikaw itatago ko? Hell! Gusto ko ngang ipagsigawan sa lahat ng tao na girlfriend na kita ehh. Yung hinahangaan ng lahat dahil sa sexiness nito sa stage at kahit wala sa entablado, ay nasa akin na?"

Be My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon