32

653 22 20
                                    

JAN'S POV

Hindi ko maiwasang hindi magselos sa tuwing nakikita ko si Love habang kausap si Mikki. I know it's about business but I can't help myself to get jealous.

Halos araw araw na silang magkausap. Lagi din laman si Mikki sa Shop ni Ara nitong mga nakaraang araw. Ayaw kong mag isip ng iba. Dahil ayakong mag away kaming dalawa ni Ara.

Hindi na ko mapalagay sa kinauupuan ko dito sa loob ng office ko. Kanina ko pa tinatawagan si Ara pero hindi ko sya matawagan. Good thing at may number ako sa isa sa mga tauhan nya at sya ang kinausap ko

"Hello"

"Hi. Welcome to EveryJuan's cafe
what may I help you?

"Amm this is Tj may I know kung nandyan ba si Ara?"

"Ayy ma'am Tj ikaw po pala, wala po si Ma'am Ara ehh. Sinama po ni Sir Mikki, hindi po ba nya nabanggit sa inyo?"

"Hindi ehh, baka biglaan lang. Kanina pa ba sila wala?"

"Hindi naman po mga 15 minutes bago ka po tumawag. Hindi vale ma'am sabihin ko nalang po sa kanya na hinahanap nyo sya mamayang karating nya."

"No need na thankyou"

"Are you sure ma'am Tj?"

"Yes, yes thanks for picking up bye"

Hindi ko na sya hinayaang makasagot pa at pinatay ko na agad ang tawag. Ganito na ba talaga sya? Hindi a talaga nya magawang mag paalam man lang sa akin na lalabas sila nung Mikki na yon?

Naiinis ako, hindi na ko makapag concentrate sa trabaho ko dahil sa kakaisip sa kanya. Bakit ba ko nagkakaganito? Bakit ang laking epekto sa akin ng hindi nya pagpaparamdam.

Girlfriend ko sya kaya normal lang na maramdaman ko to hindi ba? Ang hirap di'ba? Kung ikaw din nasa kalagayan ko magkakaganito ka rin. Lalo na magandang babae yung girlfriend mo.

At ang insecurity mo ay lalaki ang kasama nya. What if mahulog sya sa lalaking yon? What if bandang huli lalaki pa din ang magpapasaya sa taong mahal mo? Kahit sino matatakot isipin ang mga bagay na yun.

May tiwala naman ako kay ara pero sa kasama nya ay wala. Maraming pwedeng mangyari. Maraming pwedeng magbago. Kahit na gaano pa katagal ang pinagsamahan nyong dalawa kung may sisira nito tiyak na masisira yon.

Naglagi nalang ako sa buong opisina ko maghapon. Parang nawalan ako ng gana na magkikilos muna ngayon. Mabigat ang pakiramdam ko. Nagpalam Naman ako sa gead namin bago ako nagtungo dito. Buong hapon kong hinintay na tawagan ako ni Ara pero hindi nangyari.

Kagaya pa rin ng lagi kong ginagawa ay pumunta n ko sa Shop nya ng mga 5:30pm. Yun ang kadalasang oras ng pagsundo ko sa kanya. Nagbabago lang kapag may kailangan pa syang asikasuhin.

Pagka park ko ng sasakyan ko sa parking lot ng shop nya ay bumuntong hininga muna ko. Inalis ko muna ang kabang kanina pa nagpaparamdam sa akin na pilit kong ikinukubli.

Binati naman ako agad ng mg Staff na nakasalubong ko. Nang matiyak na nandito na si Ara ay nag dere diretcho ako sa my Office nya.

Mag isa na sya habang pinipirmahan ang mga papel na nagkalat sa lamesa. Todo din ang ngiti ny sa kanyang mga labi. Na parang may bunabalikan na masayang alaala.

Hindi rin nya napansin na binuksan ko ang pinto kaya naman ay kinatok ko iyon para agawin ang atensyon nya.

Mabilis naman syang lumingon sa akin at ngumiti ng napakalapad. Ako naman iting marupok nagpatangay agad sa mga ngiti nya. Gumanti ako ng ngiti sa kanya.

Be My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon