29

673 29 11
                                    

JAN'S POV

Seeing them again after years is such a wonderful day. Siguro noong una nagtatanong pa ko bakit pero ng makita ko na ulit tong magjowang to tapos kung paano pa sila ka excite na makita ako ulit, parang ang sarap balikan ng college days namin na walang ibang iniisip kundi ang kung paano kami makakapasa at kung paano namin mamemaintain yung mga rank namin.

"Bakit hindi kaya natin tawagan sina Shen? Malay nyo hindi nila maisipang mag Over time ngayon kapag malaman nilang sama sama tayong apat" suggest ni Yves

"Pwede pero paano naman sina Cley?" Sagot ni love

"Wala ka bang balita sa kanilang dalawa ni Jia, Glen? Diba malapit lang company mo sa company nila?"

"Jusko naman hahahah alam mo namang magkalaban yung kumpanya namin. Buti na nga lang hindi nila alam na magkaibigan kami ni Cley ehh. Sikat sila ni Jia sa company nila. Sila top recommended partners. Kapag may naka alam na magkaibigan kami akala nila nagsasabwatan kame. Lalo na mainit dugo sakin ng iba kong ka trabaho. Naghihintay na nga lang ako ng request ehh" paliwanag ni Glen

"Oyy ngayon ko lang nalaman yan. Wala kang ikinikwento sa aking ganyan bub" sabat namn ni Yves

"Kase nga po ayaw pa kitang mag alala. I can handle naman. Ni hindi nga ako nagpapa apekto sa kanila ehh. Mga inggit lang naman sila."

"Saan mo naman balak lumipat kung sakali?" Tanong ulit ni love

"Sa kumpanya nila Cley. Masyado nang toxic mga kasama ko sa trabaho. Buti nalang yung head namin hindi naniniwala sa sabi sabi ng mga ka trabaho ko. Malapit naman na ding maumpisahan yung plano ko medj sapat na ang ipon" sabi pa ni Glen habang nangingiti. Si Yves ay tila gulat.

"Ano nanamang plano yan?" Tanong ng Jowa nya

"Hehe, ang daldal ko talaga. Si ate Ara kase ehh, nabubulgar tuloy ang mga dapat secret palang"

"Dinamay mo nanaman pangalan ko, ang sabihin mo madaldal ka lang talaga"

Nagtawanan naman kaming tatlo maliban kay Yves na seryosong nakatingin pa rin kay Glen

"Not really a surprise bub, but I planed to build my own company. Sapat na yung ipon ko pampatayo ng sarili kong kumpanya, sobra pa nga ehh"

"Pero hindi mo pa rin sinabi sa akin."

"I did kaya."

"I thought nagbibiro ka lang tapos hindi mo pa nilinaw"

"Sowwy po" saad ni Glen tyaka yumakap kay yves patagilid "hindi ko nalang inulit kase naging busy ka na sa business mo"

"Yun na nga ehh tapos nag leave ka pa para masamahan lang ako"

"Because I love you"

"Ang sakit nyo sa mata" sabat ko sa usapan nila. "Pumunta ba kayo dito para maglandian? Pwede na kayong umuwi kung ganon. Istorbo kayo sa bebetime namin ni Ara ehh" pagbibiro ko pa

Gusto ko lang naman silang asarin pero masaya ako na nakikita ko silang ganito. Na mahal na mahal nila ang isa't isa.

For years na hindi kami nagkikita at wala akong balita sa kanila. tanging kay love lang ako nagtatanong kung ano nang nangyayare sa kanila. And I'm glad na they going stronger and stronger.

"Grabe naman tong si Jaja akala mo hindi ganito kay ate Ara nung araw"

"Joke lang naman"

"So ano na nga? Manggugulo na ko sa Gc ahh"

"Buhay pa ba yon?" Tanong ni Glen

"Wait tignan ko." Sabi naman ni Yves tyaka nagcheck na ng phone. Ganoon din naman ang ginawa ni love na nasa tabi ko kaya naki silip silip na rin ako

Be My LastWhere stories live. Discover now