26

721 25 5
                                    

3 years later...

JAN'S POV

I was busy typing on my computer when my phone vibrate. I'll check the time and it's already 12:35am.

"Hi love I brought you something wait for me okay?" napangiti agad ako dahil sa chat ni Love sa akin

Tatlong taon na ang nakararaan. Lahat kami ay may kanya kanya nang trabaho. Sina Cley at Jia ay nakapag apply sa isa sa mga sikat na kumpanya dito sa Pilipinas. Ganoon din naman si Glen. Nakahanap din sya ng magandang trabaho.  Si Yves naman still working so hard at naka ipon na din sya at balita ko ay nag uumpisa na nyang ipatayo ang sariling business nya sa tulong ng kanyang girlfriend na si Glen.

Sina Star at Shen naman ay pareho na ding nagtatrabaho sa isang sikat na bangko dito sa Manila. Magkasama pa din sila hanggang ngayon.

Si Ara naman. Sa kanya ako nabilib. Nasa business talaga ang hilig nya. Dahil after graduation ay nagsimula agad sya ng sarili nyang pagkakakitaan at napalago nya agad yun ng halos anim na buwan lang.

She's now having a coffee shop around Manila and different branches around luzon. And in her hometown. Sa main branch nya doon sya naglalagi. And isa sa supplier nya ng cakes and pastries ay si Yves. Sideline nya yun. Dagdag ipon din

And me? Eto tambay charot. I also find a job that related to my course. Mas pinili ko talagang mag apply sa hindi masyadong kilalang kumpanya para may experience ako. Then I'm helping my father sa kumpanya namin. I'm the acting COO.

Medyo naging mahirap man pero kinakaya. Ginusto ko to ehh. Sa umaga pumapasok ako sa firm. Kailangan ko lang naman kompletuhin ang walong oras maghapon. Kaya papasok ako ng ala sais y medya ng umaga hanggang alas dyes y medya ng umaga. Tapos ay sisilip ako sa kumpanya namen 11am to 2pm. Tapos babalik ulit ako sa firm ng 3pm to 7pm.

Kung minsan naman ay sinasagad ko na ang oras ko sa firm bago ako pumunta ng kumpanya. Nakakapagod man pero isang tao lang lagi ang nagpapawi ng pagod ko sa maghapon.

Kasalukuyan akong nasa opisina ko. At tinatapos basahin ng ipinasang documents galing sa marketing team. Ng magchat na yon si Love

Makalipas ang halos 15 minutes ay may kumatok sa pintuan at napangiti agad ako ng tumunghay sa may pinto si Ara. She gave me also ah big smile

"Hello" bati nya

"Hi love, dapat ako nalang ang pumunta sa shop mo ehh" tumayo ako at niyakap ko sya. Feeling ko narerecharge ako sa tuwing magkalapit ang katawan namin sa isa't isa.

Bitbit pa rin ang isang paperbag ay gumanti naman sya ng yakap sa akin.

"Gusto ko, ako pumunta sayo ehh. Tapos ka na ba?"

Lalo naman akong napangiti dahil sa sagot nya. Sa loob ng tatlong taon na pagsasama namin ay mas lalo naming minamahal ang Isa't isa.

"Hindi pa po. Pero mamaya nalang yun nandito ka ehh. Hindi ko na nga namalayan ang oras"

"Magahinga ka rin ahh"

"Ikaw ang pahinga ko ehh paano ba yan? Saad ko pa.

"Asus. Nambola nanaman po ang isang Jan tracy Lim"

"Hindi kita binobola love. Nakakapagod man ang maghapon. Ikaw naman ang pumapawi nito. Makita ko lang mukha mo pati yang ngiti mo na rerecharge ako"

"I love you"

"Mahal na mahal din kita. Always remember that."

"Yes po. Tara na kain na tayo habang mainit init pa tong dala ko" sabi nya tyaka na sya humiwalay sa akin at nagtungo sa private room sa loob ng opisina ko at kumuha ng gamit.

Be My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon